Kaming mga Grade 10 students ay naghahanda na para sa moving up ceremony. Dalawang linggo na lang moving up na. Ang ila'y nagpagupit ng buhok para maging presentable, lalo na ang mga lalaki. Nagpa-rebond o nagpakulot naman ang mga babae at bumibili ng mga gamit na gagamitin sa moving up at iba pang klaseng paghahanda.
Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa gymnasium ng school. Dito kami laging nagla-lunch. Bakit dito? Kasi trip namin. At saka, we own this court. Varsity players kaya kami. Not to mention, we have won a lot of games for this school.
“Akalain niyo 'yun, graduating na tayo,” natatawang ani Caesar with matching iling-iling pa habang hinihigop ang natitirang laman ng Dutch Mill niya.
“Ungas! Hindi pa tayo graduating, moving up pa lang para sa senior high. Magkaiba ang moving up sa graduation, okay?” Darren deadpanned at him. Ang suplado naman nito. Sana iniwan na lang namin siyang tulog sa rooftop, o 'di kaya hinulog nang tuluyan sa rooftop. PFFT—
“BWAHAHAHAHA!” bulalas namin ng tawa ni Connor.
“Adik 'tong mga 'to. Pareho lang naman 'yun, eh,” rinig kong bulong nito at medyo umirap pa sa hangin. Kung 'di ko lang 'to kaibigan malamang ay napagkamalan ko na siyang bakla. Well, kung bakla nga siya, friend ko pa rin siya. Hindi ako homophobic, okay?
“Pero at least, naka-date na natin ang iba't ibang klase ng girls, 'di ba?” anang Caesar. Lahat kami—liban pala sa isa ay natawa ng bahagya.
Umiling-iling si Darren, “'Wag niyo akong itulad sa inyo.”
“We get it, bro. Di mo na kailangang ipamukha na loyal ka riyan sa crush mong non-existent,” ani Connor na natatawa pa. Well, totoo namang may crush na ang loko, 'yun lang 'di namin alam kung sino. Which makes us think na baka anime girl lang naman.
“Nag-e-exist siya, baliw!” depensa ni Darren at mahinang sinuntok ang balikat ng isa.
“Whatever you say!” Connor remarked as if surrendering.
“Anyway, we better get ourselves girlfriends, since senior high will be a big bitch on us,” saad ni Connor na may plain expression. 'Di ko matansya kung nagbibiro siya o seryoso talaga siya.
“May nagugustuhan na ako,” mahina pero seryosong anang Caesar. Medyo ngumiti pa siya at binuksan ang isa pang Dutch Mill juice drink niya.
“Sino? Utol ko bang si Nicky?” tanong ko sa kanya na nakatuon ang tingin sa kanya lang. Alam ko namang may pagtingin siya sa kakambal ko.
[A/N: Nicky Li or Li Jia Qi the Chinese actress who portrayed Xiao Yu in Meteor Garden 2018]
Ngumiti pa ang loko, “Maganda naman siya, ah?”
I chuckled, “Yeah, right? Hinawakan mo nang pasadya ang hinaharap niya.”
Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglaki ng mga mata nina Darren at Connor. At ito namang si Caesar namula ang mukha, “H-hindi 'yun sadya!”
I scoffed, “Like I'd believe you. She told me na parang pinipisil mo ang mga 'yon,” matalas akong nakatingin sa kanya na parang kaunti na lang bubulagta na siya.
This little perverted jerk!
“I—uhh—bakit niya naman niya ikukwento sa 'yo yan?” pag-iiba niya ng usapan at pinanliitan pa ako ng mga mata.
“Kasi ako ang kapatid ni Nicky, 'di ba obvious sa 'yo?” taas kilay kong tanong.
“Kalmahan mo, P're. Mababasag mo na ang mukha, oh” saad ni Connor.
Umupo muna ako sa bleachers at inalis na tingin kay Caesar. Palalagpasin ko muna ang ginawa sa kapatid ko. Pero kung may gagawin siyang hindi maganda kay Nicky, uuwi siya nang walang ulo.
YOU ARE READING
168 Hours
FanfictionPlayboy and quirky Dylan Wang made a bet with his friends on making a mute girl, Yue, confess to him within 7 days. Will he make it? Or he will end up falling in love with her?