Baby
Napansin ni Ma'am iyon, kaya agad niyang inilagay ang baso sa lababo pagkatapos uminom.
"Pero kailangan mong magpahinga kaya pumunta ka na sa kuwarto mo, Zaichen. Bago na iyong ilang gamit roon, at iyong iba'y napalabhan ko kahapon."
Ramdam kong ayaw niya pang umalis, pero napilitan dahil sa tono ni Ma'am She.
"Okay po, Ninang." sagot niya at mabilis na ininom ang kape.
"What the f*ck-"
Nagulat ako't palihim na natawa nang bigla niyang maibugso sa lababo ang ininom niya. Mabuting malapit siya sa lababo kung hindi, siguradong sa sahig siya nagkalat!
"Oh, ayos ka lang? Ito, tubig. Bakit mo naman kasi ininom e alam mong mainit." si Tita habang binibigyan siya ng inumin.
Mabilis niya itong ininom at hindi pinansin ang tanong ni Ma'am She, dahil kaagad niya akong tinapunan ng masamang tingin.
"What are you laughing at?" pagalit niyang tanong at hindi maalis ang tingin sa akin.
"Ha? ako? Tinatawanan ka? Hindi ah!" paliwanag ko habang tumatawa sa loob-looban ko.
"Yes, you are-"
"Hep! Tama na. Sige na, Zaichen pumunta ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka."
"Okay po." aniya at mabilis naglakad habang masama pa rin ang tingin sa akin.
Napalunok ako't napatingin kay Ma'am She na binuksan ang faucet para maanod iyong binugso ni Anz.
"Pagpasensiyahan mo na iyong inaanak ko, Kezzrah. Hindi naman iyon masungit. Baka may gusto lang sa 'yo kaya ayaw niyang mapahiya sa harap mo."
Nakangiti si Ma'am habang nakatingin sa akin. Hindi ako nakaimik.
"Ikaw, hija, anong first impression mo sa inaanak ko? At, wala ka bang naramdaman?"
Napalunok ako. "N-Naramdaman po? A-Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko na nakapagpangisi kay Ma'am She.
"Hindi ba bumilis ang tibok ng puso mo? Hindi ka ba naguwapuhan sa kaniya? Hindi ba umepekto ang karisma niya sa 'yo? Sa reaksyon mo ngayon, masasabi kong oo. May gusto ko sa inaanak ko, Kezzrah."
Napalaki ang aking mga mata, pero bigla akong nagtaka nang tumawa si Ma'am She.
"Biro lang Kezzrah, ang seryoso mo kasi. Sige, maiwan na kita dito, hija."
Natulala ako. Akala ko totoo 'yong sinabi ni Ma'am She! Pero, hindi nga ba?
Napailing ako't nag-focus na lamang sa mga gagawin.
Inilalagay ko na sa lamesa ang naluto ko nang dumating si Manang Pina.
"Naku ineng, pasensya na't medyo natagalan ako. Ikaw tuloy nagluto lahat ng ito. Napuyat kasi ako kagabi dahil sa mga anak ko."
Nagtaka ako sa sinabi ni Manang. Akala ko dito siya natulog. Ah, baka hindi na nailock kanina nang dumating sina Anz.
"Naku, ayos lang po iyon Manang. Sanay na sanay na po ako sa mga gawaing bahay."
Ngumiti si Manang.
"Salamat, ineng. Napakasipag mong bata. Sana tulad ka rin ng mga anak ko."
Batid ko ang lungkot sa boses at mukha ni Manang.
"Manang, kung hindi niyo po mamarapatin, ah, k-kumusta po kayo ng pamilya niyo?" tanong ko na lalong nagpalungkot kay Manang.
![](https://img.wattpad.com/cover/350968323-288-k14018.jpg)
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsiyana Series 1)
RomanceUNDER REVISION Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley Land...