(At dahil Birthmonth ko na here's my advance gift to my fellow Veyynanas❤️)
Jane P.O.V
"Bilisan mong kumilos diyan Jane kanina ka hinihintay nang mga kaibigan mo!" dinig kong sigaw ni Mama mula sa baba.
'Si Mama talaga ang aga-aga para nanamang baril ang bunganga'
"Pababa na!" pabalik na sigaw ko at nag mamadaling isinukbit ang bag ko sa balikat ko at pahirapang binuhat ang mga libro kong hindi na kasya sa bag ko.
Nang makababa ako doon ko nakita si Feyth na umi-iling pa sakin.
'Problema nanaman nito sakin?'
"Tara na" Pag aayaya ko pa dito mag lalakad na sana ako nang pigilan niya ako. "Ano nanaman?"
"Papasok ka ng school nang ganyan ang itsura mo?" tanong niya habang nakaturo sa muka ko. "At walang laman ang tiyan?"
"Ano ba halika na--"
"Ah, Ah, Ah Hindi!" aniya bago ko pa mahawakan ang kamay niya ay itinaas niya ito. Nilingon nito si Mama sa kusina na kaya naman kaagad kong tinakpan ang bibig niya dahil alam ko na mag susumbong siya kay mama at tatalakan nanaman ako ni Mama kung nagka taon.
'Ipapahamak pa ako eh'
"Doon na tayo kumain sa school" she won't buy it. Wala sa sariling napabunton hininga ako and lean over her ears to whisper something to her. "Libre ko" pabulong na sabi ko at inis na inalis niya naman ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya.
"Fine, pero pwede bang mag suklay ka muna?" Napipilitang aniya tinanguan ko naman ito at hinanap ang suklay ko sa bag ko at nag suklay na. "Wala ka na bang nakalimutan? Yung salamin mo?" napasapo ako sa noo ko ng marealize ko na naiwan ko sa kwarto ko anf salamin ko.
"Ay nasa kama ko yata" Inis siyang napailing. "Teka kukunin--"
"Wag na ako na" aniya at tumakbo tungo sa kwarto ko.
'Ang swerte ko talaga sa kaibigan kong yan. Kahit minsan ay napaka sungit'
Nang makababa siya ay dala-dala na niya ang salamin ko kaagad niyang isinuot iyon sa akin dahil abala parin ako sa pag susuklay nang buhok ko.
"Tita mauna na po kami" Sigaw niya dahil nga nasa kusina si Mama at abalang nag luluto.
"Hindi ba muna kayo kakain?" Dinig ko pang tanong ni Mama.
"Sa school na po kami kakain tita" sabi pa nito at tumingin pa sa akin. "Ako na po bahala kay Jane" Dag-dag niya pa kaya naman napanguso ako dahil doon.
'Wala talaga akong lusot dito kahit kailan'
"Sige po Tita mauna na po kami"
"Sige iha mag iingat kayo" Dinig ko pang bilin ni Mama.
Nang maka rating kami sa School kaagad nang mainit ang tingin sakin nang karamihan,iniiwasan ko nalang sila dahil ayokong mapaaway dahil ayoko ding madamay si Feyth.
YOU ARE READING
To Be With You (VEYYNANA'S SERIES) *Under Revision*
Short StoryI dedicate this story to my fellow VEYYNANA'S who's always been there to support me all thru out my journey. This book is one way for me to thank them,let's follow their story this is pure fiction so please dont every expect that every detail is bas...