PAGKATAPOS ng pagtuturo ko kay Dravis, kaagad akong tumungo sa gym dahil ang sabi nila ay may meeting daw ang lahat. I have no idea, President ako pero bakit mas alam ng secretary namin na si Mitchie? siya ang nag-announce sa group chat ng section namin na pumunta sa gym dahil may meeting.
Hinanap ba ako ng campus president? then they might think that I am an iresponsible president dahil hindi nila ako nakita sa room kanina.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata, kinakalma ang sarili. Mas lalo akong nakaramdam ng inis kay Dravis, this is his fault again!
"Ameyth, dito!" Rinig kong pagtawag ni Jozy mula sa kung saan, nasa isang side pala ang section namin at wala man lang tumawag sa akin nang malampasan ko ito, mabuti na lang at napansin ako ni Jozy.
Si Cyrez at Klent naman ay busy, may pinag-uusapan na hindi ko naman marinig.
Habang naglalakad patungo sa tinabing upuan ni Jozy, nakita ko ang ilang mga kaklase ko na umiirap sa akin. Lalo na ang mga kaibigan ni Mitzi.
The hell with them?
"Alam mo, kaunti na lang talaga at masasabi kong ayaw sa'yo ni Mitchie." Pag-uumpisa ni Jozy nang makaupo ako, kinagat ko ang ibabang labi at nagtatakang tumingin sa kanya.
"When you're near, I could see how she always roll her eyes. Hindi ka rin niya pinapansin, am I right? gosh, that bitch." Ani niya, I didn't mind it. I closed my mouth and keep listening to our principal.
And first of all, even if she doesn't like me, so what? the feelings are mutual. I don't wanna be with cheap people.
"Balita ko, sinundo raw si Dravis ng daddy niya kanina. Kaya pala parang walang maingay na tumutukso sa'yo ngayon." Tumawa ng malakas si Cyrez, wala namang pakialam ang mga tao dahil nakikinig sila.
"Shut up," pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Humagikhik lamang silang tatlo, habang ako naman ay nakikinig lang. I don't give a damn about Darvis, bakit ba nasa usapan namin siya palagi? hindi ko naman gusto ang lalaking iyon.
Walang akong kibo hanggang natapos ang meeting. Ang alam ko, may activity na gagawin ang school namin. A camping, at next week na iyon.
"Omg! I'll prepare now!" Tili ni Klent, excited ito dahil sa nalaman.
Although ang punta naman talaga do'n ay para sa leadership program, ang iba naman ay iniisip ng kung ano.
"Pupunta tayo sa El hamra! omg, diba lugar niyo do'n, Ameyth?" Saka na ako bumalik sa sarili nang marinig ang tanong ni Cyrez habang naglalakad kami patungo sa gate, dahan-dahan naman akong tumango.
Gaga 'to, lugar naman naming lahat.
Part ng El hamra ang bahay namin, pero sa gitna kami ng El hamra tutungo kaya naman malayo pa rin sa bahay. Malaki ang El hamra rito sa Cebu, at malayo talaga ang gitna nito sa amin.
El hamra has a lot to offer, such as beaches, and other good and simple establishments. Unang pasok mo pa lang, masasabi mo na puro sakahan at prutasan ang produkto ng mga tao.
This is also the main reason why I love my town, it feels so home. Ang masagana nitong hangin na masarap damahin, mapa-araw man o gabi.
"El hamra. . . ?" Tanong ni Jozy, naglalakad ito na parang may iniisip ito. Bakit?
"Ah! sa El hamra, naririnig ko 'yan parati kila nanay! may Mayor daw do'n na mabait tsaka gusto talaga ng mga tao. Siya ang nagpapaunlad ng plantation do'n," aniya.
Kumunot ang noo ko, hindi ko iyan narinig
mula kay daddy na mabuti pala ang mayor ng El Ramha."Ah oo, si Mayor Darius! mabuting tao 'yon. Siya iyong parang tatakbong governor sa susunod na election," ani Klent. Tumingin sa akin ang tatlo, wala man lang kasi akong reaksyon sa mayor na iyon.
BINABASA MO ANG
Against the Barrier (COMPLETED)
RomanceIka nga nila ay walang perpekto, pero wala iyan sa isang tulad ni Ameyth Solana Harrier, she was born to bring honor and good picture for her family. As a child, she always look up to her father, a Governor of their province in Cebu. Although as an...