CHAPTER 17

214 9 0
                                        

POV:JEWEL

Sunday ngayon at nandito kami sa simbahan kasama ko ang buong pamilya ko Habang taimtim kaming nag da dasal diko maiwasang isipin si Sir Hendel kamusta na kaya siya? Nila Ashley siguro nag kaayos na sila kahit ayaw kung sabihin pero talagang na miss ko siya walang araw na diko siya naiisip nag paka tapang ako para para sa mga anak ko, Napaisip ako kung hindi ba ako umilis noon at hinayaan ko na nag paliwanag sa akin si Hendel makikita ko kaya ang mga magulang ko? Malalaman ko kaya na may magulang pa pala ako.


Diko alam ang mararamdaman ko noon pa iba iba may part sa akin na masaya dahil nakita ko ang tunay kung mga magulang pero malungkot ako sa part na iniwan ko ang pinakamamahal kung lalaki, Sa totoo lang sobrang hirap para sa akin ang naging desisyon kung bumalik siguro masyado akong naging sensitive dahil hindi ko inalam ang side ni Hendel kung bakit niya ginawa yun sa akin.



Napapansin ko din ang mga anak ko na pinag uusapan ang kanilang ama pero agad nilang pinuputol ang usapan pag bigla nilang naiisip na baka marinig ko sila, Nakaramdam ako ng panghihina pag naiisip ko na kailangan din ng mga anak ko ang isang ama parang pinag kait ko sa kanila iyon kahit pangalan ng ama nila hindi nila alam paano ko sasabihin kung ang ama nila may asawa na? Na baka may anak na sila ni Ashley paano ko yun sasabihin sa kanila? Pakiramdam ko ako na ang Selfish na ina.




Diko alam ang mararamdaman ko pag nag lakas ng loob ang mga anak ko na mag tanong tungkol sa ama nila baka siguro kailangan ko na ring sabihin sa kanila ang totoo dahil ayaw ko rin naman na masasaktan ang mga bata sana maintindihan nila, Dahil sa pag iisip ko diko na namalayan na tapos na pala ang misa.

"Sis ang layo ng iniisip mo ha ano ba yun can you share it to me hm?" Tanong sa akin ni ate cloe na nasa likuran ko pala, Hinanap ko ang mga anak ko nakita ko na pumasok na sila ng van at kami na kang ang naiwan ni ate.

"Wala ate...ahm tara na" Sabi ko sa kanya.

"Pag usapan natin yan mamaya okay? Kapatid mo ako jewel gusto ko na matulungan kita sa problema mo" Sabi ni ate kaya napangiti ako sa sinabi niya.

"Okay po ate" Sabi ko sa kanya kaya napangiti siya sa akin, Pumasok na kami sa van tumabi ako sa mga anak ko   tumingin ako sa kanila na busy sa mga laruan nila pero hindi talaga laruan yung kay Henzo laptop habang si Hazary naman naka Headset nag papa music siguro sa cellphone niya samantalang ang anak ko namang babae naka hilag lang yung ulo niya sa braso ko.

Pinagmasdan ko silang tatlo at napapatanong na lang ako sa sarili ko kung bakit hindi sabihin sa akin ng mga anak ko tungkol sa ama nila? Yung ibang bata kasi laging hinahanap ang mama at papa nila pero sila ni minsan hindi man kang nila nabanggit sa akin ang papa nila, Noong baby pa lang sila tinu turuan pa lang silang mag salita minsan ng nabanggit nila ang papa pero medyo bulol pa sila noon pero ngayon hindi na nila na sasabi.


Tahimik lang ako dito diko alam kung saan kami pupunta napatingin ako sa relo ko 11 na pala, Napatingin ako sa mga anak ko na busy parin sa mga ginagawa nila.


"Mga anak stop na yan" Pag papatigil ko sa kanila kaya umayos naman silang tatlo.

Ng Huminto ang sasakyan bumaba na kami nasa Mcdo pala kami dito madalas gusto kumain ng triplets kung minsan kasi dinadala ko sila dito o kaya sila ate yung kasama nila Minsan ka nag t take out si Kuya or si Ate ng mga pagkain at inu uwi nila para sa mga bata, Pinapanood ko lang silang kumain ng masagana habang nakiki pag usap sila kila ate at mama pero si Henzo na parang may sariling mundo ganon din si Hazary samantalang si Keithzi yung tanong ng tanong Masyado ring bibo ang anak kung babae pero kung minsan seryoso kumbaga Moody din siya.



Tahimik lang ako rito sa gilid at pinagmamasdan ko lang sila, Napatingin ako sa gilid namin napansin ko yung dalawang babae na nag uusap bigla kung na alala si Clarisse at ang nga ka trabaho ko kamusta na kaya sila.

Unwanted Romance ( Under Editing ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon