Maliit na babae si Mrs. Lorde, na may makapal na kilay, matangos na ilong at matatalim na mga mata. May mga hibla ng puting buhok na nakabagsak sa noo nito na parang agiw. Sa tuwing nakikita ko siya, lagi kong naaalala si Elsa the Bride of Frankenstein dahil magkahawig sila.
"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo Anteepasado?" tanong ni Mrs. Lorde habang nakaupo sa likod ng lamesa. Animo'y dadalo ito sa patay sa suot nitong itim na blusa at palda. "Kahanga-hanga? Sa tingin mo dapat kang tularan ng mga kaklase mo sa kalapastanganang ginawa mo? Nahihibang ka na talaga!"
"Alam ko pong mali ang ginawa ko, pero sobra na po ang ginagawa ni Miss Turtle sa amin," depensa ko. Nakayuko ako at hindi makatingin nang diretso kay Mrs. Lorde. Pakiramdam ko pati kaluluwa ko tinutupok ng nagbabagang mga mata nito. Pagpasok ko pa lang dito kanina at mabungaran ang nakasimangot na mukha nito, alam ko na kung kanino kampi ang prinsipal.
Hinampass ni Mrs. Lorde ang ibabaw ng lamesa. Muntik ng tumaob ang flower vase. Nagbagsakan ang maliliit na kandila sa ibabaw ng malaking chocolate cake. Nakaukit ang mga katagang Happy 55th Birthday Mrs. Lorde sa ibabaw nito.
"Alam mong mali pero ginawa mo pa rin." Sinlamig ng yelo ang boses ni Mrs. Lorde. "At ano'ng gusto mong patunayan Anteepasado?"
"Wala po."
"Sinungaling!
Tatlong taon ka na rito sa Purvil High. Sa tingin mo hindi ko alam ang mga pinaggagagawa mo rito?" Whomalukipkip si Mrs. Lorde at nakipagtitigan sa akin. Agad akong nagbaba ng tingin. "Isa ka sa mga masusugid na kritiko ng pamamalakad ko. Hindi mo ako gusto hindi ba Anteepasado? Pwes sinasabi ko. Hindi rin kita gusto. Hindi ko gusto ang mga katulad mong aktibista. Wala kayong alam kung hindi magreklamo at maghanap ng butas na ibabato sa nakatataas sa inyo. Ganoon ka Anteepasado. Bata ka pa lang pero rebelde ka na at palaban. Hindi na ako magtataka kung isang araw kasapi ka na ng NPA. And worse, isang terorista. Kaya uulitin ko. Dapat ka bang tularan ng mga kaklase mo sa ginawa mo kay Miss Turtle? Sa ginawa mong kalapastanganan sa pangalawa ninyong magulang? Sumagot ka!"
"Kahit minsan hindi po ako minura at pinagbuhatan ng kamay ng mga magulang ko," pabulong kong tugon. Kahit ilang beses ko nang nakakausap dito sa Principal's Office si Mrs. Lorde, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi maka da ma ng takot rito. May personalidad ito na hindi ko lubos maintindihan. Pakiramdam ko nagkukunwari lang itong propesyonal at matino, pero ang totoo ay talagang inis ito sa mga estudyante. Lalo na sa mga estudyanteng kagaya ko. Ngayon ko napagtanto na marahil kaya mas pinapaboran nito si Miss Turtle ay dahil pareho sila ng ugali. Pareho silang may pahid sa ulo.
"Is that so? Kaya naman palagan'yan ang pag-uugali mo Anteepasado. Lumaki kang rebelde. I pity your parents. Napalaki ka nilang imoral. Masyado ka nilang na spoiled." Sumulyap si Mrs. Lorde sa isang sulok. "Miss Turtle narinig mo ang mga sinabi niya. Patunay na hindi maganda ang pagpapalaki ng mga magulang niya sa kaniya. Inappropriate! Hindi na nakapagtatakang naging asal hayop siya sa iyo kanina."
Nakaupo sa couch sa isang sulok ng opisina ang dragonesa, mga mata'y namumula dala marahil ng matinding pag-iyak. May nakatapal na pulang belo sa ulo nito. Nagmukha tuloy itong muslim. Suot kaya nito ang wig? Malamang na hindi dahil kung oo ay bakit nito tatapalan ng belo ang ulo. Maliban na lang kung isa talaga itong muslim. Pero imposible dahil walang muslim na masama kagaya ni Miss Turtle. Duda rin ako kung may relihiyon ito dahil baka sa pintuan pa lang ng simbahan ay magliyab na ang buong katawan nito.
Kung anong kinatingkad ng suot na belo ni Miss Turtle, siya namangkinadilim ng mukha nito na parang galing ito sa isang libing. Tila isa itong bata na tahimik na nakaupoh habang hinihintay ang pagdating ng laruan na pangako ng mga magulang na ibibigay rito...na kailanman ay hindi dumating, subalit patuloy pa rin nitong hinihintay. Bahagya akong nakaramdam ng awa para kay Dragonnesa. Kung naging mabait lang sana ito sa amin, kung hindi lang ito nattaniman ng binhi ng kasamaan sa puso nito, kungnapaglabanan lang sana nito ang temptasyon na maging masama at malupit sa aming mga estudyante, hindi ko sana ito napahiyanang sobra kanina sa harap ng buong klase. Kung meron pa itong kabutihan na natitira sa puso, mahusay itong naitago ni Miss Turtle sa aming lahat. Mas ninais pa nito angkatakutan kaysa ang mahalin ng mga estudyante. Kabaligtaran sa adviser namin na si Miss Freya na tunay na minamahal naming lahat at nirerespeto. Mga bagay na hinding-hindi namin maibibigay kay Miss Turtle.
Dumampi sa akin ang malamig na hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana.
Napasulyap ako sa suot kong relo. Six o'clock. Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko ang napakadilim na kalangitan. Nagsasayawan ang mga puno at halaman na halos mahugot na ang mga ito sa kani-kanilang mga ugat. Biglang kumidlat ng napakalakas. Nagliwanag ang kanina lang ay makulimlim na kapaligiran. Iilan na lang ang mga kapwa ko estudyante na makikitang naglalakad palabas ng Purvil High. Pauwi na ang mga ito. Nakaramdam ako ng inggit. Malamang na nakauwi na rin si Layla. Nagsabi ito na hihintayin ako sa silid-aklatan. Pero mag-iisang oras na ako rito sa loob ng Principal's Office. Hindi ko masisisi si Layla kung mainip ito at maisipan na umuwi na lang. Paparating na ang bagyo. Kahapon pa sinabi na may tatamang bagyo dito sa bayan ng Pagsanjan. At kung hindi pa ako paaalisin ni Mrs. Lorde, tiyak na aabutan ako ng bagyo.
Ee pa ngako mo na uuwi ka kaagad ngayon Miya. Huwag mong hahayaang maabuttan ka nang ulan, sabi sa akin ni Miss Freya kanina. At nangako ako, pero heto ako at kausap pa rin hanggang ngayon si Mrs. Lorde habang nakatanaw sa akin si Dragonesa sa hindi kalayuan na malamang pinag-iisipan kung saan ako nito ililibing nang buhay.
Parating na ang dragonnesa! sigaw ni Clint sa isipan ko. Bakit bigla ay nakadamaako ng kakaibang takot? Bakit tila may pagbabanta sa tinig ni Clint, ibang-iba sa tono ng boses nito kanina namapaglaro? Bakit pakiramdam ko hindi bagyo ang paparating ngayon. Pero ano? Parating na ang dragonnesa, muling sigaw ni Clint sa diwa ko. Lalongnanindig ang mga balahibo ko sa magkahalong lamig at takot nabumabalot ngayon sa buong pagkatao ko. Tila may bumubulong sa akin na nagsasabing kailangan ko nang makaalis. Kailangan ko nang makauwi. Kasama ko ngayon si Dragonesa at ang prinsipal. Pakiramdam ko hindi ako ligtas na kasama sila ngayon. Malaki ang posibilidad na isa sa kanila ang Killer in the Rain...
Kumakabog ang dibdib na binalik ko ang tingin kay Miss Turtle. Tumattama sa suot nitong salamin ang liwanag na nagmumula sa nakabukas na chandelier, datapwa't aninag ko pa rin angtalimnang pagkakatitig nito sa akin.
Nagtaas ako ng kilay nang biglang tumayo mula sa kinauupuan nito si Miss Turtle at humakbang palapit sa lamesa malapit sa nakabukas na bintana. Nakatalikod ito sa akin habang may kinukuha na kung ano sa kumpol ng mga plato at baso sa ibabaw ng lamesa.
Kumidlat nang napakalakas. Totoong parating na ang bagyo. Kailangan ko ng makauwi.
Napigil ko ang paghinga nang makita kong hawak na ni Miss Turtle ang isang bread knife.
Ano'ng ginagawa ni Miss Turtle? Bakit may hawak itong kutsilyo? Nang sulyapan ko si Mrs. Lorde, nakita kong nakatingin din ito kay Miss Turtle. Walang emosyon sa mukha nito.
Muling tumingin sa akin si Miss Turtle.
Napangiti ito.
"Pinahiya mo ako," sabi ni Miss Turtle sa mababang tinig. Kumikislap sa liwanag ng ilaw angtalimnang hawak nitong kutsilyo. "Magbabayad ka."
Nagsimulang humakbang palapit sa akin ang dragonesa.
YOU ARE READING
Teach Me How To Die
HorrorNang pahiyain ni Miya ang kanilang Math teacher sa harap ng klase, ang buong akala ng bata ay tuluyan nang matatapos ang maliligayang araw ng dragon. Nagkamali siya. Nang ipatawag si Miya sa Principal's Office, natuklasan niyang mas kinampihan pa ng...