Prologue

20 0 0
                                    

I crossed my arms against my chest as I watch our professor distributing the exam results.

Iba't ibang reaksyon ang nakita ko sa mga kaklase kong nakatanggap na ng papel. Mayroong halos tumalon sa tuwa at may mga napapangiti lang. Ang iba naman ay hindi maipinta ang mukha nang hindi nagustuhan ang naging resulta. Halata ring kabado ang mga katulad kong wala pang hawak na papel.

Sino ba naman ang hindi kakabahan sa ganito? Idagdag pa na major subject namin ang Business Law.

Mrs. Pineda smiled as she handed me the result of my exam. “Congrats, Ms. Yuzon. You got the highest score this time.”

I smiled back. Hindi na ako nagulat dahil madalas naman itong mangyari. Hindi naman ako palaging highest sa exams or quizzes pero ni minsan ay hindi rin ako bumagsak. I always review my notes and recite when it is needed.

Palagi kasing sinasabi ng Lola ko na mag-aral ako nang mabuti dahil hindi habangbuhay ay nariyan siya para sa akin. Na darating daw ang araw na mag-isa nalang talaga ako sa buhay. I hate to hear it from her kasi pakiramdam ko anytime mawawala siya. Ipakita man niya sa akin na malakas at maayos pa siya, alam kong ginagawa niya lang iyon para hindi ako mag-alala. That's why I'm doing my best at school, to make her proud of me. Gusto ko nang maging successful habang nariyan pa siya. Sa ganoong paraan man lang ay masuklian ko ang mga isinakripisyo niya para sa akin.

I lived with my Lola ever since my parents died when I was just fifteen. My father died in a car accident, while my mother committed suicide after a month of my father's death. That was years ago... pero sariwa pa rin iyon sa utak ko, na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.

I used to love stories and movies with tragic endings. I used to cry about someone else's grief. Not until I experienced it on my own. Masakit pala. Mahirap palang umusad.

I almost killed myself, too. Because what's the point of living, anyway? Paano ako magpapatuloy kung nawala na rin 'yung mga taong pinanghuhugutan ko ng lakas? But when I saw my Lola crying and begging for me to stop hurting myself, I realize na may isang tao pa palang handang umalalay sa akin. Na kung pati ako ay mawawala, siya naman ang maiiwang mag-isa.

Our class discussion didn't last long and Mrs. Pineda dismissed us early.

Sa mga sumunod na class period ay ganoon lang rin ang nangyari. Binigay lang sa amin ang result ng exam at inulit lang ang mga lessons kung saan kami nahirapan. Dahil nga katatapos lang ng exam, pagod pa ang utak namin para sa new lessons.

I'm a junior in college. Usually, half day lang ang pasok ko. Good thing because I have time to work. Naghanap rin kasi ako ng part-time job para kahit papaano ay may pandagdag sa gastusin. Hindi naman ako p'wedeng umasa nalang kay Lola lalo't mahina rin ang kitaan sa palengke. Isa pa ay malaki na ako, kaya ko nang magtrabaho at ma-provide ang mga kailangan ko.

Nang matapos akong mag-lunch ay dumiretso ako sa SweetLeaf Café kung saan ako nagtatrabaho. Katulad ko ay estudyante lang rin ang mga ka-trabaho ko. Pang-hapon kasi ang klase ng iba sa amin kaya hindi conflict sa schedule. Idagdag pa na walking distance lang rin ang school namin mula rito.

“Ang aga mo, Lili ah,” bati sa akin ni Ate Chi habang hawak ang notes niya, halatang nagrereview siya. Graduating na siya at matanda sa akin ng dalawang taon. “Almost thirty minutes pa bago ang shift mo.”

“Maaga kasi natapos ang last class ko, Ate Chi. At saka, naalala kong nabanggit mo sa akin kahapon na may isa ka pang exam na hindi mo pa nate-take. Gamitin mo nalang ang natitirang oras ko para mag-review, magbibihis lang po ako,” nakangiti kong paalam bago pumasok sa isang room para magpalit.

Hindi madaling maging working student pero hindi rin naman ako nahihirapan sa ganitong set up. As long as I'm earning money and gaining some experience, it is okay with me.

Noong una, pinagalitan pa ako ni Lola dahil baka raw hindi ako makapag-focus sa pag-aaral kung isasabay ko ang trabaho. Pero hindi ko rin naman kayang manatili lang sa bahay sa tuwing wala akong klase. Ayaw kong magsayang ng oras.

Saktong paglabas ko ay sinalubong ako ni Ate Chi.

“Lili, okay lang ba talaga?”

Ngumiti ako at dalawang beses na tumango. “Ano ka ba, ate, para namang iba ka sa akin. Tapos na rin naman ang exam ko.”

“Hayaan mo, babawi ako sayo next time.” Tiniklop niya ang notebook na hawak niya. “Nandiyan pa naman si Vinn, wala 'yang pasok ngayon kaya siya ang makakasama mo hanggang mamaya.”

Nilingon ko si Vinn na busy sa pagserve sa ibang customer. Hindi pa ganoon karami ang customers dahil hindi pa naman talaga oras ng uwian, napaaga lang ako dahil nauna kaming natapos sa exams.

Friday palang ngayon at marami pang hindi tapos sa exam. Sigurado akong mapupuno ang coffee shop na ito mamayang hapon after class.

“Si Madi po? Hindi ba schedule niya mamaya?”

“Nagpaalam raw si Madi na uuwi siya sa kanila this weekend, namatay raw ang Lolo niya.” 

Tinapik ni Ate Chi ang balikat ko bago siya pumasok sa loob para magpalit.

Malungkot akong napatango nang maalala ko si Madi. Pareho kaming third year at pareho ring pang umaga ang klase namin pero hindi kami pareho ng course. Financial Management ako at Hospitality Management naman siya. Si Ate Chi at Vinn naman ay parehong graduating student, pareho ring Education ang course nila.

Apat lang rin kaming nagpapalit-palit sa counter. Kapag halos nagsabay-sabay naman ang emergency sa amin ay humahalili iyong isang anak ng may-ari, which is pinsan ni Ate Chi. Tita niya kasi ang may-ari ng SweetLeaf Café.

“Ang aga mo ah,” bungad sa akin ni Vinn nang matapos siya sa pagserve.

I used to call him ‘Kuya Vinn’, pero sabi niya ay 'wag nalang daw dahil isang taon lang naman ang tanda niya sa akin. Isa pa, baby face naman daw siya, which is true.

“Maaga po kasi akong natapos sa exam,” sagot ko habang chini-check ang mga gamit sa counter. Panigurado kasing maraming tao mamaya dahil malapit na ang uwian.

“Ayan ka na naman sa ‘po’ mo, Ms. Brainy,” bahagya pa siyang natawa.

Napairap nalang ako. Hindi na ako umimik pa dahil nagsunod sunod na rin ang dating ng customers.

Nang matapos kong kunin ang mga order nila, tinulungan ko na rin si Vinn sa pagtimpla at pagserve.

It was already 6:50 when I got the rest that I needed. Dapat kanina pang 6 o'clock ang end ng shift ko, pero dahil marami nga ang customers at wala rin si Madi, nag overtime ako ng one hour.

This is indeed a hell week. I was drain and tired. Mabuti nalang talaga at tapos na ang midterms.

I thought after this long tiring week, I can finally have my peace and get the rest that I needed. But ten minutes before the end of my shift, a tall man with his maroon polo shirt enter the coffee shop where I am in.

I was left speechless when our eyes met.

It's been five years, and I can't be wrong.

This man in front of me is Gray Aiden Alcantara — my childhood bestfriend and the son of my father's mistress.

The Son Of My Father's Mistress Where stories live. Discover now