Chapter 38

3.8K 58 1
                                    

Number 2: Reminiscing the good times

 

"Oh namimiss mo siya?" agad kong inexit ang gallery ko. "Sus nakita ko na tinitignan mo ang picture niyong dalawa. Oh eto yung Strawberry mo nandyan na din ang cheez whiz. Hay! Kadiri. Strawberry saka cheez whiz!"

"Masarap kaya!"

"Ibang klase ka maglihi babes" kinuha nya ang phone ko bigla.

 "Huy akin na nga yan!" pero hindi niya binigay. Tumitig siya ng ilang sandal doon saka bumaling saakin.

"May hawig pala kayo ano? Sabi nila pag magkahawig ay meant to be daw talaga."

Umirap ako at hinablot ang phone ko "Hindi totoo yun. Sabi sabi"

"Totoo yun no!" humiga siya sa sofa ako naman ay nanatiling nakaupo sa beanbag na binili namin nung isang araw.

"Suus!" tumayo ako at pumunta sa kitchen upang hugasan ang strawberry. Natatakam na ako!

"Pero namimiss mo siya?" rinig kong sabi niya.

Wala namang masama kung umamin ako saka isa pa alam nilang mahal ko pa siya "Magsisinungaling ako pag sinabi kong hindi ko na siya mahal" umupo muli ako sa beanbag at sinimulang kainin ang strawberry  na may cheez whiz deep. Yuuum *o*

"Ang gago din niya kasi. Hay sana matauhan siya"

"K-kamusta na kaya siya ano? Nakapasa kasi siya sa board exam niya? Engineer na siguro siya ngayon"

"Sabi ni Zea nakapasa nga daw siya"

Nagulat naman ako "May balita kayo sakanya?" ngunit umiling lang siya.

"Wala sinabi lang daw ni Blair sakanya. Wala na nga din Ig account si Ryley eh. Dinelete na din niya"

"Ang sarap lang i- reminisce yung mga good memories namin noon pero may parte padin sa puso ko na masakit kapag naaalala ang mga iyon." Nanatili siyang tahimik "Gusto ko magmove on pero masakit"

"Huwag mong pilitin ang sarili mong magmove on agad, lalo ka lang masasaktan. Been there done that"

"I know. Kaya nga uunti untiin ko"

"Pero parang imposible lalo't may anak siya sayo"

Natawa ako pero pumiyok dahil nagbabadya na ang mga luha ko. Damn tears! Patuloy padin ako sa pagkain ng strawberry "Gago k-kasi yon eh. Inanakan ako ng hindi man lang nagsabi sakin. Sana man lang sinabi niyang pinutok niya para napaghandaan ko ang pag-alis niya kasabay ang pagkakaalam na buntis pala ako. Asshole"

Tumagilid siya upang makaharap ako "Well siya naman ang nawalan. Hayaan mo na. Kung kayo ay kayo talaga. Punasan mo nga yang luha mo babes. Naku ikaw talaga. Sinabi ng wag iiyak dahil baka maging iyakin yang baby mo eh"

Natawa ako "Aye Aye Tita Dyosa! You want?" Nakita ko ang pandidiri sa mukha niya. "No thanks! May cheez whiz na lahat yan oh"

Alas dose na ng medaling araw pero hindi padin ako makatulog. Nagkicrave talaga ako! Hindi ko na matiis kaya tumayo ako at pumasok sa kwarto ni Aize para gisingin siya.

"Aize" pag-alog ko sakanya "Uy Aize gising!"

"Hmmm?"

"Samahan mo ko bumili"

"Gabi na sarado na lahat"

"Gising na kasi"

"Hmm"

"Nakakatikim ako ng makopa! Aize naman" inalog alog ko na siya

"Ano?"

When He ReturnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon