Chapter 1

545 1 0
                                    

Past...

"Maya, hindi ako ang pinag-aaralan mo." Saway niya kay Maya. Alam niyang nakatitig na naman sa kanya ang huli. Ang totoo lagi namang ginagawa ni Maya ang tingnan siya, ang titigan siya.

"Ito naman, siyempre tinitingnan ko yung inspirasyon ko para mas madali kong masagot ang Math problems na 'to." Nakangiting sagot ni Maya habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Kapag bumagsak ka because you're not concentrating on those Math problems sasabihin ko sa Mommy mo na huwag ka ng payagang pumunta dito."

"Ito naman ang sungit. Masama bang gawin kang inspirasyon? Tsaka alam naman ni mommy kung gaano ako kahina sa Math and alam niyang ikaw lang ang sagot sa mga Math problems ko."

Umiling na lang si Richard, hindi talaga siya mananalo sa kakulitan ni Maya.

"Richard..." si Maya.

"Kuya!" si Richard.

"Richard!"

"Kuya!!!

"Richard!!!"

"Maya!" pinandilatan na ni Richard si Maya para tumigil na ito.

"Okay, okay. Ito na mag-fofocus na po." Nakangiting sabi ni Maya.

Hindi naman itinatago ni Maya ang paghangang nararamdaman niya para kay Richard. Bata pa lang siya ay crush na niya ang huli. Bakit naman hindi? Guwapo, mabait at higit sa lahat matalino pa si Richard. At ngayon ngang malapit na siyang mag-eighteen ay unti-unti na rin niyang tinatanggal ang pagtawag ng kuya dito na siya namang kinaiinis ng huli. Hindi na nga niya alam kung ano pa ang puwede niyang gawin para seryosohin siya ni Richard. Lagi na lang nitong sinasabi na bata pa siya at infatuation lang daw ang nararamdaman niya para dito. Pero ang totoo hindi na lang basta crush ang nararamdaman niya para kay Richard... Mahal na yata niya ito.

**************

Present time...

"Amor!"

"Eduardo." Patakbo siyang pumunta sa kasintahan. Agad naman siyang sinalo ni Eduardo at hinalikan. Hindi nila pansin ang paligid nila, they just miss each other so much.

Halos dalawang linggo silang hindi nagkita dahil nauna itong umuwi ng Pilipinas para ayusin ang project na gagawin nito bilang Engineer. Sasamahan siya ni Eduardo sa tatlong buwan na pamamalagi niya sa Pilipinas.

Ilang sandali pa ay kumalas si Eduardo sa pagkakayakap ni Amor and took a strand of her hair and tucked it behind her ears. "I miss you so much."

"Same here."

"Let's go?" Kinuha ni Eduardo ang mga gamit niya at isinakay sa compartment ng sasakyan nito. Pagkatapos ay pinagbuksan siya nito ng pinto tsaka siya sumakay.

"Why?" tanong ni Eduardo kay Amor habang nakasakay na sila sa sasakyan nito.

"What?"

"Why are you looking at me?"

"I miss you that's all." Nakangiting sagot ni Amor.

"Wow, ang sweet naman ng baby ko." Eduardo took her hand and intertwined it with his. Sa mga ganitong panahon ay nagpapasalamat siya at laging nandiyan si Eduardo. The man who always encourages her sa lahat ng mga gusto niyang gawin sa buhay. Ang lalaking laging sinasabi na kaya niya. Ang lalaking minahal siya kahit ano pa man ang nangyari sa nakaraan niya. 

 Kahit siya pa si Amor sa ngayon at Maya sa nakaraan.

*********************

Past...

"Tita si Richard po?"

"Nasa kuwarto niya." Si Donya Esmeralda.

"Pupuntahan ko na po siya."

"Sige iha and Maya..."

"Po?"

"Bahala ka na sa anak ko. Kanina pang umaga hindi kumakain yun."

"Sige po Tita, ako na pong bahala." Ngumiti siya sa matanda at agad tumungo sa kuwarto ni Richard.

Kumatok siya sa pintuan ng kuwarto nito.

"Richard? Richard?" tawag niya dito.

Maya-maya ay nakarinig na siya ng galaw mula sa kuwarto nito at ilang sandali pa ay nagbukas na ang pinto.

Pumasok si Maya, siya na rin ang nagsara ng pinto dahil tuloy-tuloy na bumalik si Richard sa kama nito at pasalampak na humiga at ipinikit ang mga mata.

Ganito sila palagi kapag may problema si Richard. Pupunta siya sa kuwarto nito uupo sa isang tabi, tahimik lang habang si Richard naman ay nakahiga sa kama. Minsan talagang natutulog ito or nagtutulug-tulugan lang. She will wait for him to talk about whatever problems he has ng mga panahong yun. This time ang alam niya ay brokenhearted ito. According to Manang Fe ay nakipag-break ang girlfriend nitong si Catherine sa alaga. Halos tumagal din ng isang taon ang relasyon ng dalawa.

Halos matapos na niya ang binabasang romance novel pero hindi pa rin umiimik si Richard. Maya-maya ay nakita niyang tumayo ito at umupo sa gilid ng kama.

"Maya..." Si Richard.

"Gutom ka na?"

Parang batang tumungo ito.

"Kukuha lang ako ng pagkain sa baba."

Ilang sandali pa ay nag-umpisa na silang kumain.

"Mukhang affected ka talaga ha. Halos tatlong oras mo akong hindi inimik eh." Ang sabi niya kay Richard habang nilalagyan pa niya ng kanin ang plato nito.

"Mahal ko eh."sagot nito sa kanya.

Huminga ng malalim si Maya. Ang sakit naman nun, sa isip-isip niya.

"Kung ako na lang ba kasi ang minahal mo e di sana wala kang ganyang problema."

Tumingin si Richard kay Maya. "Maya ayan ka na naman sa mga biro mo ha. Ang bata mo pa."

"I'm eighteen years old and the last time I check legal age na yun para magka-boyfriend."

"And I'm 25 years old. Ano na lang ang sasabihin ng kuya mo kung sakaling maging tayo?"

"E hindi naman si kuya ang pakikisamahan mo ako naman. Isa pa tuloy na ang punta nila sa Canada."

Tumingin si Richard kay Maya, "Sure ka na ba na hindi ka muna sasama sa kanila?"

"I'm sure. Isa pa andito naman si Tita Belinda kaya pumayag na rin sila mama at papa na mag-stay ako. Ang condition lang naman nila is for me to finish my studies and after that puwede ko ng gawin ang gusto kong gawin."

"You mean yung pagiging Chef?"

"Yup." Nakangiting sagot ni Maya kay Richard.

"Ituloy mo yan Maya. Magaling ka kaya alam kong matutupad mo yan someday."

"You think so?"

"Oo naman."

"Sabagay andiyan ka naman to inspire me." Nakangiti uling sabi ni Maya.

"Alam mo ok na sana eh. Kumain ka na nga." Ang medyo natatawang sabi ni Richard sa dalaga.

Habang kumakain ay nagnanakaw pa rin ng tingin si Maya kay Richard. Kung alam lang nito na ito ang isa sa rason kung bakit siya nagpa-iwan sa Pilipinas.

"Mahirap ba talaga akong mahalin." Sa isip-isip ni Maya.

to be continued...

-roxygirl5-

StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon