Chapter 4

355 27 50
                                    

Chapter 4 ☠ Dia Perr


"Si Dia ay maganda!" Kanta ng isang babaeng animo'y tumatalon talon pa habang naglalakad sa gilid ng kalsada.


"Si Dia ay sexy!" May hawak itong malaking lollipop habang may malaking ngiti sa mukha.


"Si Dia ay dyosa!" Nakaladlad ang mahabang itim na buhok nito. Nakasuot siya ng isang dress na pangbata ang disenyo.


"Everyone loves Dia! Fap fap fap fap!" Pumalakpak-palakpak pa ito kaya pinagtinginan siya ng mga tao.


Si Dia ay may sakit sa pag-iisip. Bata pa siya ay sinubukan na ng mga magulang niya na ipagamot ang sakit niya ngunit hindi na talaga mababago na ganito na talaga siya. 17 years old na si Dia at hanggang ngayon ay ganoon parin ang kilos niya, ang pananamit niya, at ang pananalita niya. "Special child" nga daw ika nila.


Naglakad nalang ulit siya habang tumatalon talon, hindi alintana ang nakarang na bato sa lalakaran kaya nadapa siya, una ang mukha.


"Ay puke!" Sigaw niya ng madapa.


Tiningnan niya ang paligid at nakita ang mga matatandang nanlaki ang mga mata habang may mga kabataang tumatawa.


"Ang bastos naman ng batang 'to."

"Kay libog kababaeng tao!"

"Wahahahaha! Putangina nakita niyo ba 'yun?! Hahahaha! Nakakatawa talaga ang epic!"

"Hoy, manahimik ka ngang bulag ka!"


Unti-unti siyang napahikbi hanggang sa napangalngal na siya. Pinilit niyang tumayo kahit na kumikirot ang kanang tuhod niya dahil nasugatan ito. Pagkatapos ay tumakbo siya paalis, hindi niya napansin na naiwan niya na ang kanyang lollipop sa daan.


"Sabi ni Mommy, kapag may masamang tao na nangaway kay Dia, sabihan niya ng tangina!" Bulong ni Dia habang humihikbi.


Kaya humarap siya sa mga tao kanina at sumigaw, "TANGINA NIYONG LAHAT!" /le flips hair/


Tumalikod na siya at naglakad na ulit, naiwan namang nakanganga ang mga tao kanina.


Napaiyak nalang ulit siya ng maramdaman ang sakit sa tuhod, dumudugo kasi ito. Takot pa naman siya sa dugo, parang bata lang.


Nang madaanan ang isang eskinita ay pumasok siya doon at umupo sa tabi ng basura, wala siyang pakialam kung mabaho.


Ang gusto niya muna ay ang mapag-isa.


Oo, mapag-isa, sa tabi ng basura.


"Nakokonsensya na ako."


Napahikbi nalang siya ulit ng maalala kung paano siya pagtawanan ng mga kabataan kanina. Wow ha, parang sila hindi nadapa!


Kim Taehyung is DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon