"Okay! And..... Cut!" Sigaw ng direktor na puno ng kasiyahan. "That's a wrap everyone. Tapos na tayo."Nang marinig iyon, lahat ng tao na nasa paligid niya ay nagsaya.
"Sa wakas! Pagkatapos ng pitong buwan ng shooting ay natapos rin." Sabi ng isa sa mga camera men habang ngumingiti sa kanyang mga katrabaho.
"Hindi na ako makapaghintay na makauwi para makasama ko na ang mga anak ko." Sabi naman ng isang babae na may malaking headphones na ngayo'y sa leeg na niya nakasabit.
Lahat ng mga staff ay excited, sa wakas ay natapos na nila yung filming. Ngayon pwede na silang umuwi sa kani-kanilang mga pamilya. Pagkatapos ng mahigit kumulang na pitong buwan, dalawang linggo at apat na araw sa Paris ay pwede na silang umuwi. Syempre, masasabi nila na maganda ang lugar pero mas magugustuhin nila na kung pupunta sila dito ay as a vacation hindi dahil sa trabaho nila.
"Hoy, Alvares! Good work!" Tawag ng ilan sa mga crew sa lalaking paalis sa site.
"Thank you everyone!" Sagot ng babaeng sumunod sa lalaki.
Linya linya ng mga trailer ang nakapwesto sa isa sa mga pinakamalaking kasalda ng Paris, France. Maraming tao ang nagkumpol kumpol para makita ang kanilang mga idolo habang labas pasok ang mga artista sa kani-kanilang mga trailer.
Isinara ng babae ang pintuan ng trailer sa likod niya na may malaking golden star na may pangalan na nakalagay sa ibabaw: 'Rage Alvares'. Habang sumisilip sa labas ng trailer nakita niya ang mga nadismayang mga babae na hindi pinansin ng kanilang idol. "Try mo namang maging friendly. Kahit konti lang. For publicity's sake." suggest niya.
"Wala ako sa mood." Matabang sagot ni Rage habang pagod na umupo sa sofa.
Pinilit niyang ngumiti ng kaunti sa kanya. "Great job nga pala, ngayon we can finally rest at pwede na nating makita ang buong siyudad!"
"Mmm..." walang gana niyang sagot habang nakapikit ang mga mata.
Napabuntong hininga na lamang siya.
"Alam mo kai-"
Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil biglang nagring ang kanyang cellphone.
"Yes, si Erika 'to. Yes. Here at-... Okay... Sure... We'll be there.
"Sino yun?" Tanong ni Rage, nakadilat ang isang mata habang tumitingin sa kanyang manager.
"Si Mr. Spencer, sabi niya aalis na siya papunta sa States in an hour, gusto niya tayong makita bago siya umalis."
Si Mr. Spencer ay isang American producer sa kasulukuyang pelikula ni Rage, isa rin siya sa mga pinakatrusted na tao ni Rage, mabaliban kay Erika Monteza.
"Halika na." Sabi ni Erika habang hinihila si Rage. "Hindi 'to magtatagal, nag-usap na kami last time. Wala siyang masyadong sinabi, yung sigurado lang ay good news yun."
Kahit napipilitan, tumayo si Rage at sumunod sa kanya papalabas ng trailer.
________________
"Of course, I know he's willing," sagot ni Mr. Spencer sa kanyang kausap sa cellphone. "Okay... Sure.. Bye."
"So, this is about?" Excited na tanong ni Erika.
Si Mr. Spencer, after all siya ang puno't dulo ng kasikatan ni Rage sa industriya at siya na rin ang naging producer niya sa lahat ng pelikula niya. Palagi niyang rinerekomenda ang talento ni Rage bilang isang artista sa lahat ng koneksyon niya sa mundo ng showbiz, dahil dito nagkakaroon ng maraming pagkakataon na nakakafilm si Rage internationally.
Pagkatapos niyang ipasok sa bulsa ang kanyang cellphone, kinausap niya ang dalawa sa kanyang pinakapabaritong tao, ang isa ay isa sa pinakamagaling na managers up to date at ang isa, ay isa sa pinakakilalang artista sa buong mundo at isa sa mga highly paid actors ng industriya.
"This is good news for you Rage!" Pahayag niya habang nakangiti.
"I heard." Walang ganang sagot ni Rage.
Tinignan niya lamang si Rage ng may halo ng pagtataka na palagi niyang ginagawa. Ang relasyon niya sa batang ito ay palaging maganda, respetado nila ang isa't isa at sa puntong ito ay parang anak na ang kanyang pagturing sa bata at ganun rin naman si Rage na parang ama na ang turing kay Mr. Spencer. Pero kahit ganun sila kaclose sa isa't isa, may isang bagay pa rin siyang hindi maintindihan, ang kawalan ng passion niya sa pag-arte. Naalala pa niya nung nagsisimula palang sa industriya si Rage, ang talento niya ay kasing galing pa rin mula noon pero hindi ganun kapolido. May passion siya noon sa kanyang ginagawa, makikita mo yung apoy sa kanyang mata at masasabi mong nag-eenjoy talaga siya sa kanyang ginagawa.
Ngunit ngayon ay ibang kwento na ito. Wala na yung passion, nakikita niya na may para bang pumipigil sa kanya. Wala na yung apoy, yelo nalang ang makikita mo, malamig na umabot ng limang taon. As a producer, wala siyang pakialam basta nagagawa niya ang kanyang mga pelikula pero bilang kaibigan at surrogate-father niya, hindi niya kayang makita na ganito siya, klaro niyang masasabi na hindi siya kuntento sa nagagawa nito.
"I promised a friend that you will star in his new upcoming film."
Literal na nagkaroon ng mga butuin sa mga mata ni Erika nung narinig niya ito. "That's great news, Mr. Spencer."
Tumango si Mr. Spencer at bumaling kay Rage. "You don't have anything planned out right? Can you do this?"
Lahat ng pelikulang rinekomenda niya para sa kanya ay palaging naging maganda para sa reputation niya at wala naman siyang ginawa kundi ang magtrabaho sa buong buhay niya. "No," sagot niya sa naunang tanong. "Yes, I'll do it." Sagot niya sa ikalawa.
"Very good! You can't do anything about it anyway. I already gave my word."
Napataas ang kilay ni Rage dahil dito, "Then why did you bother to ask me, if you already knew that I will do it?"
"I just wanted to know if you are willing to do it."
"When will the filming start? Where is the location?" Pagsawsaw ni Erika habang nag-iimagine ng mga lugar tulad ng Rome o Greece. Lahat ng rinerekomenda na proyekto ni Mr. Spencer ay palaging na pupunta sa magagandang lugar.
"Metro Manila, Philippines." Sagot niya.
"PHILIPPINES?!"
Tinitigan ni Mr. Ramirez ang dalawa habang inulit nila ang salita na para bang sumpa ito.
"What's with Philippines?"
Napatingin si Erika kay Rage na tinitignan ang dingding habang may inaalala.
"Bad memories." Sambit ni Rage.
"Are you sure that the set is in the Philippines?" Tanong ni Erika na umaasa na magbago ang sagot niya.
"Yes, I already read the script. It's good and the whole movie is set in the Philippines. My friend asked me if I know someone who is fluent im Filipino and of course, I recomended the first person who came into my mind.." Sabi niya habang tumititig kay Rage. "Coincidentally, I discovered Rage when I was in the Philippines, six years ago."
Pagkasabi nito, biglang nanigas ang expresyon sa mukha ni Rage. "I won't do it."
"Why not?" Nagtatakang tanong ni Mr. Spencer dahil sa biglang pagbabago ng kanyang desisyon.
"I still won't do it." Huli niyang sabi bago siya umalis sa kwartong iyon.
"Sorry, Mr. Spencer," sambit ni Erika. "But Rage can't go back to the Philippines."
_________________
Author's Note:Hopefully matatapos 'to. Hihihihihi. Sorry kung wrong grammar ako sa Filipino kahit nga sa Waray wrong grammar din ako. Sorry rin kung ayaw niyo sa spacing kasi sa mobile ko lang 'to ginawa. :3
Vote? Comment? Okay lang kung hindi. Hindi naman ako namimilit. :)
Posted 7/4/15