CHAPTER 27

106 4 0
                                    

Four months later......

After our graduation nagpa-alam na ako kay tita Mildred na susugal ako sa Maynila. Tudo ang pagtanggi nito sa umpisa, pero kalaunan ay pumayag din.

Right after our graduation umalis na kami ni Sha para sa Maynila ay makipagsapalaran. Hindi ito pumayag na maghanap ako nang trabaho. Pinag fucos niya ako sa pagre-review para sa board exam ko. Swerting namang kaagad itong natanggap sa trabaho bago pa kami maubusan ng ipon.

Ng malaman ng dalawa naming kaibigan na nandito na kami sa Maynila kaagad ang mga itong sumugod para sa matinding chikahan.

Maraming nagbago sa loob lang ng apat na buwan. Si Renren tuluyan ng pinaalis ng pamilya nito. Fortunately hindi na ganuon ka sakit ang epekto niyon sa kaibigan namin. Yes nasaktan pa rin naman siya pero hindi na katulad noong una. At ang nakakatawang latest chika nito sa amin ay ang tungkol sa boy best friend nitong naghahabol na sa kanya. Pati na rin ang tungkol sa mysterious guy na palagi niyang nababanggit sa amin noon.

Si Rhia naman naging maganda na ang relasyon nito sa kanyang pamilya. They even support her in her current situation. Nagbabalak din itong ipagpatuloy ang pag-aaral. Hindi lang siya sigurado kung kelan niya iyon gagwin.

At sa muli naming pagkaka bonding, we planned to live together. Pinagsama-sama namin ang aming mga ipon at nakapag down kami nang condo na uupahan.

I accept part time jobs, tulad ng pagtu-tutor at academic commission para kahit papaano makatulong ako sa ibang gastusin.

Hindi na rin ako nag apply ng review center para bawas gastusin. Self review lang ang ginagawa ko. Nanunood sa YouTube at nagda-download ng mga files na siguradong makakatulong saakin.

Si Sha at Renren naman subsob sa pagtratrabaho upang punan ang kulang sa ibinayad namin sa condo. As of Rhia naman, we suggest na mag lie low muna ito sa pagtratrabaho.





"Okay ka lang?"

Tipid lang akong ngumiti kay Sha at ipinag-patuloy na ang pagbabasa. Kanina pa masama ang pakiramdam ko pero binabaliwala ko lang iyon. Kailangan kong pag-igihan ang pagre-review dahil malapit na ang pag take ko nang exam. Pero kahit anong pilit ang gawin ko, hindi ko talaga ma absurd ang binabasa ko.






"Pahinga ka kaya muna. Mukhang kulang ka sa tulog," suhestiyon naman ni Renren na halatang kakagising pa lang.

Day off ng dalawa ngayon, kaya alas-otso na nagsipag-gising ang mga ito.

Lumapit si Renren saakin upang maki-usyuso kung ano na ang binabasa ko. Dali akong napa takip ng ilong ng malanghap ko ang amoy nito. Nagpalit nanaman ito siguro nang pabango kaya medyo hindi familiar sa akin ang amoy.






"Grabeng reaksiyon yan. Huy, hindi ako amoy panis na laway no! Ang bango ko kaya," nakasimangot na kaagad namang palag nito.

Gusto ko sanang magpaliwanag ngunit kaagad akong nakaramdam ng parang hinahalukay ang aking sikmura. Nagmamadaling tumakbo ako sa labado para doon sumuka.






"Oy, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng dalawa. Sapo ang ulong gusto kong magsabi na okay lang ako, pero sadyang umiikot na talaga ang paningin ko.





"Medyo nahihilo lang," mahina ang boses na sagot ko.






"Nalipasan ka na naman yata nang gutom. Mabuti pa, kumain ka na muna bago mo ipagpatuloy yang pag-aaral mo."

Iniisip ko pa nga lang na kakain ako, kaagad ng bumabaliktad ang sikmura ko. Bago pa muling makalapit sa akin si Renren, napa duwal na naman ako sa lababo.

Dawning Sky (COMPLETED )Where stories live. Discover now