Chapter 12: Hallucinations

553 40 0
                                    


Wala pa ring tila ang ulan.

Alas-otso pa lang, naghahanda na si Eugene para sa online meeting niya. Nag-set pa siya ng buhok na maayos ang pagkakasuklay. Naglapat ng lip balm para hindi siya mukhang natutuyuan ng labi. Inayos pa niya ang lampshade sa white light mula sa yellow light para mas maliwanag. Nakasuot pa siya ng white button-down shirt na nakabukas ang dalawang butones sa itaas habang nakatupi ang manggas hanggang siko, at boxer shorts sa ibaba.

Wala pang alas-nuwebe, maingay na sa kuwarto niya dahil nagsimula na ang meeting nila. Online din ang karamihan sa kanila, kahit ang employees nilang naka-work-from-home setup. Ang iba naman ay nasa corporate building nila at nasa conference room.

Nakaharap si Eugene sa malaking screen ng pc niya habang may laptop naman sa kaliwang gilid ng table.

"Patingin nga ulit ng dashboard," sabi ni Eugene habang nire-review sa kabilang laptop ang soft copy ng reports na ipinasa sa kanila para i-review din. "Sir Nick, na-review mo na ba 'to?"

"Not yet, sir," sagot ng tinanong niya. "Today sana pero hindi na ako nakapunta ng office."

"Paki-double check ng chart sa page 18. Hindi siya nagma-match dito sa report ni Rita," paalala ni Eugene habang iniisa-isa ang tabs sa screen niya. "Rita?"

"Yes, Sir Gene?"

"Na-coordinate mo ba 'to sa SMM?"

"Yes, sir. Papasok daw po sana ngayon sa office si Ma'am Sharee kaso na-stuck daw sa traffic kasi lubog ang daan."

"Hmm." Napapaling ang nguso ni Eugene sa kanan at inisip kung paano ba sila makakapag-proceed sa meeting dahil may ilan sa kanilang late sa meeting at naabutan ng baha sa daan. "Paki-bookmark naman nito, please. Paki-revise bago i-forward sa office ni Mr. Mendoza. Pagagalitan tayo niyan, hindi nagma-match ang records sa ibang department."

"Noted, sir," tugon ni Rita.

"Jordan?" tawag niya sa secretary.

"Yes, sir?"

"Paki-follow up nitong revision sa department nina Miss Cuevas, then pahingi ako ng copy para ma-review ko muna. Kailan ulit ang meeting with Sir Clark and Sir Leo?" tanong ni Eugene.

"Ngayong Friday, sir," halos sabay-sabay na tugon ng mga ka-meeting niya.

"Friday, okay. Pero may meeting sila today, right?" paninigurado niya.

"Yes, sir," sagot ni Jordan. "Sa executives ng Abijah Land."

"I see. Sige, moving on. Next slide." Nag-mute muna si Eugene at pagkababa ng kamay na nasa laptop, nahagip ng tingin niya si Divine na nakahiga sa gilid ng kama na katabi niya. Naglapat ito ng palad habang nakatingin sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay nito at nilaro-laro ang ilang daliri ng asawa habang nasa gitna siya ng meeting.

Tuwing Martes, isa lang ang klase niya sa LNU at sa mga first year naman iyon. Pagkatapos ng klase, deretso na siya sa corporate building para naman sa role niya bilang CFO ng financial technology company nila na subsidiary ng Golden Seals, ang company na pagmamay-ari ng ama at ninong niya. Ang GS Agencia ay founded ni Clark Mendoza na expert pagdating sa e-commerce; at kung ito ang inilatag na option ni Divine para magturo ng E-Commerce sa LNU para palitan ang prof ngayon sa course na iyon, hindi na siya magtataka kung bakit ang bilis makinig dito ng mga superior sa university kung saan siya nagtuturo.

Maliban sa MBA sa dulo ng pangalan ni Eugene, advantage niya kaya siya natanggap bilang professor ay ang corporate experience niya. Walang maipipintas ang faculty ng CBA sa kanya dahil may mailalatag siyang mga karapatan para magturo sa subjects niya. Kaya kahit paano, alam niyang maliligtas siya sa "secret evaluation" na manggagaling mula sa asawa niya kapag nagpasa na naman ito ng report sa Office of the President ng school sa susunod na buwan.

Good Boy's DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon