Flashback : "kuya kuya tara sundan natin yung matandang lalaking iyon baka may balak siya sa ating bahay."
Pagkatapos nilang maglaro may namalayan silang matandang lalaki at hindi nila kilala ito. Hindi naman
nila ito ka anu anu. Sinundan nila ito dahil doon tumungo ang matandang lalaki sa kanilang bahay.
Dali-dali nila itong sinundan. Hanggang sa nandoon na sila sa bahay nila, wala naman silang nakikitang
matandang lalaki sa loob. Tinanong niya ang kanyang inay na "Inay, may nakita ho ba kayong matandang
lalaki na pumasok dito sa bahay natin." Ang sabi naman nang kanyang inay sa kanya. "Wala naman
akong nakitang matandang lalaki na pumasok natin sa bahay ah. Ano ba ang pinagsasabi mong
matandang lalaki?." Ang tanong naman nang bata sa ina "Ahhhh.. Baka guni guni ko lang yun inay,
mayrun kasi akong namalayan na isang matandang lalaki na papunta sa ating bahay. Ah cge po
inay pupunta muna ako sa kwarto ko para makabihis na ako nang aking tshirt kasi basang-basa
na ako sa pawis ko." Tanong ng nanay niya sa kanya "Cge nak. Magbihis ka na doon , kasi ang baho-
baho mo na. At yang kapatid mo pabihisan mo na dun. At pagkatapos niyong magbihis sa
itaas bumaba na kayo dito at maghahaponan na tayo." At dali dali silang pumunta sa kanilang kwarto
para magbihis nang kanilang tshirt. At agad-agad niyang tinawag ang kanyang apat na magkakapatid
para sabay na silang kumain sa lamesa. "Nay, Nasaan na ho si papa, hindi pa ba umuuwi nang bahay."
Ang sabi naman nang kanyang inay sa kanya. "Hindi pa anak ehh. Baka hindi pa sya lumabas sa
kanyang pagtatrabahoan nak. Tirhan na lang natin si papa nang ulam para sa kanya, baka makauwi
na yun mamaya." At nagpatuloy na silang kumain sa lamesa. At sa pagkatapos nilang kumain, nag ligpit
muna sila nang kanilang pinagkakainan, at hinugasan niya ito sa lababo nila. Unti unti na silang
umakyat sa itaas kasama ang kanyan inay at limang magkakapatid. Siya na lang ang naiwan sa
ibaba. Habang naghuhugas siya nang pinggan. May naramdaman siyang malamig na hangin na
papunta sa kanyang likod. At siyay kinabahan dahil may dumapo na isang malamig na bagay sa kanyan
balikat kundi ito pala ay isang kamay. Hindi siya tumalikod at hindi niya ito pinansin dahil baka tatay niya
iyon. Nagpatuloy siyang naghugas sa pinggan habang nagsasalita siya sa kanyang sarili. "Tay, bat ang
lamig nang kamay nyo, cguro ang lakas nang aircon nyo doon sa opisina." Habang papatapos na
siyang manghugas nang pinggan, agad siyang tumalikod para tingnan niya kung tatay niya ba iyon. At sa
tumalikod na siya, wala siyang nakitang itay sa likod niya. "Baka umakyat na iyon sa itaas, nagmama-
dali cgurong pumunta sa kwarto niya para magbihis." . Agad agad na rin siyang umakyat sa itaas para
matulog at magpahinga na sa kaniyang kwarto. At sa hindi pa siya naka abot sa kaniyang kwarto, may
nakita siyang isang anino nang tao , katamtaman lang ang taas nito at may hood pa ito. Sinabi niya sa
kanyang sarili na. "Si tatay naman ooh. Pumunta naman sa aking kwarto. Ano kaya ang kanyang
pakay sa kwarto ko. Ah baka may kukunin lang iyon." Habang papunta siya sa kwarto niya para
inspeksyonin kung nandun ba ang kanyang itay. Habang papasok niya sa kanyang kwarto. Wala siyang
nakitang itay niya. Siya ay kinabahan dahil siya lang ang nakakakita nang mga ganitong bagay. At tinanong
niya sa kanyang sarili. "Anu ba tung nakikita ko bat nagkakaganito. Palagi na lang akong makakakita
nang kung anu-anu. Anu ba ang nangyayari sa akin. Ah baka guni guni ko lang cguro iyon. O baka
sa pagod ko lang ito." Nagmadali syang pumunta sa kanyang kama para matulog at magpahinga. Habang
natutulog siya, may isang matandang lalaki na tumayo sa kiliran niya, at bigla naman itong nawala saglit.
At dito na lang muna ako pagtatapos sa aking part 1. Abangan sa susunod na part 2.. bye guys at see yah in
The next part. Hit like or comment. Or any suggestion. Thank you for reading and see yah on next part.

YOU ARE READING
Ang Kwarto
HorrorIsa itong nakakatakot na storya dahil isa din itong kwarto na hindi ordinaryong kwarto lang. Isa itong magandang at magarang kwarto at pero mag ingat po tayo sa isang kwartong inakala mong maganda, mayrun pala itong nakatagong isang misteryosong ba...