Chapter 2

279 4 4
                                    

2 years ago...

Maya looked down at the man sleeping peacefully beside her. His hair fell over his head at kahit pa sabihing tulog ito at tila walang pakialam sa mundo ay hindi makakailang napakaguwapo pa rin nito. Ang totoo ay hindi siya natulog, pinagmamasdan lamang niya ito at umaasa na sana bago dumating ang umaga ay magsawa siya, magsawa siyang mahalin ito. Pero ang kaninang madilim na kuwarto ay nagkaroon na ng liwanag pero eto pa rin siya mahal pa rin niya ito, walang nagbago.

"M-Maya hic where are hic we going?"

"Don't worry I'll take care of you." Si Maya.

She reached a hand out to stroke a strand of hair back from his face. 'Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?' She whispered.

Richard stirred in his sleep, agad-agad ay tinanggal ni Maya ang kamay niya sa mukha nito. Maya-maya pa ay nagising na ito at ng makita siya ay agad bumalikwas ito palayo sa kanya.

She admits it, nasasaktan siya.

"W-where are we?"tanong ni Richard habang halatang tinitingnan nito kung may suot ito.

"Sa condo ni Emman." She calmly answered.

"B-bakit tayo andito? Tsaka bakit nasa kuwarto mo tayo?"

"Nalasing ka kagabi." Tumayo siya para iabot kay Richard ang polo nito. "Hindi kita inuwi sa inyo dahil baka magalit si Manang Fe kapag nalamang nalasing ka so since wala si Emman minabuti kong dito ka dalhin sa condo niya, sa kuwarto ko."

"I-I see. B-bakit naman kasi hindi mo ako pinigilan sa pag-inom?" Halatang hindi ito makatingin kay Maya ng diretso habang isinusuot ang polong kanina lang ay ibinigay niya.

"It seems that you are enjoying the party. Parang tuwang-tuwa ka na paalis na ako."

"Maya hindi naman sa ganun. I'm just happy for you. Biro mo nagkaroon ka ng scholarship sa isa sa prestigious Culinary Arts Institute sa Amerika. I mean matutupad na ang pangarap mong maging isang magaling na Chef."

Tahimik lang si Maya at maya-maya pa ay unti-unti ng tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Maya, w-what's wrong? Bakit ka umiiyak?"

Hindi pa rin sumasagot si Maya. Lumapit si Richard sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Maya tell me. May, may nangyari ba sa atin?"

"Kapag sinabi ko bang meron, hindi mo na ako papayagang umalis?"

"Damn it Maya, seriously may nangyari ba sa atin?" Hindi na rin mapigilan ni Richard ang inis na nararamdaman.

Patuloy pa rin ang pag-iyak ni Maya... "Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin kahit konti lang? Kahit kunwari lang?"

"Maya..." Unti-unting inalis ni Richard ang mga kamay nito sa balikat ni Maya. Agad naman siyang niyakap ng huli ng mahigpit. Sa isip-isip ni Maya this is her last chance. Kung kinakailangang magpakababa siya ng ganito ayos lang basta sabihin lang ni Richard that he can also love her.

"Richard please. I'll give up everything for you. Yung scholarship... hindi ko siya tatanggapin basta sabihin mo lang na mahal mo ako... please Richard please."

Ipinikit ni Richard ang mga mata at maya-maya lang ay unti-unting inalis ang pagkakayakap ni Maya sa kanya.

"Maya ano ba? Bigyan mo naman ng kahit konting respeto ang sarili mo!"

Nanlulumong napaupo si Maya sa gilid ng kanyang kama. Para siyang pagod na pagod sa pakikipaglaban sa nararamdaman niya para kay Richard. At mas nakakapagod malaman na hindi nito kayang suklian kahit kailan ang anong mang nararamdaman niya para dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon