Jane P.O.V
Halos mag back out ako pag baba na pag baba ko nang kotse nila Ate Kely dahil ako talaga, oo ako talaga ang naging center of attraction nang lahat.
'Akala ko kaya ko hindi parin pala'
"Umuwi na tayo ayoko na please" Pakiki-usap ko sa kanila at nag pupumilit na sumakay muli sa sasakyan pero dahil lugi nanaman ako dahil dalawa sila at mag isa lang ako wala akong nagawa kundi ang tanawin lang ang sasakyan papalayo. "Ate--"
"Hay nako hindi pwede!" pigil sakin ni Ate Kely. "Nandito na tayo aayaw ka pa"
"Oo nga! Isa pa pwede ba just for tonight face your fears" Pag sang ayon naman sa kanya ni Feyth.Nakanguso akong sinasabayan lang silang mag lakad. "Huwag kang mag alala we got your back, diba Ate?" Tumango naman sa kanya si Ate Kely.
'Pinag tulungan pa talaga ako'
"Pwede bang huminga muna sandali?" Tanong ko kaya naman binitawan nila ako.
Pumikit ako at makailang beses na bumuntong hininga, ilang beses pa akong bumuntong hininga pa ako bago nag dilim ang vision ko at sa hindi ko inaasahang pag kakataoon nakita ko ang repleksyon niya. Ayoko man aminin sa sarili ko ay wala akong magawa,napangiti nalang ako.
He was smilling at me and whispering something into my ears na para bang minomotivate niya ako kaya sa huling pag kakataon ko na nag labas nang buntong hininga at sa pag mulat ko maging ako sa sarili ko ay nagulat ako dahil nakuha kong ngumiti nag tataka pa ang dalawa kung bakit pero parang sa isang iglap walang tao sa paligid ko at may sariling buhay ang paa ko dahil kusa itong naglakad patungo sa loob nang party bar.
Pag karating na pag karating sa table namin ay kaagad akong inusisa ng dalawa.
"Girl anyare?" Takang tanong ni Feyth.
'Anong anyare?'
"Ang loka biglang nagka confident" Natawa nalang ako sa kanilang dalawa. "Oh kita mo tong tao na ito nag hihintay kami ng paliwanag tinatawan lang kami"
"Hoy saan ka humugot nang kapal nang muka?"
"Talaga ba Feyth? Kapal ba nang muka?" Sarkastikong tanong ko dito kaya napakamot siya sa ulo niya.
"Oh sige erase, erase i-paraphrase natin" Sabi niya na siyang ikinailing ko naman.Hindi talaga nila ako titigilan hanggat hindi sila nakakakuha ng sagot sa mga tanong nila. "Saan ka ba bigla naka hugot nang confidence para pumauna at iwan kami sa labas kanina?"
"Ano ba kayo sabi ko naman sa inyo hihinga lang ako saglit diba?" simple palusot ko.
"Infairness sayo ha kinabog mo kami ni Ate" suhesyon ni Feyth na siyang nginitian ko nalang.
"Ah Catherine Jane? I don't want you to freak out but, there's this boy na kanina pa nakatingin sayo" awtomatikong nag salubong ang kilay ko nang dahil doon. "Wag kang titingin" Hindi ko alam kung bakit ayaw nila ako palingunin doon pero sinunod ko nalang wala namang mawawala kung susunod ako eh. "Actually kanina ko pa siya napapansin pamuhat nang nag lakad tayo papasok sa party bar na ito"
"Ikaw ba Ate ay sigurado diyan? O baka naman namamalik mata ka lang baka mas tumaas grado nang mata mo" paninigurado sa kanya ni Feyth at nililingon ang banda sa likuran ko. "Wala naman ah"
"Alam ninyo kayong dalawa talaga kung ano anong iniisip ninyo akala ko ba nag punta tayo dito para mag party?" tanong ko sa kanila kata naman nag katinginan sila.
"Oo nga" halos sabay pa nilang sabi.
"Actually its a Birthday party Jane" Sabi ni Feyth kaya naman taka akong napatingin sa kanya.
