25

3 2 0
                                    

“Ma, gusto ko sanang puntahan ang mga kaibigan ko sa dati kong tahanan.” Paalam ko kay Mama.

Matagal ko na talaga itong pinagplanohan 'to e. Gusto ko na silang makita ulit, mayakap and I want to tell them how much I missed them, gustong gusto ko ring magpaliwanag sa kanila.

“Kaya mo na ba, anak? Gusto mo bang samahan kita?”

Napakamot naman ako sa aking ulo, tinuturing na naman niya akong bata. “Si Mama talaga, hindi namana ako bata 'no parang hindi pa ako nasanay noon. Kaya ko ng bumyahe mag-isa Ma, nakaya ko ngang 4 years akong bumabyahe e.”

Malayo kasi ang college rito sa bahay namin kaya kailangan bumyahe talaga ayoko namang kumuha ng apartment dahil takot akong mag-isa noon e.

My Mom chuckled. “Dalaga ka na nga talaga, Lia. Oh siya sige maghanda ka na ng mga dadalhin mong gamit at ako'y maghahanda lamang doon sa kusina nang makakain.”

Nag impake na ako nang mga dadalhin ko, isang maleta lang ang dala ko mga isang buwan lang naman ako roon. Sa bahay din ako titira iyong bahay namin ni Mama Melia roon, alagang alaga iyon kahit wala na kami roon.

Nang matapos akong mag impake ay inopen ko na ang aking facebook at may mga message roon ngunit may isang mensahe ang nakakuha ng aking atensyon.

Reunion for Grade 10 Section A

Chilean Dee added you to the group.

Chilean:
Hi,  @Amelia Castillo ! Namiss ka namin T__T

Nag add kasi si Chilean sa 'kin kaya inaccept ko. Isa siya sa mga kaklase ko noong nasa ikasampung baitang pa lamang ako.

Lexus:
Bakit walang profile si @Amelia Castillo , brokening ba siya? -.-

Hindi pa rin talaga nagbabago si Lexus, maloko pa rin.

Chilean:
Anw, may reunion nga pala Lia ngayong August 16, I mean bukas na talaga haha sa  resort namin siguro naman alam mo iyon 'no? ^^

Amelia:
Hello @everyone ! It's nice to finally chat you guys ^3^

Yes, alam ko kung nasaan ang beach resort ninyo @Chilean Dee pupunta ako : )

Kinakabahan ako nang makita kong nagseen si Dreyfus ngunit hindi man lang nag chat. Galit ba siya sa 'kin, galit ba silang tatlo?

Umiling iling na lamang ako at nag log out wala naman akong mapapala roon e.

Bumaba na ako upang kumain na dahil nag aya na si Mama.

“Kailan ba ang alis mo, anak?”

Nakaka flattered talaga kung tinatawag ako ni Mama na 'anak' noon kasi hindi ko naranasan na tawagin ng ganito ni Mama Lea pero ngayon araw-araw pa.

“Mamaya na Ma, may reunion pala kasi kami bukas e.” Bukas pa sana ako aalis pero wala na akong pahinga lalo na't malayo layo pa ang byahe ko.

“Mag-iingat ka roon ha. Nandoon naman sina Manang at pamilya niya sa bahay natin upang kahit papa'no ay may makakasama ka roon.”

Doon na pinatira ni Mama ang pamilya nila Manang, ang pinagkakatiwalaan ni Mama sa bahay, upang may mag-aalaga pa rin doon kahit wala na kami roon nakatira.

Niyakap ko si Mama dahil aalis na ako. 10 AM pa lang sobrang aga pa pero babyahe na ako upang may pahinga pa ako pagdating ko roon.

“Tawagan mo ako kapag nakarating ka na roon ha.” Niyakap ako ng mahigpit ni Mama at gano'n din ako sa kaniya.

Mamiss ko rito pero parang isang taon naman ako mawawala e 'di ba? Parang isang buwan lang e.

Buong byahe ay natulog lang ako at gigising lang kapag nasa terminal na.

Stell Ajero | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon