"Engr. Mercado!"Napalingon ako sa tumawag sa akin, kumakaway pa ito kaya madali ko syang nakita. I was about to call him pero kanina pa ata sya naghihintay dito. Hawak nya ang cardboard na may sulat na 'Engr. Mercado'.
Namukhaan ko sya kasi may nisend na picture ang company sakin, sya nga daw ang susundo sakin dito sa airport. I forgot his name, gosh.
"Dito po tayo engineer, welcome home po" kinuha nya ang maleta ko at sya ang nagtulak nun.
"Thanks.. Ahm what's your name again?"
"Philip de Castro po engineer, Phil nalang po for short" magalang nitong sagot.
Mas bata kasi sya sakin, siguro intern sya sa company.
"Pasensya na, malilimutin talaga ako sa pangalan, nice to meet you Phil" inabot ko sa kanya ang kamay ko.
Napatingin pa sya sakin bago nya inabot yung kamay ko, his hands are sweating, tingin ko kinakabahan sya. Am I scary?
"Pasensya na engineer, kinakabahan ako e, nai intimidate po ako sa inyo" nahihiya nyang sabi at binawi agad ang kamay nya.
"Why? Am I look scary?"
"Naku hindi po, sobrang ganda nyo nga po, actually sobrang idol ko po kayo e, ganto po pala ang feeling na mameet yung idol nyo, medyo nakakakaba" natawa nalang ako sa kanya.
"Wag kang kabahan, di naman ako nangangagat, saka magiging magkatrabaho na tayo pag pasok ko sa company kaya masasanay ka na ring makita idol mo" casual kong sabi.
"Excited na nga ako engineer, siguradong marami akong matutunan sa inyo" medyo nawala na yung kaba nya.
"By the way, do you have a car ba? Or taxi nalang tayo?" tanong ko, malapit na kami makalabas dito sa airport e. Bata pa kasi sya, baka wala pa syang sasakyan saka licence.
"Wala pa po akong licence, pero po ay nagpasama ako kay ate Tinay, hinintay nalang po nya tayo sa labas, ayun po yung black na hammer"
Napahinto ako sa paglalakad.
Marami namang Tinay sa mundo diba? Hindi naman siguro sya yun, right?
I saw a woman leaning on a black hammer outside, she's wearing a black coat with white shirt underneath, and a slacks. She have black sunglasses on. Nakatulala lang sya sa sahig at tila hindi naramdaman ang pag lapit namin.
"Ate Tinay! Andito na si Engr" tawag sa kanya ni Phil saka nito ingat ang tingin nya at nagtama ang mga mata namin.
Parehas kaming naka sunglasses kaya di ko makita kung anong reaksyon ng mukha nya.
"Engr. Mercado, sya po si Engr. Recto" pakilala samin ni Phil.
Nakatingin lang sya sakin, kaya tinanggal ko na yung shade ko at inabot ko sa kanya ang kamay ko.
"Long time no see, Engr. Recto"
Hindi nya inabot ang kamay ko kaya babawiin ko na sana yun ng bigla nya yung hilahin pabalik.
"How are you, Engr? It's been a 4 years, if I'm not mistaken"
"Yeah, I'm doing good, but I'm so sleepy right now"
Palipat lipat ang tingin samin ni Phil, hindi nya siguro inaasahan na magkakilala kami.
"Magkakilala pala kayo ate Tinay?" tinanguan lang nya ito.
"Let's go, baka maipit tayo ng traffic"
Bubuksan ko na sana yung hulihan pero naunahan ako ni Phil.