Prologue

3 1 0
                                    

"Eto po ba ang grade 8 billiards?"


Naagaw ko ang atensyon ng lahat ng mga tao sa loob ng classroom. Today is our first day of class, and it's so nakakahiya kase late akong dumating. Tumingin sa akin ang mukhang masungit na guro na nagtuturo sa harap ng klase. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay.

"May nakalagay dyan, hindi kaba marunong magbasa?", masungit na sagot nito. Napaatras ako at napatingin sa may door ng classroom at nakitang may nakasulat na grade and section nga roon. I smiled at her even though nilalamon na ako ng kahihiyan.

"I'm so sorry po, Ma'am.", I apologized and forced myself to smile.

Fuck, bakit kase hindi ko manlang tiningnan? Nakakahiya ka, Lily!

"Come in, introduce yourself first and be seated.", she command.

I nodded and walk shyly inside the classroom.

"G-Good morning everyone, my name is Lily Arianne Mendoza, and I am 15 years old." I introduced. Tiningnan ako ng guro at tinaasan ng kilay.

"'Yon lang ba? Hindi mo ba sasabihin kung ano ang hobby mo?", masungit na tanong nya ulit.

"Hindi ko kase alam kung ano ang hobby ko eh, hmm matulog?" I answered seriously. Sarkastikong tumawa ang guro sa akin.

"Maupo kana, sinasayang mo lang ang oras ko."


I secretly rolled my eyes. May nakita akong bakanteng upuan sa tabi ng bintana kaya doon ako umupo. She is a science teacher pala. Hindi naman ako mahina sa science kaya di ako masyadong kinabahan. Habang nagtuturo sya ay nagnonotes din ako, lahat ng isinulat nya sa blackboard ay sinusulat ko rin sa notebook.

"Miss. Mendoza, what are the  three properties of sound?", nagulat ako nang bigla akong tinawag nito. Tumayo ako at tiningnan sya sa mata.

"The three properties of sound are Reflection, Reverberation, and Refraction." I answered confidently.

"What is Reflection? Without looking at your notes." She added. I sighed in disbelief.

"Reflection is described as the turning back of sound waves as it hits a barrier." Taas noo kong sagot. She nodded and raised her brow.

"And Reverberation?"

Bumuntong hininga ako bago sagutin ang tanong nya, "Reverberation is a multiple reflections or echoes in a certain place. And the Refraction is a ch—"
She cut me off.

"I didn't ask you what Refraction is." Mataray na saad nya.

"I'm sorry po, akala ko po kase itatanong nyo rin po yan." Paumanhin ko.

"'Wag masyadong pabida, maupo ka." Utos nya at pinagpatuloy ang discussion nya.

First day palang pero masama na ang bungad nito sakin. Ayoko na talagang mag-aral. Nag-aaral lang naman ako kase kailangan, at ayaw ko rin magstay palagi sa bahay. Kapag nasa bahay ako, para akong nasa impyerno.

Natapos na ang science subject at sumunod na ang second period. Math is our second period. Nakakastress naman 'to, hindi pa nakakalimang oras ang klase pero pagod na ako dahil sa magkasunod na subject. Our math teacher is kind, hindi kagaya nong science teacher namin, ang pangit ng ugali.

Kagaya kanina, lahat ng sinulat ni ma'am sa blackboard ay sinulat ko rin sa notebook ko. Madali lang naman kase umpisa palang, ewan ko nalang talaga sa mga susunod na mga araw. Natapos na rin agad ang math subject sa loob ng isang oras. Hindi ako umalis sa pwesto ko at nagbabasa ng mga sinulat ko kanina.

Highschool Romance Where stories live. Discover now