33

10 0 0
                                    

“Why don’t you just tell Gab the truth?”

Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Full of confusion. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nanginginig ako sa kaba.

I saw daddy is about to cry. He doesn’t know what to say. Mukhang nahihirapan siya.

“Dad! Ano ba ang dapat kong malaman?” I asked him.

“Anak…”

“Dad! Please!” Pakiusap ko.

Daddy looked at me emotional. He tried to touch me but umatras ako ng kaunti. Gusto ko malaman ang katotohan.

“Gabriel…” Naluluha na si Dad. “He’s your brother.” Turo niya kay Bruno.

My eyes widened. Napaawang din ang labi ko. Unti-unting pumatak ang luha mula sa mga mata ko. I stared at dad before ako tumingin din kay Bruno.

He's serious but I know he was worried. I saw it with his eyes.

“How?” I don’t know what to say. Patuloy ko pang pinoproseso sa utak ko ang nalaman.

Hindi agad sila nakasagot. Muli kong hinarap si Dad. Nakayuko siya tila nahihiya sa nagawa niya.

I thought he loves mommy pero bakit may anak siya sa iba?

“Bakit dad?” Saad ko ulit sa kaniya. Hindi pa rin siya makatingin sa akin. Umiiyak lamang siya. “All this time pinaniwala mo lang ako na ako lang ang anak mo not knowing that you have another child!?” My voice broke after I mentioned the last words.

Patuloy sa pagpatak ang aking mga luha. Daddy also. Si Bruno tahimik lang sa tabi namin. Kailan niya pa nalaman ang tungkol dito?

“Let me explain anak…” Daddy held my hand but agad kong binawi ang kamay ko.

Umiling ako. “I thought you’re a good father…” Sabay duro ko sa kaniya. “But you’re a liar!”

Agad akong tumakbo pababa ng bahay. I need time to process everything in my mind. Hindi ko pa talaga kayang tanggapin ang lahat nang nalaman ko.

Kaya bang parang kapatid ang turing ni Bruno sa’kin, dahil alam niyang magkadugo kaming dalawa?

Bakit nila tinago sa’kin iyon? Bakit kailangan nilang pagtakpan ang katotohanan?

“Gab!”

Sinundan ako ni Dad ngunit patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa nakalabas na ako ng gate ng bahay.

“Get inside my car!”

Lumingon ako kay Bruno nang maabutan niya ako.

“Leave me alone!” Sigaw ko sa kaniya.

“Promise, I’ll tell you everything,” mahinahon niyang sabi.

Hindi pa ako nakapag desisyon nung una. Pero nang ma realize ko na karapatan ko rin malaman ang totoo ay sumang-ayon akong sumabay kay Bruno.

Sumakay ako sa kotse niya. Ganun din siya. Agad niyang pinatakbo ito. Mabilis ang kaniyang pagpatakbo pero halatang maingat naman siya sa pagda-drive. Tahimik lamang kami sa loob kotse, iyak ko lamang ang naririnig sa loob ng kotse niya. Ang aking utak ay binalot nang mga nalaman.

Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa iyon ni Daddy. Since I was a child I knew him as faithful and responsible father and a husband.

Ngayon malalaman ko na nag cheat pala siya kay mommy. Worst thing is may anak pa siya sa iba. Which is Bruno. Bakit si Bruno pa?

“When did you know this?” Seryosong tanong ko sa kaniya habang nasa byahe kami.

“I will answer all your questions when we get there,” seryoso niya ring sagot.

MAGNIFICENT YOU (GAY Series #3)|️✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon