Nagising ako sa tunog ng alarm clock. It's already 5:30 in the morning at kailangan ko nang gumayak dahil 7:00 ay susunduin ako ng driver ni boss para ihatid sa mansyon ng mga Fontalles.
Ang sosyal ko namang maid, ihahatid pa ng kotse.
Bago matulog kagabi ay tumawag sa akin si boss.
"Yes boss? napatawag ka?" tanong ko pagka-sagot ng tawag niya. Ka biruan lang ng lahat itong si boss at siya rin ang humiling na huwag masyadong maging pormal ang pakikitungo namin sa kaniya. Gusto niya raw ay ituring namin siyang kaibigan.
"Ley, you know hindi ko rin naman gusto na ipadala ka doon ngunit wala na akong ibang mahanap na tatanggap ng offer ko. Kailangan ng kompanya natin ang misyon na ito. Good luck sa'yo bukas, ipapasundo kita sa driver ko ng 7:00 am para maihatid ka sa mansyon. Please be safe lang, Ley. I can't call you from time to time kapag nandoon ka na." mahabang litanya niya. Kung ibang tao ang makakarinig nito ay aakalain talaga na may gusto si boss sa akin. Even Clara, sinasabi niya rin iyon sa akin ngunit hindi ko naman iyon binibigyan ng malisya.
"Ayos lang ako boss, ginusto ko rin naman ito. Salamat boss. Gagalingan ko para hindi na rin ako magtagal doon" natatawa ko pang wika sa kaniya. Natawa naman siya sa kabilang linya.
"That's good to hear. Yun lang naman ang gusto kong sabihin. Goodnight, Ley"
"Goodnight din, boss Sandro"
Iniisip ko nalang ay kung papaano ako gagalaw sa loob ng mansyon. Sabagay, katulong naman ako pwede kong hilingin na ako nalang maglinis ng kwarto nila at maghanap ng mga impormasyon. Tama!
Peo iniisip ko palang na makakapasok ako sa kanilang silid ay para na akong nanghihina. Grr!
Paano kung magtapat ako ng pag-ibig kay Mr. Fontalles para mahawakan ko ang kamay niya. Ang cringe naman kung sa matanda pa ako magco-confess.
Naligo na ako at pagkatapos ay nag-blower ng buhok. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may kumatok sa aking pinto. Nabitawan ko ang aking blower at tumama ito sa aking paa.
"Ouch, aray!"
Kung minamalas ka nga naman oo.
"Ley, anak kumain ka muna dito bago ka umalis!" sigaw ni mama habang kinakatok ang pinto.
"Opo mama, mag-aayos lang po ako."
Buti nalang ay hindi ako napaso sa blower, tumama lang siya sa buto ko. Ang sakit pala.
"Mama, may gamot pa po ba si Ara?"
"Mayroon pa naman anak hanggang bukas niya." sagot ni mama habang naghuhugas ng pinggan. Tapos na ako kumain at dumukot na ako ng pera sa wallet ko.
"Ma, iwan ko po dito pambili ng gamot at pagkain. Magpapadala nalang po ako kay Clara sa isang araw para mabigay niya sa inyo." humarap sa akin si mama at ngumiti.
"Salamat anak, mag-iingat ka doon. Salamat at hindi ka nagsasawa sa amin ng kapatid mo."
"Mama naman bakit ako magsasawa e mahal na mahal ko kaya kayo." nilapitan ko si mama at saka siya niyakap. Nagda-drama nanaman 'tong ina ko. Humiwalay ako dito at tinignan siya. "Magkakaiyakan pa tayo nito ma, aalis na po ako at inaantay na ako sa labas ni kuya Brandon. Bye ma." hinalikan ko pa si mama sa pingi bago maglakad paalis sa kusina at nagpunta sa sala para bigyan ng halik sa noo ang natutulog kong kapatid.
"Sige na anak. Mag-ingat."
"Opo mama, tatawag nalang ako sa inyo."
"Kuya brandon tara na po." aya ko sa driver ni boss at sumakay na ako sa back seat. Siya ang lagi kong nakikita sa office ni boss kaya nakilala ko siya at nakakabiruan din. Pinaandar na niya ang sasakyan.
YOU ARE READING
Her Visions
RandomSiya ay may kakayahang makakita ng nakakapangilabot na mangyayari sa buhay ng isang tao sa pamamagitan ng pag hawak sa kamay nito. Ngunit paano kung ang sarili nya naman ang makita n'yang pinapatay? Date Started: August 21, 2023