Chapter 42

4.7K 73 2
                                    

After 3 years. . 

"Oh napili mo na ba toys mo na dadalhin kila Wowa?" tanong ko sa anak ko. Birthday kasi ni Mommy Beth sa makalawa kaya nakiusap silang pumunta kami doon.

"Yes Mommy! Nasa bag ko na iyon" sagot nito

Tatlong taon pa lang si Raze pero diretso na sya magsalita. Bumalik na ulit kami dito sa Manila at nakatira sa nabili naming bahay nila Faith. Napagdesisyunan kasi naming apat na bumili nalang ng bahay at magsama sama ulit. Iyon ang gusto nina Faith at Zea dahil gusto daw nilang nakikita palagi ang anak ko. Kami ni Aize ay napagdesisyunang magtayo ng isang Frappe House. Sila Faith at Zea ay doon padin nagtatrabaho sa dati.

Bumukas ang pinto at pumasok si Zea na nakabihis na din. Isasama siya ni Blair. Napag-alaman kong hindi pala ito ang unang beses na pumunta siya sa Tagaytay. Dinadala na pala siya doon noon pa. "Ay ang gwapo naman talaga ng pamangkin ko oh." Lumapit siya kay Raze saka ito kinarga at hinalikan. "Andyan na si Blair"

Tumayo si Blair ng makitang pababa na kami "Ayos na lahat?" tumango ako

"Bye tita dyosa! Bye tita faith!" paalam ni Raze

"O behave ka dun ha? Wag malikot!" natatawang paalala ni Faith.

"Opo!" ngiti nito

"Ingat kayo" ani Aize

Mabilis ang naging byahe dahil walang traffic kaya maaga kaming nakarating sa bahay nila. Nang makababa kami sa kotse ay dumiretso agad kaming pumasok, karga ni Blair si Raze.

"BRIE!!!"

"Omygosh Kane?" lumapit ako sakanya saka ko siya niyakap.

"Namiss mo ako no? Halata e. Higpit ng yakap mo! Hahaha"

Kumalas ako sa pagkakayap "Sorry! Long time no see! Kelan ka pa umuwi?"

"Kahapon lang" ngiti nito

"Mommy!" napatingin si Kane sa tumawag saakin

"Siya na yung baby mo?"  sasagot palang sana ako kaso naputol ito ni Blair "Yup! Laki na no? Hahaha"

"Damn! Ang gwapo ng anak mo Brie ha!"

"Nasa lahi naman namin ang gwapo't maganda kaya wag kanang magtaka Kane" ngising sabi ni Zea

"Oh Hi Zea! Ilang years na kayo ni Blair? At sorry nasa lahi din namin ang gwapo eh"

"We're just friends!"

"Oh Brie! Nandito na pala kayo" lumapit sakin si Mommy Beth at niyakap ako saka hinalikan sa pisngi "Happy birthday Mommy!"

"Naku sa susunod na araw pa excited ka masyado Hahaha"

"Eh syempre po!"

"Oh hello Zea" ngiti nito saka niyakap din si Zea

"Hi Tita Happy birthday"

"Thank you. Nasaan ang anak mo Brie?"

"Nan-" tumingin ako at nakitang wala na sina Kane, Blair at anak ko "Naku! Baka po kinuha nina Blair"

"Tsktsk. Wag mong inilalapit ang anak mo sa mga yon. Baka matutong mambabae" at nagtawanan kaming tatlo.

Kinabukasan ay abala na sa pag-aayos sa garden.Inaayos na nila ngayon para bukas ay wala na masyadong gagawin. Tumulong na din kami ni Zea sa pag-aayos.

When He ReturnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon