🔰 Yuko:9 🔰🔞

0 0 0
                                    





Soleil's pov......










Kakatapos ko lang mag ligpit ng mga files na pinag review sakin ni Mr. Jiruhema slash batugan kong boss,tsk. Hayup nayan, wala pa'kong agahan tapos andami kuna agad trabaho. Malapit na mag two ng tanghali at kahit isang piraso ng tinapay ay hindi pa'ko nakakain!. Mag mula kasi ng utosan nya ko na mag timpla ng coffe nya ay sunod-sunod na ang utos nya. Ito nga ang kakatapos ko lang gawin, pinag kuha sakin yung sandamakmak na mga files sa stock room. From year 2011-2023. Lahat yun pinag review nya sakin, need ko raw alamin ang mga nakaraang files para may alam ako sa mga ipapagawa sakin.

Saktong pagka ligpit ko ng mga natitirang files at ilang kalat sa table ko ay sya namang pag tunog ng tyan ko. My gosh gutom na gutom na talaga ako, medjo nahihilo narin ako at mahapdi na talaga yung tyan ko. Ok magaling ako mag puyat pero legwak ako sa patagalan magutom, jusme. Baka ito pa yung ikamatay ko ng wala sa oras eh.

Tumayo ako at nag lakad mula sa table ko at handa na sanang mag tunggo sa kitchen ng company para naman makakain pero hindi paman nakaka layo ng tuloyan ay tumonog nanaman ang intercom. Senyales na may ipaguutos nanaman ang mahal na hari.

Tangina! Sinasadya nya bang pagurin ako?. Shuta first day of work ito agad.

Bagot akong pumasok sa office nya, wala ng katok na naganap at basta ko nalang binuksan iyong pinto. Naabutan ko syang titig na titig sa kung ano sa cellphone nya at malaki pa ang pagkaka ngiti nito. Ngunit agad din namang nawala iyon ng mapansing naka tayo na ako sa harap nya.

"You need something SIR?" Pinag diinan ko talaga, manhid ba sya? Di nya ba ramdam na bagot na bagot na'ko Sakanya.

"Ahm yes, i have a files to review. It recorded on last 2018, something in section 2. Left side ng stock room. And please lang pakibilisan dahil importante ang oras ko." He seriously said

Hindi na'ko sumagot at tumalik na, kainis. Kung hindi lang ito kasama sa plano ay baka, naku sinasabe ko. Baka patay na ang hayup nayan!

Dahil nga nasa 15th floor kami ay kailanggan kopang bumaba sa 8th floor. Kailanggan kotong gawin dahil hindi pweding masira ang plano. Kahit gutom na gutom na ako at kahit hindi kona maramdaman ang mga binte ko ay pinilit kong maka abot ng 8th floor ng buhay.

Ng makarating sa stock room ay agad akong nag tunggo sa left side, puro mga sliding drawer ang nandito at mga malalaking shelf. May mumunting ilaw lang ang nag sisilbing liwanag sa silid kaya medjo madilim sa ibang parte.

Sinuri ko lahat ng mga name na naka lagay sa bawat drawer at ng mapunta ako don sa Mga record ng 2018 ay kinalkal kuna agad ito at hinanap yung sinasabe nyang section 2.

Habang nag bubuklat ng mga files ay unti-unting naging blurrd ang paninggin ko, mas na doble or triple ang sakit ng tyan ko na parang may kung anong matalim na bagay ang nasa loob at kinakatay ang mga laman loob ko. Tagaktak narin ang pawis ko at kahit ilang kisap ng mata ang gawin ko ay malabo parin kapag ididilat ko na ang mga mata mo.

Naaninag kopa yung pang huling files at kahit hindi sure na ito yung pinapa hanap ay kinuha kona iyon at tumayo.

Yun nga lang ng bigla akong tumayo ay mabilis akong nawalan ng balanse at maging ang kamay ko ay hindi ko magawang ikapit sa mga shelf, tuloyan akong napa bagsak sa tiles ng silid. Kahit hilong hilo ay pinilit kong igalaw ang kamay ko pero wala talaga, i even tried to shout to get some help pero walang boses ang lumalabas sa bibig ko. Ramdam ko yung hapdi sa ulo ko, don sa parting tumama sa tiles. Malakas yung pagka bagsak ko at diretchong tumama yung ulo ko sa tiles ng silid.

Unti-unti ay nawala yung kirot sa katawan ko, parang bula na biglang namanhid yung katawan ko at maging ang pag hingga ko ay unti-unting nanghihina. Nag simula naring bumigat ang mga talukap ko at at bago mag dilim ang lahat ay naramdaman kopang may luhang tumolo mula sa mga mata ko.









                           🔰🔞🔰





Yuko's pov.......







Tangina? Mag isang oras na mula ng utosan ko si Soleil at hanggang ngayon ay wala parin, tsk. Sabi kuna at bibigay din ang baklang yun eh. Gusto ko lang subukan kung hanggang saan yung tigas nya, pero parang ang dali lang para sakanya lahat ng ibigay kong utos. Kahit nga iyong mga files na hindi naman kailanggan ay pina kuha kopa sakanya para mag back out sya pero wala talaga, ang tibay nya.

Ng lumipas pa ang ilang minuto at wala paring Soleil na bumabalik ay inis akong tumayo mula sa upuan ko at nag tunggo sa labas ng office.

Sam ba sya nag punta? Don't tell ma na sumoko na sya. Or worse baka nakipag landian lang sa kung sino-sinong nakita nyang lalaki dito sa company.

Nag tunggo ako sa private elevator at pinindot ang 8th floor kung saan ang stock room. Kapag talaga nakita kong nakikipag ladian sya,tsk. I I'll make sure na parehas silang matatanggal ng kung sino mang punyeta ang kalandian nya.

Ng saktong pag bukas ng elevator ay may naka salubong akong isang janitor.

"Good afternoon sir" bati nya at yumoko pa ng bahagya.

Lalampasan kuna sana sya ng may maisip akong itanong

"Wait manong." Tawag ko rito at huminto nman ito

"Yes po sir?" Sagot nya at bahagya pang niyakap yung dulo ng hawakan ng mop

"Did you happen to see my secretary?" I ask. Not sure if he sees or nah

"Ah si ma'am ganda po sir? Si ma'am solei po?" Tumanggo ako rito at inantay ang sagot nya,umakto pa itong nag iisip at maya-maya lang ay nanlaki ang mata nito

"Ay sir oo, opo nakita kopo!. Mahigit isang oras napo mula ng pumasok sya sa stock room at hanggang ngayon ay hindi papo sya nalabas. Baka po naka-" dikona pinatapos at dagling nag tunggo sa pinto ng stock room

Tangina! Bat bigla akong kinabahan, this is new.

Halos padarag kunang binuksan yung pinto at ng mabuksan ito ay mabilis kong ini-ikot ang paninggin ko sa buong silid.

Maliit na parte lamang ng ilaw ang narito sa kaliwang parte at kahit medjo madilim ay hindi ako pwede magka mali sa nakita kong sapatos

That's Soleil's shoe. Dahan dahan akong nag lakad patunggo sa pwesto nito, para sana gulatin kung sakali mang natutulog ito ngunit hindi agad ako naka galaw ng makita kong umaagos ang dugo mula sa kung saan sa parte ng kanyang ulo pababa sakanyang katawan at ibabang parte.

"Holy shot!- help! Fucking help here!" Natataranta narin ako, for goodness sake!

Sinubukan kong kapain ang pulso nito at kahit na may naramdaman pa akong mahinang tibok roon ay hindi nito nagawang mabawasan ang nararamdaman ko. Halo halo na ang nararamdaman ko sa mga oras na'to, takot, pagsisisi, pag aalala, awa st kung ano ano pang.



Mabilis akong tumawag sa 911 at basta ko nalng itinapon sa kung saan ang cellphone ko bago mainggat na buhatin si Soleil.

May mga dugo na tumotulo galing sa ulo nito at kahit ayaw kong tignan iyon ay may kusang buhay ang mga mata ko na nadadako roon


My heart beating is not in good shape right now. It aches too!

"Jesus marjosep!-tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw nong janitor ng mabunggaran ko ito ng saktong pag labas ko ng stock room buhat si Soleil

"Please survive! Don't you dare die in my hand babe! Please don't fucking die!"

Yuko ( GVS#2 ) Under EditingWhere stories live. Discover now