Allegra's POV"Ella, ayos ka lang ba talaga? Grabe mas malala yong panaginip mo ngayon kaysa noong nakaraan."
"Ayos lang ako" sagot ko na lamang dito nang nakangiti para hindi na mag-alala.
Gulong-gulo pa rin ang isip ko palagi na lamang ganon ang panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit pabalik-balik hindi ko man lang makita ang mukha niya, o kung anong sumunod na nangyari.
"Bawal ba talagang lumabas dito kahit wala namang pasok?" usisa ni Nica, kasama namin ngayon sina Shantel, Sheila, Jeiro, at Nico.
"Pwede naman kung aakyat ka sa gate na yan haha." pabirong sagot naman ni Nico
Umirap naman agad si Nica dito "Huwag na nga lang"
"Ikaw kasi, nagdadabog tuloy yon." suway ni Shantel kay Nico, napapailing na lang ako.
"Ganon lang talaga, pagpasensiyahan niyo na lang ang pinsan ko."
"Wala yon ganiyang mga babae ang mga type ko." natatawa pang sabi ni Nico na may kasama pang pagkindat at hinabol si Nica na papalayo.
Iba rin kasi talaga ang kagandahan nitong si Nica, nagmana raw siya sa Mama niya sabi ni Tito. Kulot ang buhok nito, matangos ang ilong, kutis porselana, sakto ang hugas ng katawan. Mapagkakamalan mo talaga siyang anak mayaman at may lahi kung tutuusin.
Pareho kami ni Nica na hindi nakilala ang Mama namin, pero mas swerte siya dahil nakilala niya ang Papa niya samantalang ako buong buhay si Tito ang kinilala kong magulang.
Nagyaya sila na ililibot daw kami sa school, kumpara kahapon may iilan ng mga estudyante ang nasa labas at naglalakad. Kompleto na rin dito dahil may lunch cafe sa baba ng mga dorm kaya wala nang po-problemahin.
"Nasaan tayo?" tanong ko nang mapansin na nasa likuran na kami ng university.
"Isa ito sa mga tagong lugar sa university, huwag kayong maingay. Kami lang ang nakaka alam sa lugar na ito." paliwanag ni Jeiro habang inaalsa ang madahong gate.
5 mins yata kaming naglakad bago marating ang sinasabi nila.
"Ano ba ang lugar na ito?" nauutal na may halong pagkamangha kong tanong.
Nakarating kami dito sa isang kubo, puno ng bulaklak halatang luma na ang kubo ngunit maganda at halatang inaalagaan. Hindi ako naka expect na may ganito pala rito
"Welcome to news paper club's route, nagustuhan niyo ba ang design? Ako ang gumawa nito" masayang sabi ni Sheila
"Dito kami madalas magpunta kapag may pag uusapan na pribado." paliwanag naman ni Shantel nang makaupo na kaming lahat sa sahig sa loob ng kubo. Wala kasing upuan dito, maliit lamang din ang kubo pero malinis. Tanging libro lang at mga papeles ang nasa gilid.
"Kung ganon bakit sinama niyo kami?" halatang naguguluhan din si Nica, pati ako man ay naki usisa na rin.
_________
19 hours ago
Shantel's POV
"Sigurado kana ba jan? Kakakilala pa lang natin sa kanila tapos pagkakatiwalaan na agad natin sila?" nangangambang tanong ko kay Jeiro.
"Tama siya Jeiro, labinsiyam na tayong magkakilala pero nong binuo natin ang club nagsubukan tayo kung nararapat at mapagkakatiwalaan ba ang isa't isa." komento naman ni Sheila
"Oo nga tama sila" pagsang-ayon ni Nico
"Pero kailangan nating gawin bago magsimula ang klase, nanganganib ang buhay nila." ani Jeiro
YOU ARE READING
Danger with the University Chancellor
Mystery / ThrillerIn the 16th century Spaniards believed that the vampire was the most feared mythical creature. During the Spanish conquest of the Philippines, strange deaths spread around provinces. The ancestors believed that most of these Spaniards were actually...