Chapter 1

17 0 0
                                    

"Oh! Bakit nakasimangot ka na naman diyan, nak?" Tanong ni nanay sa akin.

Ngumuso ako at bumaling ulit kay tatay na tumatawa na naman habang umiiling.

"Si tatay kasi, tinutukso na naman ako," sumbong ko.

Tumawa rin si nanay at lumapit sa amin dala ang chocolate cake na ginawa niya. Bigla tuloy akong natakam.

"Totoo rin naman. Dapat kapag tapos na ang retoke, gaganda ka. Ngayon, parang hindi naman. Nagsisi tuloy ako. Siguro dapat sinesante ko 'yong doktor, ano?"

Mas lalong natawa si nanay sa tinuran ni tatay. Kapag ganito talaga ang sinasabi niya, napapaisip talaga ako kung totoo nga ba na pinaretoke ako. Hindi rin imposible dahil sila naman ang nakasaksi sa kung anong nangyari sa akin at iisa lang naman ang sinasabi nila... na grabe raw ang pinsala ng pagkakasagasa sa akin. Kung tutuusin, maaaring totoo nga na pinaretoke ako kung ganoon dahil posibleng nasira talaga ang mukha ko at isa pa, afford naman nila iyon dahil mayaman sila, at... dalawang buwan din akong comatose kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin sa mga panahong iyon. 

Hindi lang ito ang unang beses na tinukso ako ni tatay ng ganito kaya sanay na ako. Hindi rin ako nagagalit dahil alam kung ganito lang talaga siya magmahal sa akin... sa pamamagitan ng panunukso. At hindi rin ito ang unang beses na inisip ko na kung retokada nga ako, iba pala ang mukha ko noon? Posible palang iba ang nagmamay-ari ng mukhang ito?

Naramdaman ko ang magaang kamay ni nanay na humihimas sa braso ko kaya tumingin ako sa kanya.

"Biro lang 'yan ng tatay mo," mahinhin niyang sambit.

Napangiti naman ako dahil doon. Hindi rin ito ang unang beses na sinabi niya iyon sa akin at gaya ng nakasanayan, napapanatag naman ang loob ko.

Tumango ako sa kanya at pansin kong nakalahad na ang kamay ni tatay na may hawak na ng cake na tila binibigay niya iyon sa akin.

"Joke lang, nak. You're always beautiful in our eyes... inside and out," aniya.

Tumawa naman ako at kinuha na ang cake at saka kinagatan iyon. Halos mapapikit ako sa sarap no'n. Hindi talaga nakaka-disappoint si nanay mag-bake. Gusto ko na ring tuloy matuto. Sasabihin ko na talaga siya na magpapaturo ako.

"Salamat at dumating ka sa amin, nak. Always remember that we love you, okay?"

Agad kong pinunasan ang luhang pumatak habang inaalala ang mga kulitan namin noon. Mga panahong ang saya-saya ko dahil nakaramdam ako ng pagmamahal sa kabila ng sitwasyon ko. Hindi naging madali lahat pagkagising ko noon pero dahil sa kanila, nabigyan nila ng kulay ang pangalawang buhay ko. Sila ang tanging tumulong sa akin noon. Lahat ng pangangailangan ko ay binigay nila sa akin. Lahat ng pagmamahal at suporta ay ibinuhos nila sa akin kahit na hindi nila ako kilala at kadugo. Sila ang naging sandalan ko kahit na litong lito ako sa nakapaligid sa akin.

Hindi madali ang lahat. Palagi kong naiisip noon na sana hindi na lang pala ako nagising kung ganito lang din naman. Wala akong maalala kahit katiting na memorya. Kahit ang pagkatao ko ay hindi ko kilala pero hindi nila ako iniwan. Kung tutuusin, pwede na nila akong pabayaan noong pinaospital nila ako pero hindi. Sinigurado nilang mananagot sa batas ang may gawa sa akin nito.

Hinaplos ko ang puntod ng dalawang importanteng tao sa buhay ko. Dalawang taon na ang lumipas mula no'ng iniwan nila ako dahil sa aksidente. Hindi naging madali sa akin iyon. Nagluksa ako. Hindi pa nga ako tuluyang magaling sa aksidente, kinuha na sila sa akin. Isang taon ko silang nakasama at kulang na kulang iyon. Ni hindi man lang ako nakabawi sa kanila.

First Series 1: When Love Lasts [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon