Bumalik na kami sa loob ng bahay at naabutan namin si wise at Jennie sa sala na nanonood ng movie.
"Manang, asan si Auriel?" -tanong ko kay manang kasi hindi ko nakita si Auriel.
"Tanungin mo si wise, siya yung kasama ni Auriel kanina." -sagot naman ni manang. Naku naman mukhang maiistorbo ko pa ang kanilang movie date sa sala. Di bale na.
Pumunta ako sa sala at tinanong si wise.
"Wise asan si Auriel?" -tanong ko pero mukhang wala itong narinig. Aba! Dinededma ako? Dedmahan pala to ha. Sige.
"Wise!" -tawag ko pa sa kaniya pero ayaw talaga makinig kaya umalis na lang ako. Bwesit!
Pumunta ako sa kwarto ni Auriel pero wala siya doon kaya pinuntahan ko yung tatlo sa kusina.
"Kayong tatlo, nakita niyo si Auriel?" -tanong ko.
"Kasama yun ni papsh kanina eh." -sagot naman nila.
Kasama kanina tas ayaw akong sagutin pag nagtanong ako kung asan? Bahala siya.
"Ah sige." -tanging sagot ko at babalik na sana ng kwarto nang tawagin ako ni wise.
"Vee." -tawag niya sa'kin. Kanina lang ayaw niya ako pansinin? Tas ngayon tatawag tawagin niya ako? Kapal ng mukha niya.
Hindi ko siya pinansin at tuluyan na akong umakyat. Gantihan lang to, di ako papatalo no.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong humiga sa kama, umagang kay badtrip nga naman. Bat ba kasi pumunta pa yung Jennie na yun dito?
Eh kasi girlfriend siya, ano ka ba vee! Malamang pupunta yun. Hayst!
Habang nakatitig ako ngayon sa kisame nagulat ako nang biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko at iniluwa doon si wise. Ano bang ginagawa niya dito?
"Vee may lakad ako ngayon." -wika niya. Pake ko ba kung may lakad siya? Bat naman siya nagpapaalam sa'kin?
"Bat sa'kin ka nagpapaalam?" -tanong ko.
"Sinabihan lang kita, baka kasi magabihan ako." -saad niya.
"As if may pake ako." -mahina kong sabi.
"Tignan natin kung wala talaga." -wika niya. Narinig niya pala? Buti nga.
"Wala naman talaga, kahit di ka na magpapakita sa'kin wala akong pake." -sagot ko pero linapitan niya ako, as in malapit.
"Hmm? Di mo ba ako mamimiss baby?" -wika niya at inilapit pa ang mukha niya sa mukha ko kaya lumayo ako ng kunti pero lumalapit parin siya.
"Ano ba wise! May girlfriend ka na, umayos ka nga!" -suway ko sa kaniya at itinulak siya kaya natumba siya.
"Girlfriend? Wala naman ah." -sagot niya. Magsisinungaling pa talaga, ang galing!
"Ah wala? Umalis ka na nga." -sabi ko pero ayaw talaga ako tantanan.
"Basta mamaya pa uwi ko, mag dadate pa kami ni Jennie." -sabi niya at umalis. Magdadate? Paano naman yung sabi mong bibili tayo ng susuotin kahapon? Well, mas importante naman talaga si Jennie eh. Option lang naman yata ako? Pag wala si Jennie, ako. Pag andyan naman, parang wala lang ako dito.
Pagkaalis ni wise ay lumabas na ako. Nakita ko yung sasakyan niya na umalis na at nakita ko sa bintana si Auriel na kumakaway kaway sa'kin.
"Mamsh." -tawag sa'kin ni oheb.
"Bakit?" -tanong ko.
"Alis na kami. Balik kami sa susunod bye." -paalam nilang tatlo at umalis na.
Ako nalang naiwan sa bahay dahil si umuwi si manang kanina pagkatapos niya magluto kasi may emergency daw kaya naisipan kong ichat sila Tori. Medyo matagal tagal na rin ba di kami nakakagala.