Full Essay

130K 149 52
                                    

''Ang Kahalagahan ng EDUKASYON Para sa Akin''


WATTPAD;


@CasirayanJunrey871

"http://embed.wattpad.com/follow/CasirayanJunrey871"


TWITTER;

@CasirayanJunrey

twitter.com/CasirayanJunrey


ESSAY Written By;

Junrey Casirayan


                                                                 Edukasyon daw ang tanging paraan tungo sa magandang Kinabukasan. Gaano nga ba Kahalaga ang Edukasyon? Bakit ba napaka-importante nito? Ilan lang yan sa mga katanungan ng bawat isa sa atin.


                                                                 September 18, 2009 namatay ang pinakamamahal kong Ama. Halos dinamdam ko ng sobra ang pagkawala niya. Unti-unti akong nanghina, nawalan ng lakas ng loob at unti-unting nawalan ng pag-asa. Sobrang sakit ang naramdaman ko noong mga panahong yon. Parang nadurog yong puso ko at nawalan ako ng ganang mag-aral. Kaya noong 2010, tumigil ako sa pag-aaral. Siguro nga sinayang ko lang ang mga oportunidad. Ang bawat pagkakataon ay binalewala ko lang. Kaya heto ako ngayon, walang natapos at punong-puno ng pagsisisi.


                                                                 Sa panahon ngayon may mga taong nakapag-aral nga, ngunit wala namang mabuting asal. Yong puntong nakapagtapos nga sila ng magandang kurso, ngunit hindi naman umaakto ng maayos ayon sa kanilang pinag-aralan. Sa mahaba-habang panahon na lumipas, natutunan kong Pahalagahan ang Edukasyon. Para sa akin kasi, ang Edukasyon ay hindi lang pataasan ng marka o ng natapos na kurso. Kailangan mo ring panindigan na talagang may Pinag-aralan ka. Kailangan mong matutunan kung paano rumespeto ng ibang tao at kung paano irespeto ang sarili mo. Edukasyon ang masasabi kong pinaka-matibay na pundasyon. Para sa akin napakahalaga nito, dahil ito lang ang daan upang makamit natin ang ating mga mithiin. Edukasyon ang magsisilbing tulay natin sa pag-abot ng ating mga pangarap. Kaya nitong baguhin ang buhay ng isang tao. Kapag may pinag-aralan ka, madali na lang para sa'yo na abutin at kamtin ang hinahangad na tagumpay.


                                                                   Ang Edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng ating mga magulang. Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas, pero ang Karunungan kailan man ay hindi kumukupas. EDUKASYON lamang ang NATATANGING bagay na hindi MA-AAGAW ninuman. Hindi SAPAT na NAKAPAGTAPOS ka lang, kasi para sa'kin kailangan BAONIN mo rin ang KARUNUNGANG natutunan mo sa loob ng PA-ARALAN.

Ang Kahalagahan ng EDUKASYON Para sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon