Prologue

705 5 3
                                    

"Ladies and Gentlemen, now we're approaching Manila, Philippines where the local time is 9:00 a.m.  At this stage you should be on your seat..."


Huminga siya ng malalim, ilang sandali pa at lalapag na ang eroplanong sakay niya. 


Kinailangan niyang umuwi ng Pilipinas sa kadahilanang nagwagi siya bilang isa sa pinakamagaling na Filipino Chef sa buong mundo.  Ang kaibigan niyang si Betty Mae  ang nagbigay ng pangalan niya sa Foundation na nag-organize ng nasabing competition at nagulat na lamang siya ng makatanggap siya ng isang sulat na nag-iimbita sa kanyang pumunta ng LA para lumaban sa iba pang mga Filipino Chef na nanggaling din sa iba't-ibang parte ng mundo.  Bukod sa perang napanalunan niya na magagamit niya para lalo pang palaguin ang restaurant business nila ni Betty Mae ay mabibigyan din siya ng oportunidad para makapagturo sa mga scholar ng nasabing foundation na gustong maging Chef gaya niya.  Isa sa pangarap niya ang magturo sa kahit anumang paraan kaya naman natuwa siya ng malamang mabibigyan siya ng ganitong klaseng oportunidad pero ng malaman niyang kailangan niyang magbalik ng Pilipinas ay nagdalawang-isip siya. 


Matagal na siyang hindi umuuwi ng Pilipinas, ang totoo kung siya lang ang masusunod ay ayaw na niyang bumalik pa dito.  Maraming bagay na gusto na niyang kalimutan at ayaw nang balikan pa.  Hindi lang talaga niya matanggihan ang Foundation na nagbigay sa kanya ng parangal.


Ngayon nga ay hinihintay na niya ang kanyang mga bagahe na lumabas sa baggage conveyor ng naturang airport.


"Matagal na yun Maya... matagal na yun."   She reminded herself.   Kinuha niya ang kanyang mga gamit at lumabas na siya ng airport.


"Nakaraan na siya Maya at hindi na dapat balikan pa.  Ang importante ay ang ngayon at ang kinabukasan."  Maya-maya pa ay napangiti siya.  Agad niyang nakita ang kanina lang ay hinahanap ng mga mata niya.  Napansin din niya ang ilang kababaihan na hindi maiwasang humanga.  She cannot blame them dahil bukod sa matangkad ito ay talaga namang napakaguwapo.  Nang makita siya nito ay gumanti rin ito ng ngiti.


Si Eduardo Buenavista, her present and hopefully her future.


Kaya hindi na dapat pang isipin pa ang nakaraan... ang isang Richard Lim.


to be continued...

-roxygirl5-

StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon