CHRISTIAN LAKE
KANINA pa ako nakangiti dito sa kwarto habang nakahiga at scroll nang scroll sa Instagram. Ini-stalk ko lang naman ngayon ang Instagram account ni Kit Smith.
Lagpas sa 300 ang followers niya, pero dalawa lang ang finollow niya, si Taylor Swift at Hollow Coves. Napunta na rin ako ngayon sa account ng Hollow Coves at isang band pala ito.
Pinakinggan ko ang mga kanta nila sa Spotify at sobrang nagandahan ako dahil sa lamig ng boses ng mga ito at nakaka-in love ang mga kanta nila. Hinayaan ko lang mag play ang kanta nila habang bumalik ako sa Instagram at ini-stalk ulit si Kit.
7 lang ang post niya. Merong picture kasama niya ang mga magulang at ate niya. Meron ding kasama niya ang kanyang ginger cat at ang cute nila na sobrang lapit ng mukha nila sa camera. Meron din ditong mga picture ng trophy na napalunan niya sa football. May picture din siya kasama ng Bravo Team na nakaupo pa sa field at siya lang ang may hawak ng bola.
The rest ay mga picture na niya sa iba't ibang lugar na napuntahan niya. Magaling siya sa photography.
Mayamaya ay napatakip ako sa bibig sa gulat ko nang may bago siyang post ngayon. Tinignan ko ito at kuha niya ito kanina sa sunset na nagbigay ganda sa sports complex. Binasa ko ang caption niya.
i feel complete
"Ahhhhh..." napasigaw ako dahil umiral na naman ang pagiging delulu ko na kaya niya ito nasabi sa post dahil maging bahagi na ako ng team nila.
Sa sobrang likot ko dito sa kama ay bigla ko nalang naclick ang heart sa post niya, nang namalayan ko 'yon ay nanlaki ang mga mata ko. "Oh shit, baka malaman niyang ini-stalk ko siya..." kabadong-kabado ako habang balak ko tanggalin ang heart.
Ngunit natigilan ako nang biglang nag notif ang Instagram at lalong bumibilis ang tibok ng puso ko ngayon na parang pinaghalong kaba at tuwa nang makita ang pangalan niyang nag pop up sa screen.
Kit Smith
Hi
Lalo akong nagwala ngayon sa loob ng kwarto ko, sa sobrang kilig ko ay hinahampas-hampas ko pa ang unan at sumisipa sa kama. "Ahhhhh wait kinikilig akooo!!!" Halos hindi ako mapakali
"Taika anong sasabihin ko? Kumain na ba siya? Or anong ginagawa niya?" Tumigil ako sa pag-iisip nang alam ko na anong i-reply ko.
christian.lake
hikit.smith
kumusta?christian.lake
ito masayakit.smith
why? pwede ko ba malaman?christian.lake
kasi okay lang sakanila ni mama na nasa training ako ng football, pero hindi ko naman sinabi na dahil punishment ko kay sir hahakit.smith
buti naman kung ganon, napaisip talaga ako kanina na baka hindi mo magustohan ang football at magalit ka sakinchristian.lake
hindi ah hindi ako galit nagpasalamat nga ako sayo dahil pinagtanggol mo ako kanina, at hindi mo hinayaang bumagsak akoayos narin yong pinasok mo ako sa football para maka explore ako ng new things
uy ang ganda ng music taste mo, background music ko ngayon ang kanta ng hollow coves eh
YOU ARE READING
Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2
RomanceChristian struggled to come out as a bisexual, he kept it hidden and pretend straight. Despite of that he sometimes commit in long distance relationship with other bisexuals, but always end up in break up. Until he meet Kit, one of the best football...