CHAPTER 1 (MISSION)

14 3 2
                                    

"Ley! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko!" nagtititili na wika ni Clara, ang bestfriend ko.

Inirapan ko siya at saka sinara ang laptop na gamit ko upang harapin siya, "Hindi ka naman talaga kapani-paniwala, ano ba 'yon?"

Umupo siya sa swivel chair at nagpaikot-ikot, pinanood ko siyang magpaikot-ikot doon. "Nanalo ako sa weteng kaso 1,500 lang dapat pala nilakihan ko na yung taya." may panghihinayang niyang sambit. "Hindi mo ba nakikita kung ano yung tatama sa weteng o sa lotto? hawakan mo nga yung kamay ko tignan mo baka bukas sa lotto na ako tumama." pagbibiro niya. Alam niya ang aking kakayahan, sa totoo lang ay kaming dalawa lang ang nakakaalam. Nadiskubre ko ito noong 14 years old ako, nung bata ako ay hindi ko naman pinapansin na special pala ang aking kakayahan.

Hindi siya naniniwala sa akin noong una ngunit noong kasama ko siya ay hindi ko sinasadyang mahawakan ang kamay ng isang estrangherong nanganganib ang buhay nang mga oras na 'yon. Sinabihan ko ang estranghero sa mangyayari na pagpatay sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin at sinabihan pang nababaliw lang ako. Nang makalayo ay gulat na gulat si Clara dahil narinig namin ang pagputok ng baril na nakatututok sa ulo mismo ng estrangherong nakausap namin.

Binalik ko ang tingin sa aking phone. Akala ko naman ay importante ang sasabihin nya. Yung mas importante pa sa ginagawa ko. Lintek talagang kaibigan ko na 'to. Hindi ko na siya pinansin at binuksan muli ang laptop ko.

"Ang busy mo naman ano ba kasing ginagawa mo?" lumapit siya sa akin at tinignan ang ginagawa ko.

Napatakip pa siya sa kanyang bibig. "Oh my god! Ikaw ang naatasan gumawa n'yan?" gulat nyang tanong.

Tinignan ko siya at nagbuntong hininga, "Exactly."

"Pero alam naman natin na delikado ang mga tao na yan, bakit mo tinanggap?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Malaki ang incentives na makukuha ko rito at alam naman natin na kailangan ko 'yon para mapagamot ko ang kapatid ko." paliwanag ko sa kanya. Ang kapatid ko ay 12 years old pa lang ngunit nakikipaglaban na sa sakit na cancer.

"Sabi ko naman sayo Ley pwede ka naman umutang muna sa akin, hindi mo kailangang gawin yan, alam mo bang sa pagtanggap mo n'yan ay maaaring maging kapalit ay ang buhay mo? Delikado na ang buhay mo once na mai-public mo 'yan! Lalo na't hindi mo naman nakikita ang sarili mong kapalaran!" panenermon niya sa akin.

"Ayoko naman na umasa nalang palagi sa'yo. Sayo ko na nga kinukuha yung pamasahe ko papunta dito sa hide out eh."

"Per-" pinutol ko na ang sasabihin nya.

"Huwag kang mag-alala sa akin. Ikaw ang mag-ingat palagi sa mga misyon mo lampa ka pa naman" pgbibiro ko sa kanya. Natawa naman kami. Sakto namang tinawag na siya ni boss. May mission na rin siguro siya.

Isa akong journalist ngunit dahil sa kailangan ko ng pera ay naghanap pa ako ng isang trabaho, isa na rin akong ganap na secret agent. Ang misyon ko ay ang Drug Lord na si Mr. Fontalles, kailangan kong malaman lahat ng information niya at kapag may nalaman akong bagong impormasyon ay kailangan ko itong isa-publiko.

"Ley! Tawag ka ni boss, huwag ka na kaya tumuloy? Sabihin mo masakit tiyan mo kasi kumain tayo ng fishball na naisawsaw sa pinagbabaran ng sandok!" natatawa niyang wika, natawa nalang din ako sa kanya at hinampas siya sa balikat.

"Huwag ka mag-alala sa akin kaya ko 'to, Clara. Sige na puntahan ko na si boss. Bye" at naglakad na ako paalis.

"Bye bes, pwede ka pa magback out." naiiling nalang ako sa pahabol niya.







Nang makapunta na ako sa tapat ng pinto ni boss ay huminga muna ako ng malalim. Inhale. Exhale.

Pagkatapos ay kumatok ako at saka pinihit ang door knob. Hindi ko na inantay na sabihin niyang "come in" dahil inaasahan naman niya ako.

Her VisionsWhere stories live. Discover now