ilang oras na akong nakatingin sa cellphone ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nag sent request ito sakin. nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko. dapat nga ay sinisimulan ko na ang painting ko na ipapasa.
pero naka ready lang ang canvas mga paint brush and acrylic paint ko pero wala pa akong idea pano ko sisimulan dahill boung atensyon ko ay nasa cellphone ko lang.
habang tulala ako rito sa cellphone ko ay may biglang kumatok sa pinto ko.
"ali can i come in?" it was mommy voice.
"yes!" i shouted
"your momma made some snack for you bago umalis"
"thank you mom" i said and hug her.
"what are you doing bakit nakalabas ang mga art supplies mo?" she asked dahil nakakalat lang ng gamit ko.
" I joined the club mom, and i need to pass an artwork by next week pero i want to finish it na" i said.
" oh well if you need anything call me na lang sa baba i still have to finish sa report" hinalikan pa ako nito sa noo bago lumabas.
pag labas ni mommy ay binababa ko na ang phone ko at nag simula na akong mag sketch. but no matter what i do wala talagang pumapasok sa isip ko para gawin. ayoko naman sunset lang ang gagawin ko dahil hindi na nakakaimpress yun.
i just give up and start eating my snack and just stare at a blank canvas. binuksan ko na lang ulit ang cellphone ko at i-stalk ang profile ni ms.wilson.
sobrang seryoso lang ng muka niya sa profile pero kahit ganoon ang ganda pa din niyang tignan, may buttefly pa to sa bio niya na hindi ko na pinansin at nag scroll pero wala na akong nakita dahil wala man lang siyang post at iilan lang ang friends niya.
papatayin ko sana ulit ang phone ko pero nakita ko na naman ang bio ng butterfly.
wait that's it i can paint a butterfly and make it unique. I started sketching a big butterfly on my canvas. after maybe 20-30 minutes ay natapos ko na ang sketch nagustuhan ko naman ang ginawa ko ay nag start na akong mag mix ng color.
after 3 hours of painting ay natapos na din ako i was so happy about the result of the painting. hayaan ko na lang matuyo to then i can bring it tomorrow at school.
-----
"wow ang ganda naman ng painting mo alisha" puri ni amber.
habang masaya ako sa resulta ng painting ko ay tinapunan ko ng tingin si areum na nakayuko sa table at mukang natutulog.
"areum are you sleeping?" i asked her kahit mukang obvious naman.
"i'm not" sagot niya pero halatang antok naman siya.
habang busy ako sa phone ay pumasok na si ms.wilson na sobrang sama ng tingin sakin. yeah sakin lang siya nakatingin. ano na naman ba ang ginawa ko?
"Everyone gets a whole sheet of paper now!" umagang-umaga badtrip na siya.
dahil din boses niya ay napaayos ng upo si areum.
"what's happening?" halatang antok pa rin to dahil sa boses niya.
"i don't know"
pinagawann lang niya lang kami ng essay sa lahat ng lesson na na discuss niya at kailangan pang back to back pa daw. hindi naman mahirap dahil marami pa akong natatandaan ewan ko lang sa katabi ko.
"tapos kana?"
"yup"
"patingin kuha lang akong idea" inagaw nito sakin ang papel. kukuha daw ng idea pero halos kopyahin na lahat ng sagot ko.