Sumama ako kay Vince sa may garden ng Uno. Hindi lko mawari ang aking nararamdaman. Natatakot ako at kinakabahan. Pero I need to face my fear. I need to face him. Kailangan na naming pag usapan ang dapat na pag usapan.
Pareho kaming walang imik nang marating namin ang tahimik na garden. Tanging ang tunog lamang ng mga dahon sa mga puno ang tanging naging ingay dahil sa simoy ng hangin. Tumingin tingin ako sa mga bulaklak habang hinihintay na maunang magsalita si Vince.
Maya-maya lang dinig ko ang pag buntong hininga niya. Sumulyap ako sa kaniya at diretso na ang tingin sa akin. Seryoso man ngunit halata ang kaba sa kaniyang itsura. Kaba ba o guilt dahil sa ginawa niyang panloloko sa akin?
“Gab?” Sambit niya.
Umiwas agad ako ng tingin. Hindi ko kayang titigan ang pagmumukha niya.
“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin,” malamig kong sabi.
Hindi agad siya nakapagsalita. Di na rin ako lumingon sa kaniya. Dumadagdag lamang sa sama ng loob ko ang makita ang pagmumukha niya. Kaya kung maaari pakinggan ko lamang kung ano man ang sasabihin niya.
“I know I hurt you,” muling sabi niya. Natigil ako sa paghawak sa mga bulaklak. “Alam kong nasasawa ka na Gab. But, I’m really sorry of what I did to you.”
Napailing agad ako. Sawang sawa na akong makarinig ng salitang “Sorry”. Paulit-ulit nalang. Nakakarindi. Okay lang sana kung mababago ng sorry niya ang nangyari noon ngunit hindi. Kung gusto nila ng kapatawaran bakit kailangan nilang gawin iyon sa akin? Bakit kailangan nilang saktan at paglaruan ang puso ko?
Alam kong lahat ng tao nagkakamali dahil wala namang perpekto sa mundo. Ngunit hindi lahat deserve na patawarin lalong lalo na at hindi naman marunong manindigan sa mga sinasabi. At higit pa doon, hindi lahat deserve na saktan at paglaruan.
“Pinaglaruan kita,” dagdag pa niya. “Sinaktan kita. Kaya malaki ang pagsisisi ko kung bakit ginawa ko iyon sa iyo.”
Sumulyap ako sa kaniya. Pilit niyang pinipigilang umiyak. Ngunit mahirap pa rin sa akin tanggapin ang ginawa niya. Ang hirap magmahal ng isang tao. Hindi naman kasi lahat may happy ending. Hindi lahat nagkakatuluyan. Siguro hindi ko talaga deserve ng happy ending. Simula palang ng kwento ko nakaramdam na agad ako ng sakit. Ngayon na bumalik na naman ang dahilan nun at ang dumagdag pa ngayon mas lalo lamang akong nawalan ng pag-asang magmahal ulit.
Kung pwede ko lang sanang gawing straight ang sarili ko para magmahal ng babae ay gagawin ko. Ngunit hindi ko kaya. Bakla talaga ako. At lalaki lamang ang iniibig ko.
Ang mali ko lang dahil mabilis akong ma fall. Mabilis akong mahulog sa maling lalaki.
Deserve ko rin namang mahalin ng totoo kahit bakla ako. Iyon lang naman ang gusto ko. Bakit pinagdadamot sa akin iyon?
“Alam mo?” Ani ko. Ngayon lang ulit ako naglakas loob na magsalita. Walang magagawa ang pagtitimpi ko kung hindi ko masabi sa kaniya lahat ng sama ng loob ko sa kaniya. “Nasaktan ako. Nasaktan ako ng sobra Vince.”
“I know,” mahina niyang sambit. Yumuko pa dahil nahihiya na sa akin.
“Hindi dahil pinaglaruan mo ako,” sabi ko. Muli siyang nag angat ng tingin at bahagya pang nangunot ang noo. May luha pang lumabas sa kaniyang mga mata. “Kundi dahil naniwala ako sa kasinungalingan mo.” Naluha na rin ako. “Nasasaktan ako para sa sarili ko. Dahil masyado kong minahal ang lalaking kagaya mo.”
“I’m sorry,” mahina niyang sambit ulit.
Umiling lang ako. “Nagmahal lang naman ako Vince. Bakit kailangan niyo akong lokohin? Bakit kailangan niyong saktan ako. Para sa ano? For what reason? Dahil bakla ako? Dahil hindi ako tunay na babae kaya ang daling-dali lang sa inyo na paglaruan ang isang kagaya ko?”
BINABASA MO ANG
MAGNIFICENT YOU (GAY Series #3)|️✔
RomantikGAY SERIES #3 Love has no gender. Love is Love. And everyone deserves to be loved. Gabriel Velasco is already happy with his life. Even though his mom passed away after an accident, but he was left with his responsible, caring, and loving father. Ga...