Chapter 5

0 0 0
                                    

Ten minutes later, umalingawngaw ang malakas na tunog ng school bell, hudyat ng pagtatapos ng klase. Lalong umingay ang paligid nang sabay-sabay kaming nagsipagtayuan at lumabas ng silid-aralan.

Naiwan sa loob ang mga nakasimangot na kaklase ko na nakatokang maglinis ng silid.

Magkakasama kaming anim na naglakad sa hallway.

"Bilisanmo ang paglalakad, Miya. Or better yet, takpan mo ng libro ang mukha mo. Siguradong ipatatawag ka ni Mrs. Lorde sa office. Hindi mo gugustuhing maabutan ng bagyo," nakangising sabi ni Bruno habang ngumunguya ng bubble gum.

"Hindi ka nakakatulong Bruno. Pwede bang tigilan mo na si Miya," saway ni Layla.

Tinapunan ni Bruno ng mapanuring tingin si Layla.

"What's your problem, girl? Sinusubukan ko lang tulungan si Miya. Kailangan niya ang mga payo na galing sa isang henyo na kagaya ko."

"Suit yourself," turan ni Layla. "Ikaw lang ang nag-iisip na henyo ka."

"Bilisan mo rin ang paglalakad Layla. Or better yet, takpan mo ng dyaryo ang mukha mo. Akala mo siguro hindi ko alam na isa ka sa mga cleaner ngayon. Isa kang dakilang takas. Hindi mo 'ko maloloko. Henyo 'to, girl."

Namula ang mukha ni Layla.

"Don't call me girl, stupid."

"Okay I'll call you boy. You like it?"

"Itigil n'yo na nga 'yan. Para kayong aso't pusa. Palagi kayong nagbabangayang dalawa," naiiling na saway ni Clint. Kinalabit nito si Nana sa tabi nito. "Basta ihanda mo ang listahan ng pangalan ng mga kaklase natin sa Lunes, beshy. Kailangan lahat tayo nakapirma para katunayan na tetestigo tayo laban kay Dragonesa. Lalaban tayo kasama ni Miya."

"Noted, beshiwap," sabi ni Nana. Tumingala ito at pinagmasdan ang maulap na kalangitan.

"Miya, gaya nang sinabi ni Nana at Bruno kanina, nasa likod mo lang kami. Hindi ka namin iiwanan sa ere," sabi ni Karina sabay pisil sa braso ko. "Just be strong, okay? Miya the Dragonslayer!"

"Miya the Dragonslayer!" sabay-sabay nilang sabi. Gusto kong tumakbo palayo sa kanila. Pakiramdam ko maduduwal ako na hindi ko maintindihan. Kanina lang ay musika sa aking pandinig ang bansag nila sa akin. Pero hindi na ngayon. Pakiramdam ko pinirmahan ko ang sarili kong death certificate nang tanggapin ko ang bansag nila sa akin. Tila may kaakibat itong masamang pangitain na siyang magpapahamak sa akin sa bandang huli. Siguradong nakarating na sa mga tainga ni Miss Turtle ang bansag ng mga kaklase ko sa akin. Malamang nag-aalboroto na ito sa sobrang galit at pagnanasang makabawi..

"Bakit antahimik mo, Miya?" tanong ni Layla. "Ano'ng iniisip mo?"

"Natural ako. Sino pa ba'ng iisipin ni Miya?" sabi ni Bruno sabay ngiti. Kumikinang ang suot nitong braces. "Hindi ba, Miya, ako ang iniisip mo? Aminin mo na!"

"Tigilan mo nga si Miya stupid boy," muling saway ni Layla. Akmang susuntukin nito si Bruno sa balikat pero agad na nakatakbo palayo ang huli.

"Bakit, Layla? Nagseselos ka ba? Well, hindi kita masisisi. Sobrang guwapo ko kasi. Kaya nga lahat ng mga kaklase natin crush ako. Cute na nga henyo pa. Saan ka pa, right? Pwede namang maging tayo. Kaso mukhang magaan ang mga kamay mo. Nananakit ka ng mga cute na kagaya ko. D'yan pa lang bagsak ka na sa akin."

"Ang kapal," bulalas ni Layla.

"Iniisip ko kasi kung ano'ng mangyayari kapag hindi kumampi sa akin si Mrs. Lorde," sagot ko. Mariin kong tiningnan si Layla.

"Huwag kang mag-alala, Dragonslayer. Pagsisisihan ni Mrs. Lorde sa oras na kampihan nito ang dragonesa," walang emosyong sabi ni Layla sabay tinging muli sa nilalakaran.

Teach Me How To DieWhere stories live. Discover now