Chapter XVIII - Giant

10.7K 112 6
                                    


🍑🍑🍑

"Kuya! Tagal mong 'di nagpainom ah.."

Rinig ni Chris habang tinutulungan ang kanyang Daddy sa pagluluto ng sangkap para sa sisig mula sa kusina.

Napangiti naman si Armand sa papalapit na kapatid niya. Ang kanyang kuya Cholo naman ay pumunta sa taas para maligo at magpalit ng damit.

"Busy sa presinto tol, sakto kako, holiday naman bukas. Pwede maglasing haha.."

Tumingin naman si Chris sa kanyang tito. Makisig ito, 6 footer din, mas matangkad ng bahagya ang kanyang Daddy. Kamukha ni Armand pero mas balbon, makapal ang kilay, malapad ang dibdib pati ang braso.

"Mano po, tito.."

Lapit niya sa Tito Aries na nagpangiti sa lalaki.

"Anong mano! Pinapatanda mo ko pamangkin eh.."

"Ummpp.."

Sambit ni Aries sabay yakap sa pamangkin. Napasubsob na si Chris sa dibdib ng tito, at bahagya pang napaungol sa higpit ng yakap.

"Hahaha ang cute mo talaga Chris.."

Sabay bitaw ni Aries sa pamangkin at kindat. Hinila naman niya si Armand ng sandali at tila kakausapin. Hindi niya narinig ang pinaguusapan ng dalawa pero kita niya sa gilid ng mata ang panaka-nakang tingin ng kanyang tito at Daddy.

Pagkatapos niyang maghiwa ay inumpisahan na niyang magluto. Mukhang mapapahaba pa ang diskusyon ng dalawa kaya siya ang bahala sa pulutan nila.

Pagkatapos niyang magluto ay nakita niya sa sala ang kanyang Daddy at kuya Cholo, kakwentuhan ang kanyang tito Aries.

Nagtaka naman siya kung bakit ang tagal ng dalawang si kuya Elmer at Charlie gayong nasa harap lang ng bahay ang tindahan.

Sakto papalabas niya sa kusina ay nakita niya papasok ang dalawa kasama si Rodney habang may mga dalang supot. Kumindat pa si Rodney ng makita si Chris. Nagtaka siya ng wala ang papa nito.

Si Rodney ay kaklase at kabarkada ni Charlie. Suki din ng gym at training sa kurso nila Charlie kaya magkasing laki ang katawan. Kung si Charlie ay maamo ang mukha, si Rodney naman ay moreno at mapaglaro ang ekspresyon.

Pero laking gulat niya sa lalaking sunod na pumasok. Tila nagkulang pa ang kanilang pinto sa laki nito. Nanliit naman si Chris ng lumapit siya sa kanila upang tulungan sa mga dala.

"Oy Chris, this is Gregory, you can call him Gori haha. Gori! This is my cute brother, Chris.."

Pa-ingles na pakilala ni Charlie sa bisita.

Si Gregory, black-american, anak ng may-bahay sa kabila nila. Galing ang nanay nito sa America at nakapangasawa ng foreigner doon. Ngunit ng mamatay ang asawa, nagpasya siyang magbakasyon muna dito sa pinas ng mga ilang buwan kasama ang anak na nakuha lahat ng traits sa ama.

May taas na 6'8" foot. Malaki at malaman ang katawan. Dark ang kulay dahil sa nationality ng ama. Malaki ang labi, matangos ang ilong, makapal ang kilay.

"Hi, Chris.."

Nanindig naman ang balahibo niya sa sobrang lalim na accent ng kaharap niya. Tila isa siyang bata sa harap nito at bahagya pang yumuko para iabot ang kamay sa tulalang si Chris.

Nang iabot niya ang kamay, namangha siya sa laki ng palad. Halos doble ito sa kamay niya, at talagang nagcontrast ang kulay ng balat nila. Isang sobrang puti, isang sobrang itim.

"H-Hello, Gori.."

"Dad! Nakita namin tong anak ni aling Flores sa tindahan kaya inaya namin, mukhang wala pang kaibigan dito eh.."

Tumango lang si Armand at nagpakilala sa lenggwaheng ingles. Pati din si Cholo at Aries ay nagpakilala.

"Hello, nice to meet you all.."

Bahagya pang nahiya si Gori at napakamot sa ulo.

"Bakit ang tagal niyo..?"

Tanong ni Cholo kila Elmer at Charlie.

"Eh wala na palang hard drinks kila Rodney eh, nagdrive pa kami sa kanto, tapos pag-uwi naabutan namin tong si Gori tapos inaya na namin din si Rodney hehe.."

Kita naman ni Chris ang pagkalito ni Gori sa mga sinasabi ni Charlie. Natawa pa siya at na-cutan sa kunot ng noo nito. Napatingin naman si Gori sa gilid niya at sa tumatawang paslit.

'This kid is quite cute...and small...'

Isip niya.

"My brother Cholo asks why they take a long time to buy, and my brother Charlie said that there are no hard-drinks in the store so they opt to buy in other place.."

"Ohh.."

Tila naging instant-translator si Chris sa katabing higante.

"Eh ang papa mo Rodney, asan?"

"Galing inuman, tito Mand. Pass daw muna, baka matuluyan na siya sa kakainom hahaha.."

Napatingin naman ulit si Gori kay Chris at mabilis naman niya itong na-translate.

'Translator ata ako ngayong gabi..'

"Oy kayong dalawa, upo kayo dito, ba't nakatayo pa kayo jan. Charlie at Rodney, kunin nyo na pulutan sa kusina, umpisahan na natin haha.."

"Tito Aries, eto nga pala si Elmer, bayaw ko.."

Hinawakan naman ni Chris si Gori sa kamay sabay hatak papunta sa sala na tila bata.

"Gori, don't be shy, let's go.."

🍑🍑🍑

TabooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon