04

38 1 1
                                    


"Was that for real?"




I was spacing out after i arrived at my dorm. Nag-tataka ako kung totoo ba yung nangyari kanina sa café. Did Ken actually just ask me out to eat dinner?




"I mean, sinabi ko naman kung ano bang magagawa ko para sa kanya dahil may nagawa akong aksidente, and i wanna thank him for helping me nung last time. " I thought about everything. Nang dahil sa nangyari, nagsasalita akong mag-isa ngayon na parang tanga. "Hindi ko naman inaasahang dinner ang gusto niyang ipabawi."




Ewan ko ba kung masaya ba ko or hindi dahil dinner gusto niya, wala pa naman akong pera. "Hays! Bahala na nga." Sabi ko at nagligpit na ng school works para matulog, kaso nagulat ako ng may nahulog na gamit sa likuran ko.




*boom!




"ay, baki!" sigaw ko pa sa gulat. Nang lingunin ko, nakita ko si Cal na kinukuha na yung tumbler na nahulog niya. "jusko naman, akala ko kung ano." Napahawak ako sa dibdib ko at hinimas ito.




"Hoy, ikaw. Ba't ka nagsasalita mag-isa diyan. Nababaliw ka na ba sa school at trabaho mo?" Napansin niya ata yung pagsasalita kong mag-isa. "Wala, pagod lang ako." Sagot ko naman, sasabihin ko kaya yung tungkol kay Ken? 




"Ha? Ganun? Pagod lang, nagiging weirdo na?" Komento pa niya. Ito talaga, ayaw pang maniwala! "hays, oo nga! Pagod ako kaya wag mo kong inisin." I said as i tuck myself-in in my bed."Good night, Cal." Sabi ko at pinikit na ang mga mata. Tomorrow will be another tiring day kaya dapat magpahinga na 'ko.




The next day. It was already afternoon and i was on duty with my work. As usual, maraming costumer. Busy na busy na naman ang linya ko kaya muntik ko nang malimutan yung usapan namin ni Ken.




7 pm na nung malapit na matapos yung shift ko. Kaunti nalang yung costumers and we were about to close up. "Hoy, beh. Kanina pa ata yang phone mo, beep ng beep. Check mo kaya." Kinalabit ako ni Rina at tinuro yung sling bag ko na naka-sabit sa may pintuan ng back-door ng café. Napansin niya ata yung notifs ng phone ko. "Hala, wait." Sabi ko as i took off my apron at nag-hugas ng kamay para kunin yung phone ko sa sling bag ko. Nung inopen ko yung phone, maraming messages.




09********* : i'll wait outside after your work

09********* : please, hurry up

09********* : nasa labas nako

09********* : tagal mo, ah




I was shocked when i saw the messages! Si Ken na 'to! Shet! Sa dami kong ginawa, nalimutan kong i-check ang phone ko!




"Hala, pumasok na yung lalaking kanina pa sa labas." Napalingon ako sa sinabi ni Rina. When i looked at the door, nakita ko ang isang matangkad na lalaking naka-cap na Balenciaga with an oversized black shirt and loose jeans pants. I already knew who he was based on how he walk, his presence was also over flowing with this swag and cool aura of his. Alam na alam ko na kung sino siya sa paggalaw lang niya.




Then my phone beeped again, nang tignan ko ito, it says ;




09********* : I'll enter, papasukin nalang kita




My eyes were in wide. Re-replyan ko na sana siya kaso.




"Good evening, sir! Welcome to Brew's Café and Drinks! What's your order?" Nung narinig kong eni-tertained ni Rina yung guy na pumasok sa café ay napalingon ako sa kanila.




"Good evening. I would like to order... "




Replied by the guy, but he paused midway as he was looking above the menu sa iba aw ng counter, but his gaze suddenly went down, until his eyes landed to mine.




"..someone."




Rina followed what he was looking at. Nakita niyang tinututukan ako ni Ken kaya na-confused siya. "uh.. excuse me, but are you about to order my friend here?" Rina grinned and creepily looked at me, alam kong ano ang ibig niyang sabihin!




The guy, a.k.a Ken scoffed, at napangiti pa siya. "Yes." Sabi niya habang tinititigan ako. Ano ba tong ginagawa niya?! Rina was shocked, hindi niya ata inaasahan yun. "ehem..  sure , sir." Yun ang sagot niya at lumapit kaagad sa 'kin para bumulong. "gago ka, jowa mo ba 'yun?!" Mahinang tanomg niya. Nagmamadali na agad akong nag-reply kay Ken bago sinagot si Rina.




to 09********* : wait lang, maghintay ka!




"hoy, ano pang ginagawa mo diyan? go na, beh!" bulong pa niya na tinutulak-tulak ako. Ready nang ipamigay! Narinig ko na naman na nag-beep ulit ang phone ko.




09********* : Inip na 'ko dito




Nagulat ako sa reply niya kaya tinignan ko si Ken doon at parang inip na nga siya.  Binilisan ko na kaagad mag-ayos sa sarili ko. "oo na!" bulong ko pabalik kay Rina dahil kinakalog na niya katawan ko sa kilig. Dalidali kong tinanggal yung pagka-bun ng hair ko at hindi na sinuklay, keri na to yung looks ko. Sinoot ko na din kaagad yung sling bag ko bago linapitan si Ken sa may counter.




"ano.. tara na." Sabi ko sa kaniya na hindi pa lumalabas sa may counter. Ang bango-bango niya, ang fresh. Nahiya naman ako. He then looked at me, from my chest to my eyes. Ayan na naman siya mang-judge! "Then, let's go." He said at tumalikod na para lumabas na sa café at umalis. Binilisan ko namang lumabas sa counter at sinundan siya. Liningon ko si Rina at  nag-thumbs up lang siya sabay wink. Kinakabahan na tuloy ako sa lakad na to.




When we finally got out from the café, Ken just stood there, looking at me. Kaya na anxious ako of how i look. "Ano bang tinitingin mo sakin?" Awkward kong tanong. Hindi naman kaagad siya nag-hesitate na sumagot. "Naghihintay ako kung san tayo kakain." Oo nga pala, yung dinner namin!




"a-ah.. san mo ba gusto kumain?" Tanong ko, sana naman at hindi sa mamahaling restaurant, oh! He was thinking for a moment kaya kinakabahan ako, baka kung ano pang o-orderin niya mamaya. "Ikaw bahala." Sa tagal niyang sumagot ay yun lang naman pala. Pinakaba pako!




"May alam akong restaurant, kaso baka ayaw mo dun." I honestly told him. Cheap restaurant lang yung alam ko, baka hindi niya gusto yun. "I'm not a picky eater." Sagot niya. Hmm, sige ha, sabi mo yan. "Sige sabi mo, eh." Nag-start na kaagad akong mag-lakad. "Malapit lang yun dito kaya sumunod ka." Sabi ko sa kaniya, hindi naman siya sumagot pagkatapos at sumunod lang sakin, kaya nagpatuloy na kami. Ewan ko nalang kung anong mangyayari samin ngayong gabi, hindi nalang alo mag e-expect ng kung ano galing sa kaniya.




Habang naglalakad, ay nag si-cellphone ako dahil nag te-text ako kay Callyn na mamaya na ako makaka-uwi, na dapat kumain na siya ng haponan na wala ako. Hindi ko naman napansin na may sasakyan palang magpa-park sa harap ng store na nilalakaran namin, nagulat ako nung hilain ako ni Ken palayo sa sasakyan. Feel na feel ko ang init ng kamay niya sa bewang ko. It was so soft and gentle.




"Stop using your phone on the street. Madidisgrasya ka niyan." May inis pa sa tono niya nung sinabihan niya ko, hindi nako nag matigas at pinasok na yung phone sa sling bag ko. Ano ba naman to? nang dahil sa ginagawa niya, napapa-isip ako na date 'tong ginagawa namin!

____________________________________________________________________________

Burning Passion Where stories live. Discover now