CHAPTER 5: 2023

223 32 5
                                    

Wise

After nang ilang years ng pag ka alis niya, ni-isa sa bagong post sa ig at sa iba pang social media, wala siya. Walang bago 'yung dati parin. O baka naman, nag palit na siya ng name sa mga social media niya, gumawa siya ng bago baka gano'n.








Nag simula nang bumuhos ang ulan, napansin ko 'yon dahil tabi ako ng bintana. Kahit sobrang lakas ng tugtog dito sa kotse dahil nag papa sound trip nila Ed, mahilig nilang gawin 'yon pang pawala nang stress.




Habang malakas ang buhos ng ulan sa labas, nakapatingin lang ako at pinag mamasdan ang pag bagsak ng ulan sa bintana.






Bakit pa siya bumalik?..





Bakit ba siya.. umalis? Huminga nalang ako nang malalim, sobrang bigat parin sa pakiramdam, hindi ko alam kung ilang taon na ang nakakalipas pero Hanggang ngayon, mabigat parin.





****
2 0 2 0

"Si Vee?" Hindi ko alam pero bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko, "Nasan si Vee?" Patuloy na tanong ko pero ni-isa, walang sumagot sa tanong ko.







"Tang— si Vee ba!?"  Nag taas na 'ko nang boses, tumingin sa 'kin si coach at si Dex. Pinilit kong tawagan ang cellphone niya pero cannot be reached parin. Tangina!







"He has resigned." Dahan dahan kong naibaba ang cellphone ko nang marinig ko ang sagot ni Dex. "H-huh?.. h-hindi.. ini..wan niya 'ko?.." putol putol kong sabi.






Isang umaga, pagkatapos ng isang mahabang bakasyon namin, lahat kami binigyan ng isang buwan para makapag bakasyon. Since naka pasok kami sa MPL hindi kami nakakapag pahinga, hindi namin sinasayang ang opportunity na dumadating samin, pinapakita namin na deserve namin ang spot namin sa MPL.






"hay! bakit kailangan pa nang ganito, baka 'di na 'ko pabalikin ni mama eh!" Nag mamaklo kong sabi, "Wais naman, kailangan ka makita ng mama mo ang tagal mo narin hindi umuuwi." Sabi ni Vee habang nililigpit ang mga damit na dadalhin ko.





"Oo na.. pero, ikaw? Saan ka tutuloy?" Tanong ko kay Vee na busy na inaasikaso ang mga gamit ko.




"Wais, yung pabango mo wala pa dito!" Sabi niya at napakamot nalang sa batok niya, nilapag ko muna yung cellphone ko sa mesa at tumayo na, lumapit ako sa kabinet ko para kunin yung pabango ko, galing pa 'to kay Vee kaya sobrang favorite ko yung amoy.






"Ito na po boss." Biro ko, tumingin naman siya sa 'kin nang masama, "Kanina ko pa po ito inuutos." Sabi niya.






"Sorry na, h'wag na mag sungit." Lambing ko naman, sabay pisil sa ilong niya. "Saan ka mag ba-bakasyon?" Tanong mo ulit at umupo sa tabi niya.




"Basta." Maiksing sagot niya, kumunot naman ang noo ko, "Sumama ka nalang kaya sa 'kin?" Natawa siya pero seryoso ako sa sinabi ko.





"Hindi na, mag enjoy ka, ha?" Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko. Weird.






"Bye! See you, next month!" Sabi ko at sinuot na ang bag, yumakap ako kay Vee nang mahigpit. "See you." Maiksing sabi niya.




"hm?" Tumingin ako sakanya, "I said, see you." Ani niya at inayos ang buhok ko, "Enjoy your vacation." He smiled.



After nang isang buwan na bakasyon bumalik na ako sa bootcamp, sinabihan nga kami ni coach na kung maari h'wag mag pala late kasi may announcement daw na mangyayari. Ilang oras na ako sa bootcamp at apat palang ang member namin, hinihintay ko pa si Vee, nag iiwan na 'ko ng messages pero wala parin siyang response.






Hanggang mag simula na kaming tawagin ni Coach sa office niya, nagulat ako bakit kami nag simula nang wala si Vee, nang wala ang captain namin? Pero hindi ko nalang pinansin baka nakapag paalam na sa kanila si Vee o baka nauna na niyang nasabi kay Vee.






Pag pasok namin sa loob nakita namin ang lalaking kasama ni Coach, pamilyar 'to sa 'kin, nakikita ko mga laban niya. Okay naman pero kompleto na kami.






"Guys! Let's welcome Karl!." Sabi ni Coach, ngumiti silang lahat kay Karl, "Bago na ting member at tatayo bilang captain."






Biglang nag bago ang ihip nang hangin, napatingin ako kay coach habang nakakunot ang noo.







"Eh pano si Vee? May captain na kami coach." Nakakunot ang noo ko habang Naka tingin sakanya. Hindi ako nakatanggap ng sagot kay coach kaya kinuha ko nalang ulit ang cellphone ko at sinubukan tawagan ulit ang number ni Vee. Tangina! Nag de-desisyon sila nang wala si Vee!?





"Wise.." Mahinang sabi ni Coach at akmang hahawakan ang braso ko pero hindi niya nagawa nang lumakad ako palayo sakanya.

"Si Vee?" Hindi ko alam pero bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko, "Nasan si Vee?" Patuloy na tanong ko pero ni-isa, walang sumagot sa tanong ko.







"Tang— si Vee ba!?"  Nag taas na 'ko nang boses, tumingin sa 'kin si coach at si Dex. Pinilit kong tawagan ang cellphone niya pero cannot be reached parin. Tangina!







"He has resigned." Nabitawan ko ang cellphone ko nang marinig ko ang sagot ni Dex. "H-huh?.. h-hindi.. ini..wan niya 'ko?.." putol putol kong sabi. Sobrang naging pabigat ang pakiramdam ko, hindi ako naniniwala, hindi magagawa ni Vee 'yon.






"Tinanggal niyo siya kasi may ipapasok kayo, gano'n ba." Napahigpit nalang ang pag hawak ko sa cellphone ko, galit at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.




"Hindi, Wais." Sinusubukan ipaliwanag ni Coach ang nangyari. "Desisyon niya 'yon, Wise!"







Hindi na 'ko nakasagot nang marinig ko 'yon, hindi ko na mahahabol. Hindi ko alam kung saan ko hahabulin. Pano ko siya hahanapin, kung hindi ko alam kung nasan siya, kung nandito ba siya sa Pilipinas or nasa Japan na.






Ang daming tanong sa isip ko, ang daming tanong na si Vee lang ang makakasagot. Gabing gabi na at andito parin ako sa waiting shed. Basang basa ako ng ulan pero andito parin ako sa waiting shed.




Hinihintay na dumating— bumalik siya. Pinipili ko maging positibo. Kaya tumakbo ako rito, baka sakaling bumalik pa siya, mag hihintay lang ako dito.






"Wise.." rinig kong sabi ni Dex, "Ano bang ginagawa mo, pre?" Tanong niya at hinawakan ang braso ko, kaagad ko namang inalis 'yon nang malakas.

"Alam niyo na 'to, alam niyo nang aalis siya.. pero ni-isa sainyo ang nag sabi sa 'kin." Nakayuko kong sabi, hindi ko alam kung kanino ba dapat ako magalit pero hindi ko na maintindihan.



"Hindi.. wala rin akong alam, sa tingin mo hindi ko sasabihin sayo 'yon? Hindi ko rin alam nalaman ko lang nung naka tanggap ako ng email mula sakanya." Ani niya, kanina pa sila nag pa-paliwanag pero ni-isa sa mga 'yon hindi ko pinapakinggan.






Masyadong sarado ang tenga ko sa mga katotohanan.


"Hindi naman niya ako iiwan eh.."

Akala ko lang pala.

_____________________________________________________________________________________🌙

The Almost Us Where stories live. Discover now