CHAPTER 5

19 0 0
                                    

Mabilis lang na natapos yung klase namin dahil tatlong subject lang naman kami every friday. Pinauna ko na ring umuwi si Rylee kahit pa halata sa mukha niya yung pagkadismaya na hindi siya pwedeng makisali sa meeting namin.

Masyado kasi siyang nasanay na nakakasali siya parati sa amin ng mga kaklase ko eh, natapat na napunta ako sa grupo ni pres na walang may nagtatangkang magreklamo sa mga sinasabi hahahah.

Dati-rati naman hindi kami ganito kung mag-meeting kapag may groupings, kaso feasib na kasi 'to kaya kailangan na rin talagang maging hands on.

"Group 1!" agad kong narinig yung malakas na boses ni Josh kaya lumapit na rin ako sa tumpukan nilang tatlo ni Jai at ni pres.

"Present!" nakangiting saad din ni Madie papalapit sa gawi namin.

"Hi, groupmates!" nakangiting bungad naman sa amin ni Jai, na sinuklian ko lang ng isang tipid na ngiti.

"So, since we're all here, let's start?" agad na nabaling ang atensyon namin kay pres nang magsalita ito.

"Sure!" sabay na namang sagot ni Madie at ni Josh kaya lihim na naman akong napangiti.

"As I've search last night, I think cafe will be one of the best option here. Specifically, near our University since we only have here fastfood chains and samgyupsal,"

"I agree pres, bibihira lang dito yung cafe kaya ang mamahal, like presyong Starbucks pero yung quality naman, hayy!" dagdag din ni Madie.

"Ako naman, ang una ko lang naisip is apartment, kaso bukod sa marami naman na niyan dito, pano naman tayo magpapa-food sample niyan," natatawang saad naman ni Jai.

"Tama! Kailangan yung makakapag-sample manlang tayo ng kahit na isang klase lang ng food at ng beverage. Kaya nga yung isu-suggest ko sana restobar ehh," hindi na nga namin napigilang matawa dahil sa sinabing yun ni Josh.

"Speaking of, may bagong bukas na restobar sa malapit ahh," biglang sabi naman ni Madie nang saglit kaming matahimik.

"Tara, punta tayo!" agad namang sagot ni Josh.

"Not yet," pagpigil naman ni pres sa usapan nilang dalawa.

"Later nalang daw guys, after meeting," natatawang saad naman ni Jai.

"So, what do you think is the best option?" pagbabalik topic naman ni pres.

"Cafe," agad namang sagot ni Madie.

"Yeah, I'll go with cafe too," dagdag pa ni Jai.

"Uhm, I think cafe is a good choice but I think, it would be better if we add a little twist?" sabay-sabay namang nabaling ang atensyon nila sa 'kin dahil sa sinabi ko.

Pati ako nagulat sa pa-English ko eh HAHAHAH nakakahawa si pres! Paniguradong hindi maniniwala si Rylee kapag kinwento ko 'to sakaniya.

"I mean, pwedeng cafe yung gawin nating business. Pero hindi siya yung typical na cafe na kakainan lang then, pagtapos, wala na. Pwede rin siguro nating i-propose yung tipo ng cafe na pwedeng maglaro ng boardgames while waiting for their order or while eating," dagdag ko pa.

Tila pinoproseso pa nila yung mga sinabi ko nang magsalita si pres.

"I think that's a good idea," hindi man siya nakangiti pero kitang-kita ko yung pagliwanag ng mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Pero paano kapag ginawa nalang tambayan yung cafe dahil sa offer nating boardgames?" agad din namang tanong ni Madie.

"Dapat may charge," dagdag din ni Jai.

"Para maiwasan yung ganyan, pagkabigay ng order sakanila, bibigyan lang natin sila ng isang oras para matapos yung pagkain nila. Kapag naman nagpa-add pa sila ng foods, mag-aadd din tayo ng another 10-20 minutes, depende sa order nila. At kapag lumagpas sila sa oras nila, tsaka tayo maniningil ng charge per hour," pagpapaliwanag ko naman.

Against All OddsWhere stories live. Discover now