"Waaah..." Buntong hininga ko at umayos ng upo sa couch habang nanonood ng isang K-Drama na hindi ko alam ang title. Isang minuto ang makalipas ay nilapitan ako ni Kris hyung at tumabi sa'kin. "Baekhyun, may problema ba? Ilang araw mo nang iniiwasan ang cellphone mo. Bakit ba?" Tanong niya sa akin habang nakatuon ang tingin sa TV.
"Wala naman hyung. Tinatamad lang akong mag facebook." Palusot ko at tinignan siya. Ngumiti ako sa kanya, pero wala siyang emosyong nakatingin sa akin. "Ang hina ng wifi eh. Ang dami niyong nakiki-connect. Si Jongin nga todo punta sa fakku--" naputol ako nang biglang tumunog ang doorbell. Akmang tatayo na sana si Kris hyung pero pinigilan ko siya gamit ang kamay ko. "Ako na hyung." Sabi ko sa kanya at tumayo.
ding dong... ding dong...
Dalawang ring sa doorbell ang narinig naming dalawa. "Teka lang!" Sigaw ko at nagmadaling pumunta sa pintuan. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto. Isang malamig na hangin ang pumasok. Gulat na gulat ako nang makita ko kung sino ang nag-doorbell sa mismong dorm namin.
"Yuuki?"
BINABASA MO ANG
Move on na Ba? | Is Oppa Blind Book 2
Fanfiction[Completed] Blind Series #2 || Makalipas ang ilang buwan, naramdaman ni Baekhyun ang matinding lungkot. Para sa kanya, walang kwenta nang mabuhay ngayon dahil wala na siya. Kailangan na nga ba niyang mag move on sa kanya?