Chapter 1 : The Golden Rule

1 0 0
                                    

Zero University basa ko sa nakatatak sa entrance ng unibersidad. Subalit hindi yon ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang mukhang naka ukit sa tabi nito na may pangalang Vincenzo Daufett.

"Elle hoy ayos ka lang ba kanina ka pa tulala jan pumasok na raw tayo" nagulat pa ako ng kalabitin ni Anica ang braso ko.

"Ah oo sigi tara na " sabay kuha ng maleta naming sabi ko.

"Ano ba kasing meron doon, namimilog ang mga mata mo parang nakakita mult — napatigil ito at namilog ang mata sabay yakip sa bibig "omg huwag mong sabihin nakita mo yong taong nagligtas sayo? Ganiyan kabilog ang mata mo kapag kinukwento mo yon sa akin" usisa nito

"Wala nga hali kana, ang ginaw dito"

Oh, btw my name is Allegra Realidad Ferrero at ito namang kasama ko ay ang pinsan kong si Anica Portia Realidad.My nickname is Ella since yon daw ang pangalan ni Mama sabi ni Tito na nag aruga sa amin noon.Nandito kami ngayon sa university na nag alok sa amin ng scholarship. Kahiligan ko ang magbasa ng libro, mag-aral, magsulat at maging magaling sa klase because i believe education can lead us not just to the path of success but also to a better life.

If physical appearance naman ay natural lang ang ganda ko, black hair, light brown eye, the outstanding part are my freckles. Kidding, sila lang talaga ang nagsasabi non but yes i have freckles.

Pagkapasok pa lang namin sa University napanganga agad kami ni Nica sa pagkamangha, kahit pa kinakapitan ito ng mga damo napakagandang tanawin pa rin ng mga building parang design lang ang mga ito. Kahit halatang luma na ito ay maikukumpara ko ito sa isang Elite School. Ang mga design kasi parang wala ako sa Pilipinas. Sobrang ganda kahit simple at napapalibutan ito ng mga puno.

"Take a seat" nandito kami ngayon sa loob ng office ng Vice Principal.

"As you know I am the Vice Principal of Zero University my name is Celerio Gueverra. If you have any inquiries regarding our University approach me. — lumapit siya sa kaniyang table at may kinuha "here your dorm number is 16 welcome to heaven" sabay abot ng susi nitong sabi habang naka smirk at kumindat pa dahilan para isiko ako ni Nica ang babaeng ito talaga.

"Salamat po ng marami uhm" ani ko sabay kuha ng susi

"You can call me Mr. Deputy" sagot nito sa akin

Ipipihit ko na sana ang pinto nang hinila ako ni Nica.

"Saglit lang Ella"

Kinuha niya ang camera naka kabit sa leeg niya at kinunan ng picture ang Vice President.

Hihilahin ko na sana siya ng magsalita ang lalaki ulit "By the way in this heaven there's only one important rule. The Golden rule."

"Golden rule?" Nagkatinginan pa kami ni Nica sa sinabi nito

"Not to FALL INLOVE with your TEACHER" malalim na sabi nito habang nakatingin kay diretso kay Nica nang nakangiti.

_______________________

"Room number 16, hayst paano ba natin malalaman kung anong floor o saang building yan.Kainis naman bakit hindi niya sinabi. Pasalamat siya gwapo siya." pagrereklamo ni Nica

"Sanaa kinuha ko na lang ang number niya" ngising pabulong nito

"Tigilan mo nga iyan, narinig mo ba ang sabi niya bawal Nica."

"Number lang naman Ella, hindi ko naman siya jojowain babaita ka."

"Dito ka na lang muna Nica, susuyurin ko muna ang buong building para mahanap ang dorm natin."

"Ano?Huwag na magtanong na lang tayo sa laki ng university na ito mapapagod ka lang." pigil ni Nica sa akin napakamot naman ako sa ulo.

"Kanino?Nakikita mo ba na halos walang ka tao-tao rito"

Danger with the University ChancellorWhere stories live. Discover now