"Oh birthday-han pala eh kung ganun bakit ako'y ichini-chismiss ninyo lang?" muling tanong ko sa kanila kaya awkward silang mapangiti sakin. "Ano nasaan ang birthday Celebrant? I want to greet her"
"Ay Oo nga pala" sabi ni Feyth at nag mamadaling tumayo.
Hindi siya mag kanda ugaga kung sinong uunahin sa amin ni Ate Kely na alalayan dahil para siyang lalaki na naka alalay pa saming dalawa ni Ate Kely sa pag tayo natatawang umiling lang ako dahil sa kanya.
'Gentelgirl naman pala'
Hindi naman nag tagal ay nag punta muna kami sa isang Stage na obviously lagayan nang gifts. Mabuti nalang at dala-dala namin ang mga regalo namin. Inilagay lang namin iyon sa isang mesa kasama nang iba pa.
"Ano nga Pangalan ang may birthday?" Tanong ko pa habang nag lalakad kami kung saan.
"Hazel Kastrenze" sagot naman sakin ni Feyth habang marahan kaming umaakyat sa hagdan.
"Ang Haba naman nang pangalan niya"
"Sa kanya mo kaya ireklamo yan" napalingon naman ako sa itinuro ni Ate Kely at sa gulat ko napa atras nalang ako.
Bagaman nakangiti ito ay hindi ko maiwasang kabahan.Base palang kasi sa facial features niya muka siyang mataray mata at kilay palang.
'Wag ninyong sabihin isa nanaman ito sa mga mean girl'
"Gosh I'm glad you came" dinig ko pang sabi niya.
"Nga pala Ate Haze si Jane pala" pag papakilala sakin ni Feyth kahit na nanlalamig ang kamay ko sa kaba ay inihayag ko ang kamay ko sa kanya. "She's the one we've been telling you"
"Oh Hi Jane" aniya at magalak na kinuha ang kamay ko para maki pag shake hands sa kanya. "Mabuti naka punta ka, I heard so much about you" pilit na ngiti nalang ang iginanti ko dito kaya napangiti siya sakin.
"Wala si Cha?" Tanong ni Ate Kely na siya namang inilingan ni Ate Hazel.
"Let me guess tinangihan ka nanaman niya dahil sa nahihiya siya right?" tinanguaan naman nito si Feyth.
"Hindi ko na pinilit busy din daw siya eh tinutulungan niya ang parents niya sa business, kaya hayaan nyo na pag biyan na ninyo"
"Eh ano pa nga ba?" sabi naman ni Ate Kely.
"Nga pala" muling aniya na siyang umagaw sa atensyon namin. "Enjoy the party ha" tinanguan naman namin siya bilang sagot. "Paano mauna na ako ha aayusan pa kasi ako" paalam niya at umalis na kaagad.
'Aba hindi pa siya naka ayos nun?'
"Alam namin iniisip mo" napalingon ako sa mag kapatid dahil doon. "Wag kang mag alala mabait yun"
Hindi kalaunan bumalik kami sa pwesto namin at makailang beses pa nila akong niyayang sumayaw pero nanatili lang ako sa upuan ko. Nang manawa ako sa panonood sa kanila habang nag sasayaw at uminom na muna ako nang tubig.
Hindi naman nag tagal ay napatingin ako sa kabilang table namin nanlaki ang mata ko nang may nakita akong pamilyar na muka roon. He was sitting alone manly crossing his leg smilling and waving right at me.
'What is he doing here?'
He signed me to come over him, patayo palang sana ako ng may humila sakin at bigla akong gawaran nang halik sa gulat ko hindi ako kaagad naka kilos.
Nang mabalik ako sa wisyo malakas kong itinulak ang hampaslupang humalik sakin. Kaagad hinanap nang mata ko si Tyler pero wala na siya sa upuan niya, may kung ano sa puso ko ang na durog sa di malamang dahilan.
'Nakita niya kaya yon? He probably sees it! He's right in front of me! Damn it!'
YOU ARE READING
To Be With You (VEYYNANA'S SERIES) *Under Revision*
Historia CortaI dedicate this story to my fellow VEYYNANA'S who's always been there to support me all thru out my journey. This book is one way for me to thank them,let's follow their story this is pure fiction so please dont every expect that every detail is bas...