PROLOGUE

52 5 0
                                    

"ANG kj mo talaga Jas! Sumama kana kase!"

Hindi ako nagpatinag. Inabala ko ang sarili sa paglagay ng make up sa mukha. Bumuga ako ng marahas na hangin at hinarap si Alana.

"A.yo.ko." I smiled sweetly at her.

She stumped her feet on the floor. "Tsk. Ano bang pinag aawayan niyo ni  Zach? Itabi niyo muna 'yan. Birthday ni Indigo ngayon tapos ganyan kayo?"

"Siya ang nauna, Lana. May date ako that time at 'yong gagong 'yon biglang sumulpot nalang bigla. At ang masaklap pa doon bigla niyang kwinelyuhan si Ashton. Ok na sana, e! Gago talaga. Wala ng ginawang tama."

"Iyon lang naman pala. Hayaan mo na. Bakit? Inayawan kaba no'ng Ashton na 'yon?" Aniya at umupo sa kulay berde kong kama.

Umiling si ako. Maayos pa naman kami ni Ashton ngayon. Mabuti nalang ay hindi niya pinatulan si Zach. Bilang kapalit, pinangako ko ang isang date. Which is ngayon, at ngayon rin ang birthday ni Indigo, ang isa naming kaibigang babae. Hindi ko kayang hindian ang party ni Indigo pero mas lalong hindi ko maisasantabi ang date na pinangako ko ay Ashton.

"So, anong balak mo? Ipagpapalit mo 'yang Ashton mo na iyan kaysa samin? Tangina Jas?" Nakabusangot na umalis sa loob ng kwarto niya si Lana. She's pissed, i know.

I let a deep sighed. Tinignan ko ang sariling repleksyon sa bilugan salamin. Inisip kong magagalit si Indigo kapag hindi ako sumipot. Pero mas naiisip ko ang mararamdaman ni Ashton kung sakaling hindi ako tumupad.

I frowned. Hindi naman kami gaanong ka close ni Zach kaya nagulat ako ng bigla nalang siyang sumulpot sa Hotel Royal ng gabing iyon.

Drunken Make Out Where stories live. Discover now