School Year: 2010-2011, 6th Grade
"Ganito ha? Itulak niyo 'ko kunwari. Sa harap mismo ni Joshuel ha! Tapos matutumba ako di ba? Then yun na yung chance ko na mag-eme-eme kay Joshuel, kunwari masakit paa ko ha? Haaaaa? Girls, dito nakasalalay love life ko!" nasasabik na presenta ni Aeris sa plano niya sa mga kaibigan
Naiiling na lang si Lianna na nakatingin kay Aeris habang sila Jade, Athena, at Frances ay natatawa na lang sa dalagita. 'Di kasi talaga nila lubos maisip na talagang seryosong magpapansin si Aeris kay Joshuel. Alam naman ng mga dalagita na humahanga ang kaibigan sa presidente ng klase nila. Sino ba namang hindi mahuhulog ang loob sa binatilyong bata pa lang ay responsable na, matalino, at may taglay na kagwapuhan pa? Kilala nila si Aeris at alam na alam rin naman nila na pag nagkagusto ito sa isang tao'y gagawin niya talaga lahat para lang makapagpapansin sa binatilyo. Pero 'di naman nila inaasahang aabot ang kaibigan sa puntong paplanuhin na niya lahat, pati pagbagsak niya. Literal.
"Napakalakas mo talaga, master. Nasulat mo pa sa papel yan ha," natatawang sabi ni Frances
"Syempre. Once in a lifetime lang 'to. 'Pag pumalya 'to, 'di ko na talaga alam! Baka di ko na maulit kasi feeling ko nakakahalata na si Joshuel," sabi pa ni Aeris, "Kaya sige na ha?"
"Pa'no muna yung bagsak mo?" asar sa kanya ni Jade
"Sample muna," gatong pa ni Athena na natatawa na sa kaibigan
"Kingina niyo naman eh! Basta ha? Gawin niyo, please," paninigurado pa ni Aeris na nakuha na ng mga kaibigan niya ang gusto niyang sabihin
"Gaano ba kalakas 'yung gusto mong tulak?" tanong naman ni Jade na mukhang gusto talagang tumulong sa kaibigan
"Ekis ako dyan ha. Baka 'pag ako 'yung tumulak, 'di na makalakad si Aeris bukas," sabi naman ni Lianna na talagang binasa ang ginawang plano ni Aeris
"Sige, ako na lang," sabi naman ni Athena, "Gaano ba kalakas o kahina 'yung gusto mong tulak? Saan ako pupwesto? Kanan mo o kaliwa?"
"Basta, mi, sesenyasan na lang kita 'pag time mo nang manulak," nakangising sabi ni Aeris at napasapo pa nga sa dibdib sa sobrang pananabik sa kalalabasan ng sariling plano, "Shet! Nae-excite ako, mga mami!"
"Pa'no 'pag 'di gumana 'to? Ano'ng plano mo?" tanong ni Jade na may halo nang pag-aalala sa kaibigan, "'Tsaka gaga, eh kung mapa'no ka?"
"Sisipain niya daw 'yung teacher's table para sumakit talaga 'yung paa niya," biro ni Frances na parang inaasar pa nga ang pagkadesperada ng kaibigan
"Hoy hindi!" tanggi ni Aeris at napasimangot pa nga sa kaibigan, "Pero good idea, ilalagay ko 'yun dito."
"Hoy, gaga!" sita sa kanya ni Frances nang seryosohin nga nito ang biro niya, "'Pag ikaw napilay sa kagagahan mo ha."
"Mas realistic nga 'yun eh," angal ni Aeris na parang gusto talaga ang ideya ng kaibigan
"'Yaan mo siya. Para mapilay," sabi ni Lianna, "Kulit eh."
"Hoy, pota ka!" sabi ni Aeris sa kaibigan at parang biglang nataranta nang marinig nang tumunog ang bell—hudyat na uwian na nila, "Hoy, shet! Ayan na, uwian na. Paiwan muna kayo dito ha? Tapos 'pag nagwawalis na 'ko malapit kay Joshuel, itulak niyo 'ko agad."
Kahit na parang naguguluhan pa rin ang mga kaibigan ni Aeris kung talaga bang gagawin nila ang plano ng kaibigan ay nagkibit-balikat na lang ang mga ito saka sumang-ayon sa plano ng dalagita. Agad na tumayo si Aeris, kumuha ng walis sa cleaning supplies nila, at saka nagsimulang magwalis ng sahig kasama ng ilan pang cleaners na nakatakda sa araw na 'yun. Ngiting-ngiti pa siya habang unti-unting pumapalapit sa kanilang presidente na tahimik na nagbubura ng mga sulat sa blackboard. Pasimple niyang pinapalapit ang mga winawalis na alikabok sa sahig para mapunta ito sa paanan ng binatilyo at magkadahilan siyang mapalapit lalo sa pwesto nito. 'Success,' ani ng dalagita sa isip nang mapayuko sa sahig si Joshuel at maramdamang nasa paanan na niya ang mga winawalis ni Aeris.
BINABASA MO ANG
That Day • svt [REVISED]
FanfictionBumalik muna tayo sa araw na yun. Kung kailan masaya pa ang lahat. Mga murang isipan... mga damdaming kaya pang pigilan. At mga labing ngiti pa ang nakapinta.