Baekhyun's POV
Hingal na hingal akong tumatakbo papunta sa bahay ni Yuuki. Nalaman ko galing kay Akira na nandito siya sa Korea. Agad akong bumalik sa pagtakbo nang mawalan ako ng hangin kanina.
Kumatok ako ng apat na beses sa isang maliit na bahay malapit lang sa isang Fast Food Chan dito sa Seoul. Agad naman akong napagbuksan ng nanay ni Yuuki.
"Baekhyun? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa'kin at saka ako pinapasok sa loob at inihandog sa akin ang isang baso ng tubig. "Nasaan po si Yuuki?" Walang alinlangan kong tanong sa kanya.
"Nasa Entertainment Room siya kasama ang kanyang nakababatang pinsan. Liko ka lang dito." Itinuro niya sa'kin ang daan, pero bago ako makatayo ay hinawakan niya ako sa balikat. "Bakit ka bumalik?" Maluhang tanong ng nanay niya.
"Na-realize ko po na mas mahal ko si Yuuki. At hindi ko pa kayang mag move on." Isang tipid kong sagot atsaka ako tumayo para pumunta sa entertainment room.
Marahan kong binuksan ang pintuan at sumilip kung nandiyan ba si Yuuki. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa at katabi niya ang kanyang pinsan na natutulog. Pumasok ako at lumingon sa'kin si Yuuki.
"Oppa? Anong ginagawa mo dito?" Gulat niyang tanong sa'kin atsaka tumayo sa kanyang kinauupuan. "Ikaw pa rin pala ang gusto nito," sabay turo ko sa puso ko. "Ikaw pa rin pala ang mahal nito." Ngumiti ako at tinignan ang pinsan niya.
"Oppa? Matapos ng mga nagawa ko--" Pinutol ko siya nang ginulo ko ang buhok niya. Isang malawak na ngiti ang ipinakita ko sa kan'ya at sumagot. "I understood, but the heart wants what it wants." Sabay yakap sa'kanya.
BINABASA MO ANG
Move on na Ba? | Is Oppa Blind Book 2
Fiksi Penggemar[Completed] Blind Series #2 || Makalipas ang ilang buwan, naramdaman ni Baekhyun ang matinding lungkot. Para sa kanya, walang kwenta nang mabuhay ngayon dahil wala na siya. Kailangan na nga ba niyang mag move on sa kanya?