"He's cold-blooded, manipulative, and savage . . ."
"Hold up!" pigil ni Eugene sa pagbabasa ni Divine. "He's a what?"
"Cold-blooded, manipulative, and savage," firm na sagot ni Divine. Tinitigan naman siyang maigi ni Eugene para magtanong kung tama ba ito ng narinig.
Saglit na namayani ang katahimikan sa dalawa. Titig na titig sa isa't isa para intindihin ang topic na nakalatag.
May binasang libro si Divine at nakukuwento niya sa asawang si Eugene ang plot ng istorya. Mahilig magbasa ang dalawa, at may pinabasa kay Divine ang kaklase nito na gusto rin niyang ipabasa sa asawa. Iyon nga lang, mukhang magkakaproblema sila sa tema n'on.
"So you want me to read that story about a cold-blooded, manipulative, and savage man," ulit ni Eugene, turo-turo ang librong hawak ni Divine.
"Uh-huh?"
"The plot is about?"
"The plot is about the girl na ikinulong sa basement—"
"Whoah! Wait, ikinulong sa basement?" gulat na tanong ni Eugene.
"Yeah. Ikinulong siya sa basement ng oh-so-hot and sexy guy na neighbor niya. Tapos parang ginawa siyang sex slave, and slowly, na-in love si girl kay sexy guy. And nagpakasal sila sa Maldives."
Nanliliit ang nanunukat na tingin ni Eugene kay Divine na nakangiti lang sa kanya para kumbinsihin siyang basahin ang binasa nito.
"Ikinulong siya sa basement . . . at nagpakasal sila sa Maldives . . ." Tumango-tango pa si Eugene na nagdududa ang tingin. "That's a shady plot."
"But the male lead is hot."
"And?"
"And sexy."
"And?"
"And may basement siya."
"That was the shady part of the lineup."
"Naiinggit ka ba kasi wala kang basement?" tanong pa ni Divine kaya lalong bumagsak ang mood ni Eugene.
"Bakit ko kailangan ng basement kung nasa condo tayo?" tanong ni Eugene.
"Having a basement means having good storage," depensa ni Divine, may pa-hand movements pa.
"Having a good place to keep a kidnapping victim, that's the exact meaning of your words."
"Pero ikinasal naman sila!"
"But marriage didn't and will never change the fact that the guy did something gruesome to the girl."
"But that's the point!" tili ni Divine. "Kaya nga nandito sa blurb nakalagay na 'That's the thing about monsters. They always chase.' They are required to be gruesome."
"And why do we have to glorify the idea of gruesomeness, anyway?"
"Basahin mo na lang saka mo ako pagalitan," pagsuko ni Divine. "Pero crush ko pa rin yung male lead diyan."
"Fine," pagsuko na rin ni Eugene at kinuha na ang librong kanina pa kinakatok ni Divine habang nakikipagtalo sa kanya.
Tatlong oras lang ang inabot para mabasa ni Eugene ang laman ng libro, at bored na bored ang itsura niya nang itaas ang hawak para ipakita kay Divine. Nakaupo lang ang asawa niya sa sofa habang nanonood ng series sa laptop. May kandong-kandong itong unan at namamapak ng fresh strawberries.
"Tapos mo na?" nakangiting tanong ni Divine.
"Yeah, kaya pagagalitan na kita."
"Hala!" Nawala tuloy ang ngiti sa labi ng babae.
"This should be banned in public," sabi ni Eugene at ibinagsak ang libro sa couch.
"Hey! Why naman?" gulat na tanong ni Divine.
"Criminal ang male lead na hindi lang nahuli. Nagkaroon ng Stockholm Syndrome ang girl and everything is just romanticized kahit na coping mechanism lang ang na-develop na feelings sa kanya." Naupo sa tabi ni Divine si Eugene at sinilip ng lalaki ang nasa screen ng laptop. "And now you're watching Criminal Minds."
"Cool naman, a?"
"Are you planning something evil?" tanong pa ni Eugene nang harapin si Divine.
"Hehehe." Ang lapad agad ng ngisi ni Divine kaya lalong naghinala si Eugene.
"Stop ka na sa mga yan. Manood ka na lang ng Barbie Compilations."
"Barbie?!" di-inaasahang tanong ni Divine.
"Yeah. It somehow promotes women empowerment—"
"And so is Criminal Minds."
"Darling, Criminal Minds is Criminal Minds," depensa ni Eugene. "You shouldn't take the glass half-full if it has poison, okay?"
"But Barbie?" pangunguwestiyon ni Divine. "Did you know anything about Barbie Doll Syndrome? May psychological effects ang exposure kay Barbie at nakaka-affect 'yon sa selfesteem and risk sa sexual behavior ng girls."
"So, walang psychological effects sa 'yo ang Criminal Minds and that traumatic book?"
"I'm just appreciating literature."
"Selective ka."
"Judger ka."
"Watch and read something else na hindi about sa may pinapatay, kini-kidnap, o sa dumaranas ng abuse and violence, please. Paano ka maghi-heal kung wala kang ibinibigay na space to heal your trauma?"
Biglang lumapad ang ngisi ni Divine nang maglambing sa asawa. Niyakap pa niya ang kaliwang braso ni Eugene at inuntog-untog ang ulo sa kanto ng balikat nito.
"Sige, hindi na 'ko manonood," sabi pa ni Divine.
"Good."
"Pero may condition."
"Condition na what?"
Itinuro ni Divine ang librong nasa kabilang sofa. "Crush ko kasi talaga yung bida doon, e."
"And?"
"Kunwari ikaw yung bida, tapos kunwari kini-kidnap mo 'ko."
"Oh my god," bulong ni Eugene at napasapo na agad ng noo.
"One week lang! Tapos hindi na ako manonood ng Criminal Minds."
"No."
"Yes."
"No."
"Yes."
"No."
"Sigi naaaaa . . ."
"No. That's crime."
"Bahala ka diyan, manonood pa rin ako ng Criminal Minds."
♥♥♥
Kung gustong makabasa ng SPOILERS, join lang sa aking Telegram channel: t.me/TambayanNiLena
BINABASA MO ANG
Good Boy's Dilemma
Short StoryCalm, proper, and respected. Mahirap pintasan si Eugene Scott bilang taong nabubuhay sa daigdig. Pero isang dark romance novel lang ang katapat ng perfect façade niya para hindi siya ituring ni Mary Divine Lee-Scott bilang perfect man of her dreams...