CHAPTER 23

103 5 0
                                    

(PAST........)

Nandito kami ngayon sa isang kakabukas pa lang na bar, The Mystique Bar, si Sha ang nag introduced saamin ng lugar. Kaibigan niya raw ang may-ari nito.

Nandito kami para damayan ang kaibigan namin. Broken hearted e. Broken hearted sa kababata niya. Kapag tinatanong namin ito kung mag boyfriend ba sila, tanging sagot niya ay,

"Magpapakasal daw kami pagka graduate."

They're not boyfriend-girlfriend thing. Magkababata lang sila. Pero iyong lalaki mukhang may ibang balak.

Tudo bakod ito kapag may nagtatangkang manligaw sa kaibigan namin. Tapos siya, kabikabila ang babae.

Actually it's more like celebration. Dahil sa wakas hindi na siya magmumukhang tanga dahil lang sa lalaki na yun.

Kung ako nga ang tatanungin, mabuti na maaga pa lang ay pinutol niya na ang kung ano mang ugnayan meroon sila.

Hindi pa nga mag boyfriend, nagkakasakitan na.

Tapos ang mga tao ngayon, pipintasan ka kapag wala ka pang boyfriend....kapag meroon naman, ganun din ang mangyayari.

Hindi na ako uminom ng may dalawang lalaking dumating. Gustuhin ko mang paalisin ang mga ito, wala ring mangyayari. Iyong Isa kase busy na sa pakikipag make out sa pinsan ng kaibigan ko.

Habang iyong Isa naman titig na titig ito sa kaibigan ko. He's somewhat familiar pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.

Mas nag focus ako sa pagbabantay kay Renren, habang lihim na pinagdarasal na sana dumating na iyong dalawa pa naming kaibigan. Sila Sha at Rhia.

Mukhang matatagalan pa bago maubos ni Doreen ang isang bote. Kanina pa ako naiihi!

Hindi ko siya pweding iwan dito. Lalo na at mukhang may kakaiba sa lalaking kanina pa grabe kung makatitig kay Doreen.


"Lyn sorry naflatan kase iyong gulong ng motorcycle ko kaya ngayon lang ako dumating." Mawawalan na sana ako nang pag-asa nang biglang dumating si Rhia. Fresh iyong mukha, pero ang buhok stress na stress na.


"Ano kaba okay lang yon no." Natatawa ko namang sagot dito. My angel in disguise. Buti at dumating siya, may mapag iiwanan narin ako kay Doreen kapag nagtungo ako sa banyo.


"Thank y- ay putragis, bakit dito to nag chuchurbahan?" gulat nitong bulalas sabay tutop ng bibig ng mapagtanto nito na medyo napalakas ang boses niya kung kaya't may napatingin sa gawi namin na para bang nagsasabing 'mga painosente pa' na look.


"Hayaan muna at kaligayahan nila yan." mahina kong sabi habang hinahaplos ko ang likod niya dahil sunod-sunod na pag-ubo ang kumawala sa bibig nito matapos niyang uminom at aksedinteng napatingin sa maseselang parte nang katawan ng dalawa na nagtatagpo.


"My poor virgin eyes is not a virgin anymore!" Paimpit nitong reklamo saakin habang pinapahiran ang mga luha sa mukha. Yup literal na umiiyak siya dahil sa nasaksihan at pagkawala nang virginity ng mga mata niya.


"Damn this two, hindi manlang kumuha nang pribadong silid at doon mag churbahan." Patuloy parin nitong iyak sabay lipat ng upo sa pagitan namin ni Doreen.


"Dito ka muna m-" Hindi ko panga natatapos ang sentence ko ito na siya kaagad at grabe kong maka react.


"Wag mo akong iwan dito. Alam mo na nga na may rated SPG dito, which is bawal sa tulad kong innocent baby tapos iiwan mo lang ako." nagmamakaawa ang kislap ng mata na mahigpit ang pagkakahawak nito saaking braso.

Dawning Sky (COMPLETED )Where stories live. Discover now