Ako ang mas nauna kaysa sa kanya
Ngunit bakit siya pa ang mas inuuna
Atensyon niyong kay tagal kong hinintay
Sa kanya nama'y agad ninyong binigayKung kayo'y pipili sa aming dalawa
Isa lamang sa'min ang dapat matira
Sino ang dapat mawala, ako o sya?
Sa huli'y halatang pipiliin ay syaPilit kong tinatanggap ngunit di kaya
Tinding galit lang naramdaman sa kanya
Ano kayang mangyayari kung wala siya
Ako'y di na mapakaling malaman naTagumpay! Sa wakas at siya ay wala na
Ngunit bakit sa kanya nakatuon pa?
Tunay ba talagang nagwagi na ako?
'Sang halimaw, puno ng paninibugho
YOU ARE READING
Vee's Poems
PoetryThis is the collection of the poems I've made (Most of these are for my school projects/activities) Filipino and English (Photos used here aren't mine, I got it from Pinterest LMAO)