Frances' POV
"So they really didn't end up together, 'no?" sabi ni Migo habang nakatanaw sa loob ng restaurant, bakas sa boses nito ang panghihinayang
"Migs, nakuha ko na 'yong iba. Pakuha na lang n'ong mga mabibigat sa kotse," sabi ko habang nakatungo't abala sa pagbabalanse ng mga gamit na bitbit ko
Nang hindi ako nakakuha ng sagot mula kay Migo'y napaangat na ang tingin ko sa kanya. Mahina kong tinulak ang likod ng tuhod niya gamit ang paa ko para kunin ang atensyon nito. Napalingon naman siya sa'kin pero hindi inis ang nakapinta sa mukha niya gaya ng inaasahan ko. Lungkot ang bumabalot sa ekspresyon niyang iyon. Nagtataka naman akong tumabi sa kanya't sumilip na rin sa pinto para makita kung ano 'yong kanina niya pa tinititigan. Sila Aeris at Chase pala. Nangunot naman ang noo ko dahil hindi ba't normal lang naman na makitang magkasama sila Aeris at Chase dahil mag-asawa naman sila? Pero agad akong natigilan nang makita kong naroroon na rin pala si Pres-si Joshuel. Napabaling ulit ang tingin ko kay Aeris. Ngayon ko lang napansin ang panaka-nakang pagbaling niya ng tingin kay Joshuel habang kausap ang asawa niya. Hindi naman sa ginagawan ko sila ng kwento o isyu pero nakita ko ang bakas ng panghihinayang sa mukha ng kaibigan ko. At alam ko kung bakit. Alam na alam.
"Sayang 'no? 'Kala ko magiging sila talaga dati," sabi ni Migo na siyang kumuha ulit ng atensyon ko, "Hay, 'di mo talaga masasabi kung ano ang takbo ng tadhana."
"'Pakachismoso mo talaga," sabi ko naman at tumalikod na para ipagpatuloy ang mga ginagawa ko, "Tara na. Magse-set up pa tayo."
"Hindi ka ba nanghihinayang d'on sa dalawa, Ches?" tanong pa ni Migo sa'kin habang nakatanaw pa rin sa loob
"Bakit naman ako manghihinayang kung masaya naman si Aeris sa napili niyang buhay? Isa pa, past na 'yon 'no. Wala na tayong masasabi pa dapat sa kanila ngayon," sabi ko naman, "Alam mo, tulungan mo na lang kaya ako dito, 'no?"
"Pero isipin mo ah, sobrang crush ni Aeris si Pres dati, 'di ba? Tapos ang cute-cute pa nilang magkasama dati. Bakit kaya-"
Pinameywangan ko si Migo nang humarap ako sa kanya pagkababa ko ng mga hawak kong equipments na gagamitin namin mamaya. Ikinunot ko ang noo ko sa kanya dahil parang kanina pa nito gustong magsimula ng diskurso sa pagitan naming dalawa tungkol sa naging sitwasyon ngayon nila Aeris at Joshuel. Napakahilig kasi nito talagang makiusyoso sa buhay ng iba. Ito talaga 'yung kaisa-isahang bagay na ikinaiinis ko sa kanya. Napakagwapong lalaki pero chismoso. Jusko, turn off.
"Oh sige, bakit? 'Yung crush mo din ba nung high school nakatuluyan mo ngayon? Ha?"
"Well... hindi."
"Exactly! Hindi porket gusto mo 'yung tao, mapupunta na sa'yo. Gan'on rin ang ang nangyari kay Aeris, kasi gan'on ang realidad. Wala tayo sa romcom movie, Migs. Gising-gising rin."
"Pero si Pres may feel-"
![](https://img.wattpad.com/cover/350358404-288-k523475.jpg)
BINABASA MO ANG
That Day • svt [REVISED]
FanfictionBumalik muna tayo sa araw na yun. Kung kailan masaya pa ang lahat. Mga murang isipan... mga damdaming kaya pang pigilan. At mga labing ngiti pa ang nakapinta.