Tatlong katok na narinig ko mula sa pinto. Hating gabi na at wala parin akong pahinga sa nagdaang araw dahil sa kasalukoyang hinaharap ng kaharian."Ako po ito inyong kamahalan" boses ng aking heneral na sya ring kasama ko sa buong maghapon para bantayan ako.
"Pasok"
"Kamahalan, may mensahi po galing sa kaharian ng Water Kingdom " Inilapag nya ang peraso ng papel sa mesa sa aking harapan.
Isinantabi ko muna ito para pagtuunan ng pansin ang unang dumating na mensahi galing sa kabilang kaharian.
"Heneral Ryuhei ano sa tingin mo sa alok ng Hari ng Fairy's Kingdom" Tanong ko rito.
Mayroong Syam na Kaharian kong saan pinamumunoan ng mga maharlika. Ang Fairys Kingdom ay ang Kaharian kong saan mga diwata ang naninirahan at kalapit na Kaharian ng Nephthys. Sa syam na kaharian Naiiba ang kaharian ng Nephthys sa lahat.
"Sa aking maimumungkahi ay mas makakabuti sa kaharian kong maraming kapanig. " Tumango tango ako habang nag-iisip.
"Maraming salamat sa iyong idea. Magpapatawag ako ng pagpupulong bukas mismo. Sabihan mo sila" wika ko. Nagpaalam na ito na aalis sya. Binaba ko ang panulat saka nagbinat binat. Tumayo ako para makapag pahinga na at magiging abala pa ako bukas.
Nagising ako sa pag-gising ni Ruwel. Pinsan ng aking heneral. Hindi lang isang pagpupulong ito para sa mga ministro. Pati mga mahaharlikang angkan ay pinatawag ko dahil meron akong ibang pakay.
Pagbukas palang ng bulwagan ay agad silang naking nagsiyuko bilang pagbati at pagrespito. Ako ang Reyna ng kahariang Nephthys. Hindi ko kailangan ng isang hari katulad ng ibang kaharian para mapamunoan sila. Maagang nagpaalam ang aking Ina at Ama sa nag iisang dahilan na sila ay Pinatay.
"Mabuhay ang Mahal na Reyna"
Oo maraming humahanga at marami ring gusto akong patayin. Hindi mo alam kong sino ang mapagkakatowalaan. Sa murang idad naging isang Tinakdang Princesa ako para sa kaharian.
Hindi naging madali sakin ang tungkolin. At pinatunayan ko sakanila na hindi ko kailangan ng Hari para mapamunoan sila.
"Maraming humahanga sa angking katalinuhan ng ating Reyna. Hindi lang sa kaharian kundi sa buong mundo. " Mga papuri nila.
"Pinatawag ko kayo rito dahil sa mga kaganapan sa ating kaharian nitong nagdaang araw. Una sa lahat gusto kong personal na magpasalamat sa ika-apat na princepi sa ganyang ginawang pagtulong sa ating mamamayan" Tumayo ang ikatlong Princepi nasi Lahrie na aking pinsan at pumonta ito sa harapan.
Kahit maraming princepi ng palasyo. Dahil ang aking ama ang naunang hari kaysa aking tiyo. At ako ang nag iisang anak. Ako lang ang puweding mamuno sa palasyo.
Mahaba haba ang pagpupulong kaya nang matapos ay nagugutom na ako.
"Mahal na Reyna sapat napo bayan" si Ruwela. Sa pagkain ang dalawa kong pinsan at mga tagasilbi na malalapit sakin ang kasama kosa hapag madalas.
Kapag wala ako sa pagpupulong parang isang ordinaryo lang ako na napadpad sa palasyo.
"Ilang beses kong sinabi na tawagin mo ako sa aking Pangalan Ruwela."
YOU ARE READING
Little Queen of Nephthys (On-going)
FantasíaSolene Zephyr Ayla Ashieroa Nephthys also known as Little Queen of Nephthys. sa murang edad sya ay naging Reyna ng Kahariang iniwan ng kanyang mga magulang. she's smart, powerful , Strong. Pinatunayan nyang hindi nya kailangan ng hari para magampa...