Self - Healing (01)

12 1 0
                                    

'' Start Your Self Healing Process''



Minsan ay natanong mo na ba ito sa sarili mo?

''Bakit parang pagod ako? Kahit wala namang nakakapagod?''

Marahil madami ng pagkakataon na sumagi na ito sa isip mo at napagod na sa paulit-ulit na tanong.

Bago ka ulit magtanong sa sarili mo, isipin mo muna kung ano-ano nga bang pinagagawa mo sa past mo at at bakit ka humantong para isiping bakit ka pagod?

Bakit ka ba pagod?


Ang totoo, lahat ng nangyayare sayo ngayon sa present life mo ay dahil ito ang CHOICE mo para sa sarili mo.

Oo ito ang totoong sagot kaibigan, wala kang pwedeng sisihin kundi ang sarili mo.

Pero hindi pa huli ang lahat para di mo bagohin ang current status ng life mo. Marami ka pang pwedeng bagohin, malawak ang mundo at panahon para iayos ang sarili, hindi jan lang ang kaya mong gawin.


Tandaan mo na ang pangalawang may ari ng katawan mo ay IKAW mismo.

Kaya gawin mong maliwanag ang buhay mo, di dahil para sa kung sino man kundi para sa SARILI mo.

Hayaan mong matulongan ka sa libro na ito, Ito ang unang hakbang at mga bagay para iayos ang sarili mo.


Una, ayusin mo muna ang sarili mo, mahalin mo ang sarili mo.

Simulan mo sa pag-aalaga ng katawan at positive mindset!


Simulan natin dito:

1. Linisin mo muna ang kwarto mo. Ang kwarto ang reflection sa sarili mo kung tunay na organize ka ba, mga gamit, damit at iba pa. Hayaan mong simulan ng malinis, ang paligid mo.

2. Mindset. Ituwid mo muna yung mga negatibong pag iisip dahil nakakasira ito sa kumpyansa mo sa sarili. Huwag ilugmok ang pag iisip sa negatibo. Hanapin kahit sampong porsyento in time of your struggle kung saan ba may positibo na side? Kahit kunting porsyento lang para sa paraang ito magiging okay ka.

3. Lumabas ka sa comfort zone mo. Minsan dahil sa sobrang komportable ka kung nasan ka ngayon hangang jan lang umiikot ang routine ng buhay mo. Jan ka lang sa bahay mo, jan ka lang sa hobbies mo and such. Hindi mo makikita ang lawak at saya ng buhay kung hindi mo bubuksan ang puso mo sa labas. Ang mag discover at mag explore ay ang parte ng buhay kung saan napaka exciting talaga at challenge! Parang teleserye, di mo malalaman kung di mo papanoorin ang next episode.


Pangalawa, gawing busy ang sarili sa mga bagay na magpapasaya sayo.


Maraming mga bagay upang hanapin ang mga gusto mong gawin.

1. Talent. Ano nga ba ang mga gusto mong gawin? Simulan mong hanapin ang mga abilidad kung saan sa tingin mo ay magaling ka at kung saan ka masaya.

2. Pamilya at kaibigan. Minsan dahil sa kasalukoyan emosyon ay nakakalimutan mo na may mga taong nagmamahal para sayo. Buksan mo lang ang puso mo para makita ang mga tao na iyon. Appreciate mo sila dahil anjan na sila sa umpisa pa lang bago ka naging malungkot sa buhay. Masayang malaman na may nagmamahal sayo, pinakamasarap na pakiramdam sa lahat.

3. Take risk. Oo di natin maiiwasan na mangamba sa hinaharap, nakakatakot mag take ng risk lalo pa't hindi mo naman alam kung anong mangyayare sa hinaharap. Pero bawat subok ng buhay may leksyon at natutunan, dito palang ay masasabing big achievement na ito sa totoo lang. Sa pag take ng risk mo ay nagagamit mo kung sino ka talaga, nagagamit ang dumiskarte at nagagamit mong maging matalino at dito palang ay dapat proud kana.




W R I T T E N B Y:

J U N C E M A N H I D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

S E L F - L O V E  B O O KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon