4. Her new miserable and 'sweet' life

8 4 6
                                    

Nasaan ang katawan ko?!

Shuta! Kaya ba n'ong maglakad?!

Paikot-ikot ako sa kwarto. Lahat ng sulok, sinilip ko. Hawak ko ang isang kandila para sa liwanag pero olats! Wala ang katawan ko!

I didn't sign up for this life!

Una, nonconsensual ang pagiging manananggal ko.

Pangalawa, nilayasan pa ako ng katawan ko.

Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko. Dumudoble ang rates ng heart beat ko. Parang ngayon ko pa mararanasan ang resulta ng araw-araw kong pagkain ng balut.

Jusmiyo!

Pumasok ang hangin sa loob ng kwarto.

"Achoo!"

Ba't ba puro alikabok ang nandito?! Hindi ba 'to nalinisan ni lola- Ohh!

Abo niya pala 'to.

Wala na akong pake kung sumama ang butil ng abo niya sa hangin. Bukod sa kaba, mukhang nag-iinit din ang puso at ulo ko sa galit.

Lalabas na sana ako nang may maramdaman akong kakaiba. Mayroong malamig na matalim ang halos bumaon sa batok ko.

Hindi ko namalayan na humaba ang kuko at kinalmot ko ang kung sinumang pangit na nasa likuran ko.

Wow. Ang ganda ng nails ko. Hindi ko na kailangan magpa-gel extension.

"Kahit kailan talaga, napaka-wild mo," halatang pilyo ang may-ari ng boses. Malamig pa at malalim. Tunog pa lang, gwapo na.

Sana boses na lang siya.

Pero hindi ito ang tamang oras para kiligin.

Wala yatang balak na bigyan ako ng ka-loveteam. KJ!

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Humarap ako sa kanya dahil gusto kong maki-chismis. Una, para makita kung ano ang sinasabi niya. Pangalawa, gusto kong kumpirmahin kung pantay ba ang kagwapuhan ng boses at mukha niya.

Pun-

Ay, nakatalikod siya sa liwanag kaya hindi ko makita ang itsura niya. Kinuha ko ang kandila at hinarap sa kanya.

Imbis na sa mukha ang focus ng paningin ko, nasa tabi niya.

"Subukan mong saktan ako, lalagyan ko ng asin ang katawan mo!"

Binato ko sa kanya ang kandila. Aba, nakailag pa.

Napunta sa kurtina ang apoy. Kumalat tuloy at...

"Gaga ka! Ba't ka ba umilag?! Mawawalan tuloy ako ng bahay!"

"Eh, babatuhin mo ko, eh! Ayoko namang mapaso. 'Saka, ako ba ang nambato?! Ba't mo ko sinisisi?!"

Edi kasalanan na lang ng lola ko! Shunga siya. Ba't hindi siya nagpakabit ng kuryente sa Meralco?! Nagtiyaga pa tuloy siyang mag-ritual na may kandila eh napapalibutan yung kwarto ng mahahabang kurtina.

Ano ba yan. Ang gandang lola sana kaso tatanga-tanga.

Buti pa ako, maganda.

Nagliwanag ang kwarto dahil sa pagkalat ng apoy. Nakita ko na nang malinaw ang mukha ng nangho-hostage sa katawan ko!

Lintek.

Naka-soldier's cut ang lalaki at naka-asul na polo shirt at camouflage print na cargo shorts. Tapos black boots.

Wow. May time pa akong tumingin sa fashion sense niya.

Pero mukhang pulis ang isang 'to.

Shuta. Tinotokhang ba ako ngayon?!

Half Gone MissingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon