"Hi babaitang, good morning!" -bati sa'kin ni Tori pagkapasok sa opisina ko.
"Di mo ata nasabi sa'kin na pupunta ka rito?" -wika ko habang nakatutok sa laptop ko.
"Oh no! I forgot HAHA." -sagot niya. Taray nang i-english ang kumag.
"Tigilan mo nga yan, mag Tagalog ka, feeling foreigner ang putcha." -sagot ko.
"Ok sorry. Pero may I know about sa meeting niyo yesterday?" -saad niya.
Planado ba niya yun? Na pagkitain kaming dalawa ni wise?
"Ok naman." -sagot ko at pinirmahan na ang mga papeles na naghihintay sa harap ko.
"Good for you. By the way nasabi na ba sayo na may reunion na magaganap?" -saad niya.
"For what?" -tanong ko.
"Para sating mga magkakaklase." -sagot niya.
"Busy ako." -sagot ko pero tinawanan lang ako.
"HAHAH. Oopss! Busy ka ba kasi posibleng andun yung baby mo?—i mean yung traitor na boyfriend mo?" -sabi niya.
"He's not my boyfriend." -sagot ko.
"Sige, ex na pala HAHAHA."
"Plinano mo ba lahat ng to?" -tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
"Ang alin?" -tanong niya, kunyare pa eh.
"Na pagkitain kami?"
"Huy! Hindi ah, actually nung nasabi ko sa mom mo na siya yung pwedeng maging business partner mo, di ko alam na siya pala yun. I haven't meet him since nung wala na kayo, only my secretary lang ang nakikipagkita sa kaniya kasi lagi akong busy and hindi ko naman alam na real name niya pala ay Danerie, hindi ko naman kasi alam eh pero nung nalaman ko di ko na pwedeng bawiin kasi nakakahiya kay tita no." -mahabang paliwanag niya.
"Di mo man lang ako sinabihan?"
"Baka kasi di ka sumipot eh" -sagot niya.
"Paano na yung company ko nito? Baka palabas nanaman niya to para pabagsakin ako gaya ng ginawa niya noon." -wika ko.
"Or baka ginawa niya to, to take another chance to the both of you. Yieeee" -pang-aasar pa niya.
"Shut up, I learned my lesson." -sagot ko.
"Girl, aminin mo o sa hindi, halata sa mata mo na mahal mo pa."
"What the heck are you saying?" -sigaw ko.
"See? Guilty! HAHAHAH. Kung di mo mahal bat ka mag rereact ng ganyan, hindi ba?" -saad niya.
Bwesit, mag vanished ka na sana dito sa Earth.
"Tapos na ako sa phase ng pagiging tanga, Tori." -sagot ko.
"Okay sige, pero may I ask you one last question?"
"Go!" -pagsang-ayon ko.
"Kelan mo ba bigyan ulit ng pagkakataon ang puso mo na ibigay sa kaniya ang gusto niya?—alam kong di mo aaminin pero it's so obvious. Bigyan mo naman ng pagkakataon ang sarili mo na sumaya girl, wag puro work."
Kelan nga ba? Pero ang tanong ano bang gusto ng puso ko?
"Masaya ako." -tanging sagot ko.
"Hindi mo ako sinasagot."
"Ok fine, kinalimutan ko na siya!"
"Ganyan ba ang ibig mong sabihin sa kinalimutan kemerut?"
"What do you mean?" -tanong ko, naguguluhan ako, oo.